Charpter 22 -Three Little Bear

3K 99 12
                                    

Dorine's POV

Omygosh. Ang sakit ng ulo ko paraung mabibiyak. Ayoko ko ng ulitin ang ganon paglalasing. Bwusit kasing lalaking yon.

Teka? Pano ako napunta sa bahay? Sinong nagdala sakin dito? Hwag naman sanang si Daddy patay ako.

Anong oras na ba? Pagtingin ko sa alarm clock ko. Whatda? 9:30 na? Juskopo patay ako may quiz kami ngayon! Tinignan ko yung cellphone ko, nakatanggap lang naman ako ng 50 messages galing kay Queency. Babaing yun balak nya sigurong pasabugin cellphone ko.

Dali dali akung nagligo at nagbihis tsaka lumabas ng kwarto hinanap ko kaagad si Mommy para itanung kung sino nagdala sakin. Dumiretso ako sa kusina dito ko madalas makita si mommy tuwing umaga.

"Mommy, sino p--" hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko sa nakita.

Freak! Bakit siya nandito? Pero Dorine ang hot nya. Pano bang hindi eh topless siya, may suot pang apron. Nasa lugar lahat ang mga muscles niya in short matipunong nilalang. Napakasarap pagnasaan ng lalaking 'to. Mabilis kung sinaway ang sarili. Wag kang maiinlove diyan Dorine. Babaero sya.

"Naiinlove kana ba sakin?" Bigla syang humarap malapad ang ngiti habang nilalapag ang niluto nya, "Lahat ng babae kapag tinitigan ako naiinlove sakin.. Are you inlove to me now?"

"Asumerong babaerong baboy!"

"Sus, deny pa.. alam ko namang pinagnanasaan mo ko kanina pa." Umupo siya.

"Manahimik ka! Bakit ka ba nandito huh? Sinong nagbigay sayo ng permission na pumasok dito? Tsaka bakit ka nagluluto habang nakatopless?"

"Daig mo pa ang imbestigador sa pagtatanong? Ganyan ba ka magpasalamat sa taong nagmalasakit na ihatid ka? Anyway, meron akung permission kay tita. At sa tanong mo kung bakit nakatopless ako?" He smirked, "Para makita mo ang katawan ko at pagnasaan mo."

At tumawa siya ng malakas. You mean siya yung lalaki kagabe? Sya ang naghatid sakin? Nakita nya akung naglalasing! Anakng! Yung mommy ko talaga sarap kutungan. You win, napagnasaan ko nga yang katawan mo. So?

"Ang sabi mo pa kagabe," Tumikhim siya, "Si Tyrone, bakit ang gwapo niya?"

Ginaya pa nya ang boses ko sabay tawa. Namula ang pisngi ko. Sinabi ko ba yun? O nagiimbento lang ang baboy na 'to?

"Hwag kang tumawa." Saway ko.

"Bakit may batas bang nagbabawal tumawa?"

"Isa pag di ka tumigil.." Nag-init ang mukha ko.

"Anong gagawin mo?" He wink.

"Baka mainlove ako sayo niyan.."

Jea's POV

Nakalabas na ako ng hospital. Sa wakas! Makakalanghap na ako ng usok ng syudad.. este makakapasok na ako. Namiss ko ang mga assignment, quiz and project. Kahit ayaw pumayag ni tito na pumasok ako at sinabing dapat magpahinga daw muna ako sa bahay nila.. Eh nagpumilit ako nakakabagot kayang magkulong sa kwarto na walang ginagawa. Napukpok lang ng tubo ang ulo ko, hindi naimbalido. Oa tong si tito.

Nakangiti akung naglalakad papasok sa school. Kailangan kung makausap si Mattew. Itatanung ko kung bakit hindi man lang nya ako dinalaw sa hospital nakakatampo. Boyfriend mo sya tapos hindi man lang sumilip kung buhay pa girlfriend nya.

Anong meron? Bakit panay ang tingin ng mga babae sakin? May dumi ba ako sa mukha?

Napayuko na lang ako. Ayokong salubungin ang mga masamang titig nila. Dahil hindi nga ako tumitingin sa dinadaanan ko nakabunggo ako sa isang tao pagtingin ko si Mattew. Bakit ang gloomy ng mukha niya?

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Where stories live. Discover now