Chapter 06- Unexpected Hero

4.1K 152 15
                                    

Chapter 06- Unexpected Hero

7pm ako nakauwi galing sa palengke. Pinabili ako ni mama ng isda at mga gulay para sa ulam namin sa hapunan. Hindi naman ako takot maglakad mag-isa pauwi sa bahay sanay na ako saka sa tagal-tagal namin nakatira sa lugar na 'to mukhang kilala na ako ng mga adik at tambay dito. Pero hindi ako siga ah, siguro kilala lang talaga nila ako na kalugar nila.

Nasa mataas na daan na ako ngayon saka madilim sira kasi 'yung street lights. Para hindi ako matakot chenick ko kung kompleto ang mga pinamili ko ng..

"Excuse me Miss."

Napa-angat ako ng tingin sa narinig kong nagsalita. Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Tatlong lalaki ang humarang sa daan ko. Sila 'yung natapunan ko ng Juice ng kanina sa palengke. Take note hindi basta basta juice it's Tomatoe Juice.

"Natatandaan mo ba kami?" Tanong nung guy sa gilid ko.

I shook my head, "Hindi. Sino ba kayo?"

Dahan-dahan akong umaatras tapos palapit naman sila nang palapit sa'kin kapag umaatras ako.

"Palusot. Kami ang tinaponan mo ng Juice!" nanggagalaiting sabi ng isa.

Tae, hindi ko nga sinasadya 'yun. Tadyakan kita eh.

"Oh?"

"Pagbabayaran mo ng mahal ang pagmantsa sa uniform namin!"

"Magkano po ba ang halaga ng uniform niyo? Ay, Wala po akong pera mahirap lang po kami kaya hindi ko kayo mababayaran kung gusto niyo lalabhan ko na lang."

They all glaring me like hell.

Ohshit! AHHHHHH!! RUN FASTER!

Tumakbo ako sa pwedeng takbohan kung gaano ako kabilis tumakbo ganon din sila. Bumaba ako sa isang stairs at iyon na siguro ang
pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko. Wala akong madaanan. Kahit magsisigaw ako walang makakarinig sa'kin.

I'm died! Sinong tutulong sa'kin sa ganitong sitwasyon? Si Batman? Darna? Superman? O si Dora? Teka bakit si Dora? Ano ba 'tong sinasabi ko?

"Malas mo, tatakbo ka na lang doon pa sa wala kang takas" Sabi ng isang lalaking mataba.

"We'll teach you a lesson your never forget!" Segunda ng lalaking malaki ang eye bags.

Tinutok ko ang upo sa kanila sabay atras, "Hoy, ano'ng gagawin n'yo sa'kin? Ide-demanda ko kayo ng physical injury frustrated murder at rape!"

"Haha! Paano ka magsasampa ng kaso kung papatayin ka na?" Nakangising sabi ng lalaking matangkad.

Makailang ulit akong napalunok. marsmallow... ito na ba ang katapusan ng buhay ko ito na ba iyon? No!

"Teka! Stop!" in-strech out ko 'yung kamay ko banda sa mukha nila pero hindi as in dikit sa mukha.

"Bakit?" Sabay sabay silang kumunot ang noo.

"Bago niyo ako patayin o halayin o ano pa man. Please, pwedeng pakihatid niyo muna sa bahay ang pinamili ko kanina pa kasi ito hinihintay ni mama. I'm sure galit na galit 'yun saka pakisabi na rin hindi na ako makakauwi dahil papa—"

"FUCK! 'WAG MO KAMING GAWING GAGO AH!"

May narinig akong footstep pababa ng hagdan. Pagtingin ko Isang nilalang naka-black long sleeve shirt at jeans. Nasa pocket ang isang kamay habang 'yung isa may hawak na sigarilyo. Slow motion siyang nag-puff ng yosi at aaminin ko ang HOT niyang mag-puff.

ERASE!!

Kahit madilim naaninag ko pa din ang mukha niya. Walang iba kundi si Zean. Umupo siya sa gilid ng hagdan ng parang wala siyang pakialam. Hello nasa panganib po ako? Bakit kaya siya nandito? Wag niyong sabihing sinusundan niya ako? Pero bakit?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon