Chapter 1

520 111 15
                                    

"Forger, isa sa pinakasikat at pinag uusapan na pamilya sa bansa. Sino nga ba sila? Ating kilalanin!" maagang bungad sa TV na ngayo'y kakabukas lang.

"OMG!" sigaw ng kaibigan kong si Aris. I'm already used to it, alam na alam ko na ang reaction nya when she heard the name Forger. "Grabe, laman na laman talaga sila ng balita parati." Sabi pa niya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko at hindi na inintindi ang mga pinagsasabi ng kaibigan ko. "Kumain ka na, bilisan mo. Male-late tayo sa part time job natin." Sabi ko.

"Sandali naman, pinapanood ko pa yung crush ko e. Alam mo naman na crush na crush ko si Alas, hindi ba? Kaya wag ka basag trip." Napa-iling na lang ako. Grabe ka dedicated ang isang 'to, akala mo naman macu-crush back sya ng crush nyang artista o kung sino man sila, jusko. Kaloka.

"Okay." nanahimik na lang ako at kumain.

Nandito kami sa bahay na binili naming dalawa sa Makati, isang buwan na rin kami dito after we graduated college. Sapat lang ito para sa aming dalawa kaya hindi na masama. Hindi naman naging mahirap yung pag aadjust sa new environment, medyo napadali nga kasi maraming places para makakain at marami ring mga places na pwedeng galaan kaysa sa probinsya na kinalakihan ko. Masyado nga lang malaki at nakakalula nong una, but like I've said di naman ako nahirapang mag-adjust, kasama ko rin naman yung bestfriend ko kaya naman naging madali rin ang lahat.

"Hays, nandito na tayo sa Manila at malaki na ang chance na makita ko na rin si Alas. Hays, kelan ko kaya sya makakasalubong dito?" pag de-daydream ni Aris. Nasapok ko naman sya ng marinig yun. "Aray naman!"

"Magtigil ka nga yan, Larissa Keith Cohen! Kundi papalayasin kita dahil dyan sa kalandian mo!" sabi ko. Nanlaki naman ang mata nya dahil sa pagbabanta ko.

"Ano't may pagbanggit ng buong pangalan Ziramiah Borja?! FYI, At anong palalayasin?! Para ipaalala ko sayo, naghati tayo para mabayaran 'tong bahay na ito, ang bad mo!" natawa naman ako dahil hindi talaga pwede magbiro sa babaeng 'to.

"Hahaha, alam ko. Ito naman di mabiro." Sunod naman ay tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan namin. Si Aris na ang nagluto ng breakfast namin kaya ako na lang ang nag presinta maghugas ng plato.

"Tsk. Bakit kasi ang bitter mo sa mga Forger?! Wala naman silang ginagawang masama, ang gwapo kaya nila!" pagtatanggol nya don sa iniidilo nya.

"Wala naman, hindi naman ako bitter. Di ko lang talaga trip ang mga trip mo. Tsaka nagpunta ako dito, kasi niyakag mo ako para magtrabaho. Hindi dahil dyan sa pagfafan-girl mo ha." Sabi ko pa.

"Sus, oo na nga!" sabi nya pa. Pero lumapit ito sa tabi ng sink kung saan ako naghuhugas ng mga plato. "Pero ba't feeling ko, parang iwas ka pag pinag uusapan natin ang mga Forger? Bakit ha?" pag-uusisa nya ulit. Natawa na lang ako dahil yan na naman kami sa topic na yan.

"Wala nga, aba. Sadyang di ko lang talaga trip yang mga yan. Kaya ikaw, bilisan mo dyan at tara na pumasok, male-late na tayo sa part time natin." Sabi ko.

Again, gaya ng sabi nya umiwas na naman daw ako sa usapang iyon. Pero sa totoo lang ayoko lang talaga makibagay sa mayayaman, hindi ko naman sila ma-reach. Pare-parehas lang silang matapobre at walang alam kundi magpakayaman at ingatan ang kanilang pera.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit iwas na iwas akong pagusapan ang may kinalaman sa mga Forger o kahit na sinong mayayaman. Hindi rin ako interesado, ayoko mainvolve sa mga katulad nilang high class at kakaibang mundo. I want to live my life in a peaceful way, no more stress and less publicity.

Although ang ironic, dahil sa isang media company ako nagpapart time with Aris, but as intern pa lang naman. Nagsimula kami last week, si Aris na rin ang nagpasok sa akin dito dahil may kakilala daw ang tita nya dito kaya medyo bumilis na maging intern kami ng ganoong kalaking media company. Hindi ko pa rin naman alam kung ano pa talaga ang magiging trabaho ko o future dito, pero malalaman namin iyon after naming ma-evaluate kung makakapasa or hindi. For now, kelangan muna naming sumunod sa mga inuutos sa amin ng mga superior namin. Hindi nga madali ang trabaho dito, bukod sa di kami magkasama si Aris sa isang team, hindi ko talaga trip yung trabaho dito lalo na sa mga taong nakapaligid sa akin. Mas gusto ko sana yung hindi maingay, pero dahil wala akong choice, kelangan ko 'tong panindigan para na rin may experience ako maipadala kay Lola sa probinsya. Di na rin masama, mas panget kung lagi akong nakatambay. Mahirap ng maging pihikan sa trabaho lalo na't fresh graduate lang ako.

When the Night FallsWhere stories live. Discover now