Chapter 08- Palihim na pag-aalala ni Zean kay Jea

Magsimula sa umpisa
                                    

Minsan nahahawakan niya ang kamay ko. Halimbawa, Pareho namin kukunin ang glue sabay kaming napapahawak sa glue kaya counted sa hold hands ‘yun for me. Nakaramdam ako ng kuryente kapag nagkakalapit ang mga kamay namin. Napakalandi ko.

Solong solo ko siya kailangan magtapat na ako. Walang tao walang distorbo the best spot para mag-confess ng feelings. Kinakabahan ako. Pasaway na heart ang lakas ng tibok. Na-f-feel ko na naman ang init na dumadaloy sa katawan ko. Pinagpapawisan ako.

Kaya ko ‘to!

Huminga ako ng malalim.

“Mattew?”

Ito na, sisimulan ko na. Please sana walang Zean na um-epal.

Humarap siya sa side ko, “Why? Shit! Bakit ang pula ng mukha mo may sakit ka ba?”

“Mattew ang totoo niyan gu—”

“Kamusta? Tapos na ba ang project na pinapagawa ko sa‘yo?” Sabi ng lalaking nagsalita sa likod ko.

Tell me i‘m dreaming! Hindi sa kanya ang boses na ‘yun! Sabihin niyo please!

Lumingon ako. Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Si Zean. Nakatayo siya while crossing his arm and wearing his most stupid idiot devilish smirked. Bakit ba lagi nalang? Why? wasak na ang chance ko magka-love life ko! Nakakainis! Bakit dumadating siya sa panahong nagpapacute ako?

Bumagsak ang panga ko.

“Kaya pala ang tagal matapos ng project ko dahil inuuna mo pa ang pakikipaglandian diyan sa lalaking ‘yan.” Bulong niya.

WHAT?!! OMG! SANA HINDI IYON NARINIG NI MATTEW, NAKAKAHIYA!!

Napatingin ako kay Mattew at mukhang wala naman siyang narinig sa sinabi ng demonyong ‘to.

“Diba tinetext kita kanina.” Tumayo ako.

Tenext eh wala nga akong number niya pch.

“Wala akong natanggap!”

Bobo! Malamang wala kang matatanggap kasi hindi naman kita tenext utak nga!

“Eh nagtext nga ako.” Pinandilatan ko siya ng mata.

As in dilat na dilat. Ang manhid niya. Hindi ba siya marunong makiramdam. Kasama ko si Mattew dapat umalis na siya.

“Wala sabi akong natanggap!” He shouted before he poke my head. Magsisimula na ang war.

“Aw! Tanga! Malamang wala kang natanggap kasi wala po akong number sa‘yo kamahalan at kung meron man hindi ko i-s-save dahil hindi tumatanggap ang cellphone ko ng demonyo kagaya mo! hmmp!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis.

“Tss! Ikaw ang tanga! ikaw mismo ang nagsabi na wala akong number sa‘yo eh ba‘t mo ko i-itext, saka tingin mo bibigyan kita ng number ko? Feeling mo!”

“Dapat lang, sikip ka sa contacts ko kung sakali saka hindi mo ba alam ang word na common sense? Palibhasa kasi walang laman ‘yang Zombie brain mo!”

“Shit! Patawa, makapagsalita akala mo meron siya nu‘n. Unang tingin ko palang sa‘yo wala kang utak!”

Pinapainit niya ang dugo ko.

“Ah ganon? Gusto mo ipakain ko ‘tong project mo?”

“Gusto mo ipakal—HMMM!!!” Nataranta ako.

Tinakpan ko ang bibig niya baka kung ano pa masabi niya nasa likod ko lang si Mattew.

Mattew ikaw lang talaga ang gusto ko sana ‘wag kang magseselos huh?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon