Natawa na lang ako.

"Oh, tara na, bff! Nagiintay na sila dun sa bar na pupuntahan natin." Pag aya na niya.

Bago kami lumabas ay sinigurado muna namin na nakalock lahat ng pinto. Mahirap na at baka manakawan kami na mukhang malabo namang mangyari dahil mahigpit ang security dito. Bumaba kami ni Yenny at ang abang ng taxi. Marami namang dumadaan kaya ayos lang.

Habang nagiintay kami ay may naramdaman akong kakaiba sa atmosphere. Para bang may mga matang nakatingin sa inyo? Guni guni ko lang siguro 'yon.

Masyado na akong nagiging paranoid these days. Dapat na ata talaga ako huminto sa pag inom ng kape tsk.

Maya maya lang ay may tumigil sa harap namin na taxi. Naunang pumasok si Yenny. Nilibot ko ng tingin ang paligid kung tama ba itong nararamdaman ko pero wala naman akong nakitang kakaiba. Sumakay ako at pinawalang bahala na lang 'yon.

KADARATING lang namin ni Yenny dito sa HĮGH, isang bar dito sa Makati. Sabi ni Yenny kanina ay sikat daw itong bar na ito. Maraming mayayamang at kilalang tao ang nagpupunta dito.

Kaya daw HĮGH kasi puro high class na tao daw ang nagkalat dito. Ewan ko ba kung saan nalalaman ni Yenny ang mga bagay nayan. Ang weird talaga nun.
Iyong mayaman daw na boyfriend ni Tracey ang nagbayad ng pangcelebrate niya dito, kaya pala.

Muntik na kaming hindi papasukin dito dahil sa suot ko. Akala siguro nila na hindi namin kaya magbayad dito. Which is true naman hindi naman ako magpapakaimpokrita. Pero hindi pa rin sila dapat ganun. Porket ba ganito lang ang suot ay bawal na?

Ang mga pinapapasok nila ay 'yung mga kilalang tao. Iyong mga madalas na dito. Mga sosyal tignan. Pinapasadahan nga ako ng tingin ng mga babaeng nakakasalubong namin eh. Tapos titignan ka na parang nakakadiri ka.

Hay, mga tao talaga. Buti nalang natawagan ni Yenny si Tracey para puntahan kami. Nung time lang na 'yon kami pinapasok.

As usual, mausok at malalakas ang tugtog dito sa loob. Kung titignan mo ang mga tao dito ay mukhang may mga kaya talaga sa buhay. Marami ring babae na sobrang ikli ng damit. Parang naghihirap sa tela.

Hindi ko nga alam kung dapat ba ako mailang sa mga tingin nila sa akin. Ganon ba kalala ang itsura ko? Tingin nila sa akin ay isa akong outsider. Pero bahala sila. Hindi naman sila ang pinunta ko dito.

Lumapit sa akin si Tracey na may dalang inumin.

"Gusto mo, Aura?" Alok ni Tracey ng isang inumin na hindi pamilyar sa akin ang itsura. Kulay pula ito na parang dugo?

Tinignan ko 'yon. "Ano 'yan, Tracey?"

Natawa ito sa tanong ko. "Hay nako. Inosente much ka talaga Aura babes! That's Bloody Mary! Oh, 'diba? Hanggang dito hinahabol ka ng dugo!"

Napangiwi ako sa pangalan nung inumin. Bloody Mary talaga? Parang 'yung multo na tinatawag ng mga ibang bata sa harap ng salamin? Hanggang dito ba naman hinahabol ako ng dugo?

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko 'yon. Hindi ko kasi alam kung matapang ba iyon o hindi.

Ayokong malasing dahil sure na sure akong malalasing 'yang si Yenny. Hindi naman siya madalas uminom pero once na uminom 'yan, sinisigurado ko sa inyo na hindi uuwi si Yenny na hindi wasted.

"Kunin mo na! Light lang 'yan, Aura! Cocktail lang. Hindi ka malalasing agad dyan kung yun ang inaalala mo. Mamaya na 'yung mga hard!" She giggled. Bakit feeling ko parang iba yung ibig niyang sabihin? Parang double meaning? Ay, ewan!

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon