Chapter 49

2K 57 6
                                    

Chapter 49

6 months later..

Queency's POV

Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Anim na buwan na ang nakalipas. Ang daming nagbago. Si Smoke at King ayon nagpakatino na. Si Tyrone naman ewan parang hindi pa ata umuuwi naawa tuloy ako kay Dorine. Si Jea nasa Canada na siya inaalagan si Tito Dexter. Tinutulungan niya itong ibangon ulit ang negosyong sinira ni Mrs. Harris. Si Zean? Wala kaming balita. Ang alam namin pumunta siya ng London. Masinsinang pinaliwanag sa lola niya at kay Scarleth na kahit anong gawin nito hindi siya papayag sa kasunduang 'yon. Pagkatapos nun hindi namin alam kung saan na siya. Si Mattew ganon din bigla na lang nawala sa pilipinas ewan ko kung saan lupalop napunta.

Miss ko na si Jea namiss ko na siya eh.. miss na namin siya. Meron parin kaming komunikasyon pero iba parin yung personal kayong nag-uusap.

Laylay ang balikat ko ng lumabas ako ng CR. Nakita ko ang excited at tuwang-tuwa na mukha ni Nikolo. Sinimangotan ko siya. Hindi naman sa ayaw ko. Totoo, gusto ko rin ito. Pero kasi next year pa ang kasal namin tapos nauna agad ito. Nakakaloka. Ang bata bata ko pa.

"What happened?" Nag-aalala ba siya o hindi? Panay ang ngiti niya eh.

"What happened? Paano kung lumaki na 'to? Alam mo ba kung gaano kahirap magdala ng bola sa tiyan? Yung gigising ka sa umaga halos mabaliktad ang sikmura mo sa kakasuka? Yung maghahanap ako ng pagkain para lang mawala ang paglalaway na nararamdaman ko?" I cried, "Umiiyak na ako. Mapipigilan mo pa tong pag-iyak ko ha? Ewan ko kung bakit umiiyak ako. Siguro tama ang sinabi ni mommy napaka emotional ng buntis. Bakit mo kasi ako binuntis?!"

Pinaghahampas ko ang dibdib niya pero tinawanan niya lang ako. Sinalo niya ang kamay ko tapos tinignan ako sa mga mata.

"Kung lumaki ang tiyan mo at mahirapan ka edi kakargahin kita.. hahagurin ko ang likod mo sa bawat pagsuka mo.. at kung maghanap ka ng imposibling pagkain maghahanap ako hindi ako babalik hanggat wala akong dala," he wipe my tears, " At Hinding-hindi ako magsasawang punasan ang luha mo."

Tumawa ako tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Promise?"

"Promise.."

"Mataba na ba ako?" Kumalas ako sa pagyakap at hinarap ulit siya.

Naglip bit siya. Tipong nagpipigil. Pinagtatawanan ba niya ako.

"My Queen, natural tataba ka buntis ka kaya. Pwera na lang kung si Edward Cullin ang ama ng dinadala mo. Haha!" Tumawa na siya ng malakas. Kinagat ko ang braso niya dahilan para mapa-aray siya.

"Seryoso ako!"

"Sorry." inipit niya ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya. "Kahit maging dambuhala ka pa mamahalin parin kita."

Aw ang sweet niya. Tapos pinisil ang cheeks ko. Naglakad siya papunta sa may pinto bago siya tuluyan lumabas sumilip siya at sinabing.

"Kapag nanganak kana punta ka sa gym ah?" At sabay tumawa ng malakas.

"NIKOLO SANTOS!!!"

Dorine's POV

Tyrone! Tapos na tayo! Wag ka nang magpapakita sakin! Bwisit ka! Tama na ang anim na buwang paghihintay ko sayo. Tanga rin ako eh. Kahit sinabi niyang wag ko siyang hintayin. Naghintay ko pa din siya. Umaasa kasi ako na isang araw tatawagan o itetext niya pero wala. Sinasaktan ko lang pala ang sarili ko. Umaasa sa taong hindi ko alam kung babalik pa o hindi.

I said to myself.

Napabalik ako sa realidad ng magsalita si Mommy.

"Dorine enjoy sa date niyo!" Sabi ni mommy at nagwave pa sakin.

PERFECT IN BAD [COMPLETED ON-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon