Chapter 01

9.5K 211 77
                                    


Jea's POV

"Kung ako sa'yo girl, Aminin mo na ang feelings mo hanggat may time ka pa." Sabi ni Queency habang nagbabasa ng menu.

"Go for it girl! We support you." Nag-acting clost fist pa si Dorine and she gave me an fighting spirit look.

"Sigurado ba kayo?" Kinakabahan kong tanong.

"Ay hindi! Kaya nga pinu-push ka namin kasi hindi tayo sure eh! Utak nga please!" Queency roled her eyes heaven

Ang sarcastic talaga ng babaing 'to, ipakain ko sayo ang menu eh.

"Pero nakakahiya, Babae ako bakit ako ang aamin? Baka isipin niya naghahabol ako sa lalaki." Sinubsob ko ang ulo ko sa mesa. Naguguluhan ako. Kinalikot ko ang Cellphone ko at nakita ang litrato namin ni papa. Napabuntong hininga nalang ako.

Una sa lahat ayoko talagang magpakilala but with the sake of this story sige magpapakilala ako at magk-kwento ako ng kunti sa sarili at buhay ko.

I'm Jesha Rivera. Jea for short guys. I'm 17 years old. I'm studying at Harris Elite University. HRM student po ako. Hindi lang halata sa itsura ko pero masarap po akong mag-luto. Ang physically apperance ko ay.. Wait do i really need to discribe my apperance, really? Kfine. Hanggang balikat ang wavy kong buhok, maputi ng kunti, pink pouty lips and long eyelashes. Hindi talaga ako ako maganda cute lang.

10 years old palang ako noon nang maghiwalay si mama at papa sa hindi ko alam na dahilan. Sinubukan kong mag-usisa tungkol sa nangyari ngunit palagi nilang iniiwasan ang issue pareho silang napapatahimik kapag inuungkat ko ang nakaraan kaya hindi na ako nag-usisa pa.

Masakit para sa isang anak na habang lumalaki ka hindi buo ang pamilya mo. Naiingit ako sa ibang kaklase ko noon dahil hatid sundo sila ng kanilang papa. Simula kasi nang maghiwalay sila si papa bumalik sa Canada.

Naalala ko noon, nang nasa elementary ako palagi akong binu-bully ng mga kaklase ko. Tinutukso nila ako na wala daw akong ama. "Putok daw ako sa buho" Kapag naririnig ko 'yun umiiyak na lang ako.

Mula noon pinangako ko sa sarili ko kapag nagkaroon ako ng pamilya sisiguraduhin kong hindi kami maghihiwalay ng magiging asawa ko. Ayokong palakihin ang mga anak ko nang walang ama. Hindi naman ako nagtamin nang sama ng loob sa magulang ko. Naisip ko ganyan talaga ang buhay hindi mo alam ang mangyayari kinabukasan.

Sa ngayon si papa ang sumusuporta sa pag-aaral ko mula noon hanggang ngayon. Gusto nga niya doon ako mag-aral sa Canada pero tumanggi si mama dahil ayaw niyang mawalay sa napaka cute niyang anak. Palagi kaming nag-uusap ni papa kaya hindi ko siya masyado na-mimiss saka tuwing birthday ko pipilitin niya talagang umuwi para i-greet ako ng personal.

Napabalik ako sa realidad ng magsalita si Quency.

"Alangan naman siya ang aamin sa'yo, wala siyang feelings sa'yo Jesha baka nagd-day dreaming ka." Naiinis na sabi ni Queency tapos biglang ngumiti nang nakakaloko. "Pero kung mag-c-confess ka ngayon ng un-dying crush mo sa kanya baka sakaling magkagusto siya sa iyo. Sabi nga, When your crush found out you like him, they will feel something to you too eventually."

"Iyan ang napapala kakabasa mo ng pocket books at kakapanuod mo ng korean com-rom pati 'yung reality ginagawa mong fantacy! Isa pa dalagang Pilipina ako. Hindi ako basta basta mag-bibigay ng motibo sa lalaki." Naiinis kong tugon sa kanya.

"Gaga! Wala ng space sa mundong 'to ang pa-conservative lahat ng babae na nabubuhay sa Earth marunong ng lumandi." Dorine smirked.

"Sinasabi niyong lumandi ako?" they both nod, "No way! Over my dead body!" eksaherada kong sabi sabay nag iling ako ng ulo ko.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon