📷 27: Double Date

Start from the beginning
                                    

Ngumisi siya sa akin at itinaas ang dalawang kamay na parang natutukan ng baril. "Okay Atty, you got me." he winked. "You can jail me now."

Umirap naman ako ulit. Ang landi landi ng lalaking to. "I'm a lawyer. Not a policewoman, you slut."

Magrereklamo pa sana si Marco sa paratang ko ngunit may umakbay na sa kaniya. "Okay lovebirds, want to join us for a walk?" nakangising sabi ni Riguel at sa tabi nito ay si Mila na nakangiti rin.

*****

"Hoy Riguel akala ko ba walk?!" inis kong sabi dahil nag-aagaw buhay na ata kami dito sa batuhan at kapag hahampas ang malakas na alon ay nababasa kami ng tubig dagat. Basang basa na tuloy ang laylayan ng dress ko.

Tulyan nang sinakop ng dilim ang kalawakan kaya nagsilabasan na ang mga bituin.

"Sabi ko nga kanina, dapat dun nalang tayo sa railings e!" reklamo din ni Mila. Hirap na hirap siya sa sa body hugging dress niya at sa 3-inch heels na suot. Buti nalang talaga at naka flats lang ako ngayon.

"Where's the fun in that?" nginisihan kaming lahat ni Riguel at inalalayan na si Mila sa paglalakad sa batuhan. Gusto kasi ni Riguel na marating ang tuktok nitong rock formation dahil maganda daw doon ang view. Hindi naman ito kalayuan mula sa restaurant na kinainan namin kanina.

Itinusok ko nalang ang dila sa pisngi dahil kanina pa ako nadudulas na siyang ikinaiirita ko. "Babe dahan dahan." dagdag narin doon ang skinship at ang kadiri naming tawagan ni Marco na naka-alalay sa akin ngayon. Humanda kang Riguel ka!

Pagdating namin sa tuktok ay ginawa naming upuan ang natumbang kahoy at nag-usap usap lang tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari sa aming mga buhay.

"Weh? Crush mo kaya si Marco---" tinakpan ni Mila ang bunga-nga ni Riguel na patawa tawa lang habang umiiwas sa mga hampas ni Mila. "Alam na naman niya! Arte arte."

"Sinabi niyo?" nahihiyang tumingin sa amin si Mila habang nanlalaki ang mga mata. Doesn't make any sense. Pero ganon yun. Nahihiya siya.

"Hindi a! Alam niya dahil napakaobvious mo! Palaging nakatitig e. Naglalaway pa." panlalait ni Riguel. Napa-iling iling nalang ako dahil baka ito ang dahilan kung bakit ayaw ni lola kay lolo. Palaging nangti-trip.

Tumikhim naman si Marco para kunin ang atensyon nilang dalawa. "So what's the score between the two of you? Kayo na?"

Tumigil naman sa pagkukulitan ang dalawa at nagkatinginan. Nagkahiyaan at nag-iwasan. Parang mga tanga.

"Nanliligaw palang ako bro bro." kumindat sa amin si Riguel.

Napangiwi naman ako dahil pinush talaga nilang dalawa ang tawagang bro bro. Namention ko kasi kanina dahil napanood ko sa movie na The Perfect Date at nagustuhan naman ng dalawang walang kwentang lalaki.

"Bagal mo naman." pang-aalipusta ni Marco at tumawa ng malakas para mas lalong inisin ang kaibigan.

"Porke mabilisan kayo ni ano---" hindi na natuloy ni Riguel ang sasabihin dahil mabilis na lumipad ang white flats ko papunta sa mukha niya. "Hoy Amalia foul yun a!" ngumuso siya habang hinimas himas ang noo.

"Bunganga mo." inirapan ko siya at binalingan si Marco na nasa gilid ko lang. "Kunin mo bilis." pagtukoy ko sa sapatos kong lumipad.

Umarte siyang walang narinig kaya siniko ko na. "Aray! Sino bang bumato? Ako ba ha?" umirap pa siya sakin. Aba! Nang-aagaw to ng signiture move a?

"Ahh ganiyan?" kinurot ko ng super light ang nipples niya kaya bigla siya napatayo at muntikan pang madulas.

Tumayo rin si Riguel at nag-agawan silang dalawa sa sapatos ko. Nagkatinginan naman kami ni Mila at napa-iling iling. Kahit kailan talaga ang dalawang to.

Si Marco ang nagwagi at pagkabalik niya ay lumuhod siya bigla sa harap ko at sinuot ang sapatos sa akin. Tinitigan ko lang siya habang seryosong seryoso sa paglalagay ng strap----

"Aww ang sweet niyo naman." singit ni Riguel gamit ang matinis na boses. "Selos ako darling." kumapit siya sa braso ni Mila. "Suotan mo din ako ng sapatos."

"Dali tara." nakisabay narin si Mila sa trip niya at tinanggal na ang dalawang sapatos ni Riguel.

Bumalik narin si Marco sa pagkakaupo sa tabi ko. "Wag mo nang ibalik Mila." humagalpak ako ng tawa di alintana ang masamang tingin ni Riguel.

"Pakitaan mo naman kami kung paano maging sweet si Mayor Riguel Alejandrino bro bro." hinagis hagisan ni Marco ang kaibigan ng maliliit na bato.

"Mayor?" takang tanong ko.

"Siya na kasi ang susunod sa yapak ng papa niya. Siya ang susunod na Mayor ng La Maria." proud na sabi ni Marco.

Bumaling naman ako kay Riguel. "Okay lang sayo?"

"Oo naman. Pinaghandaan ko to buong buhay ko. Gusto kong makapaglingkod sa mga tao." taas-noong sabi niya habang hawak pa ang dibdib.

"Oo na Mayor." pang-aasar ni Marco at tumawa na naman silang tatlo. Samantalang napakunot naman ang noo ko. Sa pagkaka-alam ko ay walang interes sa politika si Lolo.

But look at him now. Kahit pabiro nitong sinabi, mababakas sa mga mata niyang totoo ang mga iyon. His eyes seemed sincere. And I wonder what changed that.

"Bulan." napatingin kaming lahat kay Mila na pinapabilog ang mga daliri at ipinipikit pa ang isang mata para sipatin ang buwan. "I feel like she's a very wonderful woman. She's always calm." ngumiti siya sa amin.

"Oo. Parang ikaw." pagbabanat ni Riguel kaya namula si Mila. Ang cute nilang dalawa.

Ibinaba na ni Mila ang kamay. "Anong pinakagusto niyo sa lahat ng nasa langit ngayon?" tanong niya habang nakatanaw sa malawak na kalangitan. Tanaw na tanaw din namin ang tila walang katapusan na karagatan ngayon. Carles is on the edge of the Panay Island kaya halos sa dagat narin lang umiikot ang buhay ng mga tao rito.

Itinaas ni Riguel ang kamay at sinubukang i-trace ang mga stars tapos ay agad ding binawi at natawa. "Alam niyo bang masama daw na tinuturo ang mga bituin?"

Kumunot naman ang noo naming tatlo. "Bakit?" si Mila.

"Sabi nila, stars are actually gods." tumingin si Riguel sa amin. "Pointing at a star, therefore you are actually pointing at a supernatural being. This could anger them and could bring bad luck down to the pointer." kinagat niya ang sariling hintuturo. "And this, is how to prevent it." he winked.

"Ganon?" kinagat rin ni Mila ang hintuturo niya.

"Nung bata ako paborito ko talaga yung mga bituin kaso nung kinuwento yun sakin ni Mama ayaw ko na bigla." Riguel chuckled. "Kaya siguro yung buwan nalang din yung gusto ko Mila."

Tumawa silang dalawa. "Ikaw Amalia?" baling sakin ni Mila.

"Pwedeng lahat?" lahat kasi ng nasa langit ay sadyang napakaganda and each of them have their own unique characteristic that make them stand out.

Ngumuso naman sakin si Mila. "Isa lang e."

I chuckled dahil ang cute tingnan ng lola ko. "Okay, I may not know kung ano ang pinakagusto ko among them but atleast I know what I like the least." tumaas naman ang kilay ng lahat kaya tumawa ako. "It's the horizon."

"What?! Ang ganda kaya! It's where the sky and the sea meets. Ang sweet ng description Amalia, bitter ka lang e." pagkontra ni Riguel sa idea ko. Panira talaga to palagi.

"I just don't like it." I shrugged. "Isa siya sa mga patunay na hindi lahat ng bagay pwede mong abutin. Try to go after it and it just distances itself away." umiling-iling ako.

"Edi wag mong habulin. Just sit there and embrace its beauty duh." umirap si Riguel kaya tumawa kaming lahat. Bakla ata to e.

"Oo na po." pagsuko ko nalang dahil mukhang hindi magpapatalo ang lolo ko.

"Ikaw bro bro?" tanong naman ni Riguel kay Marco kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Ako? Si Amalia lang ang gusto ko." simpleng sabi ni Marco habang nakangiti at nakatingala sa langit.

====================
mwa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now