Chapter 08- Palihim na pag-aalala ni Zean kay Jea

4K 147 20
                                    

Chapter 08- Palihim Na Pag-aalala Ni Zean Kay Jea

“Hi girls!”

I know that voice. Tumigil ako sa pag-gupit ng color paper at tinignan siya. Mukha akong tanga sa lapad ng ngiti ko. Naka-varsity jacket siya. Nakangiti siya sa‘kin. Grabe ang amo talaga ng mukha niya. Kinikilig na naman ako. May dala siyang tatlong C2 and sandwich.

“Hi Mattew!” Nakangiting sabi ni Dorine at kumaway pa kay Mattew.

“Hello.”

“Jea si Mattew.” Siniko ako ni Queency sa tagiliran.

Oo nakikita ko, nakatayo siya hindi mo na ako kailangan sikohin. Hindi ako bulag. Asar ‘tong si Queency. Baka isipin ni Mattew tuwang tuwa ako kasi nandito siya. Pero oo tuwang tuwa ako super!

Tumabi siya sa‘kin. Um-aalingawngaw ang bango ng pabango niya. Ang sarap yakapin.

“Gusto niyo?” Tanong niya sa dalawa tumago sila tapos inabot ni mattew ang C2 and sandwich. He looked at me, “Here. Baka nagugutom ka na.”

Hindi busog na ako nakita na kita! Nakapa-thoughful naman niya.

“Salamat.” Inabot ko ang C2 at sandwich.

“Ohmy.. Jea may kailangan pala kaming gawin mauna na kami.” Tumayo si Queency.

“Ingatan mo ang kaibigan namin ah?” Tinapik ni Dorine sa balikat si Mattew. Nag-nod lang si Mattew tapos nagtakbuhan silang dalawa palabas ng gymnasuim.

Ehh! Alam ko ang style na ‘yan mga bestfriend, mababait din pala kayo. Marunong kayo um-exit kung kailan kailangan. Very good. Masusulo ko si my loves. Kinikilig ang kaluluwa ko.

“Sorry weird ng mga kaibigan ko.”

“No, they‘re funny.” He smile.

“Ah talaga? Parang clown ganon?”

“Medyo haha! Project mo?”

“Hindi kay Zean ‘to, pinagawa niya.” Sabi ko habang kinakagat ang sandwich.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nainis na parang nalungkot. Totoo ba ‘tong nakikita ko? Nagseselos ba siya? Ayokong mag-assume pero sa expression ng mukha niya parang sinasabi niyang “Jea nagseselos ako!”

Mattew, may lihim ka bang pagtingin sa‘kin? Sabihin mo na sasagutin kaagad kita. Ora mismo maglalandi na ako.

“Hey, okay ka lang?” Worried kong tanong.

“Yeah, okay lang ako. Sorry..” Napakamot siya sa ulo, “Hmm, Jesha mag-ingat ka kay Zean. He‘s too harsh. Hindi ka dapat sumasama sa kanya. Narinig mo na ba ang tungkol sa kanya?”

Ano daw? Oo.. Medyo harsh si Zean pero hindi siya ‘yung tipong mananakit kahit nag-attempt siyang tadyakan at sampalin ako alam ko hindi niya itutuloy yun. May good side siya. Teka? Nagagalit ba siya kasi kasama ko si Zean. Nagseselos nga siya? Kainis talaga siya! Hindi ko maintindihan ang ugali niya.

“Mattew?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko wala akong masabi.

“Gusto mo papa Mattew nalang ang itawag mo sa‘kin?” He messed my hair while chukling.

Papa Mattew talaga ang tinatawag ko sa‘yo hindi mo lang alam.

I laugh, “Ay, ang weird.”

“Haha! Uhmm, Sige Mattew papa na lang.”

“Haha! Mas lalong weird iyon. Mattew papa? Haha parang macho papa ang dating hehe!”

Tawa kami nang tawa. Wala namang special kaming pinag-usapan nag-kwento lang siya tungkol sa bagay bagay tapos tinutulungan niya ako mag-gupit ng mga ididikit ko sa scrapbook. Ang saya saya ko kasi kasama ko siya. Walang pag-sidlan ang puso ko.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon