Chapter 30

2.3K 76 3
                                    

Chapter 30

Kinabukasan. Habang naglalakad ako papunta sa Clubhouse nila Zean dala-dala ang cake na binake namin kanina sa baking class. Habang nakatitig ako sa heart box hindi ko maiwasan ngumiti. Baliw ba ako? Sorry naman. Kinikilig kasi ako. Babae ako malakas ang malanding dugo ang dumadaloy sa katawan ko. Tuwing naalala ko yung nangyari kahapun sobrang saya ko.

Ngumanga ako ng nakita ko siyang matamlay na nakaupo sa couch. Balot na balot ng makapal na jacket with hood tapos nakabonnet pa siya, at may mask pa. Pero hindi ordinaryong mask dahil kulay itim 'yun may design na bungo yung parang nilalagay sa poison tapos naka-Nerd glass pa.

"Hoy sabihin mo anong trip mo at ganyan ang suot mo?" Pagtatanong ko as soon as makalapit ako.

"Ano sa tingin mo?" Mataray pero matamlay na sabi niya.

"Wait? May lagnat ka ba?" Nilapag ko hawak kung box sa mesa at tumabi sa kanya.

"Thanks to you." Hambalusin ko 'to eh!

"Okay ka lang ba?"

"What d'you think? Come here." Ginalaw-galaw niya yung pointed finger niya geasture na lumapit ako. So i did. Hinawakan niya ng maigi ang likod ng ulo ko at umubo.

"ARGH! BASTOS KA! BITAWAN MO KO!" Sigaw ko habang umiiwas sa pagbubuga niya ng ubo. Don't worry mabango ang hininga niya.

"Sabi nila kapag ipinasa mo sa iba ang germs mo mataas ang posibilidad na gumaling ang isang taong may sakit!" Tawa tawa niyang sabi.

Inapakan ko ang paa niya dahilan para mabitawan niya ko. "Shunga ka ba? Adik ka sigurong demonyo ka! Ipatapun kita sa saturn eh!"

"Kabayo na, Unggoy pa! Nagtataka ako kung bakit minahal kita. Sa gwapo kung 'to Madaming handang magpatayan maging boyfriend lang ako tapos sa isang--" he looked at me from head to toe, "Urgh. I don't know what kind of animal you are."

Siya na ang hakot award sa kayabangan at masama ang ugali.

"Psh! Don't worry, kahit ako nagtataka din kung bakit ikaw ang pinili ko kesa kay Mat--"

"Stop it! Don't you ever dare say his name again!" Pinanlakihan niya ako ng mata, "Why are you here? Miss mo agad ako? Tss. 'Wag mo masayong ipahalata na patay na patay ka sa'kin!"

Sa puntong 'yun binatukan ko siya, "De-Am."

"De-Am?"

"Oo, Demonyong Ambisyoso." Kinuha ko yung box tapos inabot sa kanya. Tumingin siya saglit sa box tapos tumingin sakin.

"Ano 'yan?"

"Tingin mo? Sige libro 'to." I said in full of sarcarm, "Gumawa kami ng Cake sa baking class.. may natira pa ka--"

"Bibigyan mo ako ng tira-tira?"

Yumuko ako, "Hindi.. ano.. ginawa ko 'to p--"

"Cake? Psh! Ayus ka lang? Namamalat ang lalamunan ko tapos pakakainin mo ko ng matamis?" Naka-asar face niyang sabi.

Mahigpit ang hawak ko sa box. Pinaghirapan ko 'tong gawin para sa kanya tapos aayawan niya? Ano na lang ba 'yung magkunwari siyang kukunin niya diba? Napahiya ako. 'Di ko naman kasi alam na masama ang pakiramdam niya.

Nagulat ako ng hinablot ni Smoke ang cake sa kamay ko, "I love cake. Akin na lang 'to. Jea your so kind thank you."

Lumipat ang tingin ko kay King ng kinuha niya sa kamay ni Smoke ang Cake, "Sakin na lang. Gutom na ako."

Then sumunod ang tingin ko ng si Zean na ang kumuha, "Kailan pa kayo kumakain ng tira tira? Akin na 'to ipapakin ko sa asong kalye."

HUWAT? Nagbibiro ba siya?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon