Sisenta Y Cuatro

148K 2.8K 98
                                    

Sisenta Y Cuatro

Aura

Wala akong ginawa nung mga nakaraang apat na araw bukod sa pakikipag bonding kila Nanay. Namiss ko talaga sila. Iba talaga pag kasama mo ang pamilya.

Papunta ako sa ospital ngayon kasama si Yenny. Gusto daw niya sumama. Kakausapin ko kasi iyong sa HR Department. Gusto ko din kamustahin sila Ate Norma at ang mga kaibigan ko doon. Matagal tagal na din kasi nung huli ko silang nakausap.

"Nakakamiss din palang mag trabaho dito 'no, sis?" Aniya sa tabi ko.

Tumango ako. "Sinabi mo pa."

Nagbatian kami ng mga dating katrabaho na nakasalubong namin. Pinuntahan din namin si Ate Norma sa usual spot nito. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa amin ni Yenny at agad din kaming binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Namiss kita, Ate Norma!" Masayang sabi ko dito.

Nakipagkwentuhan ako saglit sa kanila bago pumunta sa HR department. Parang naging isang grand reunion ang nangyari ngayong araw na 'to.

Nagpaalam ako kila Yenny at kanina ko pa siyang napapansin na panay tingin sa akin tapos bibigyan ako ng isang makahulugang ngisi. She's acting so weird ever since we came here. Mamaya ko na lang siya tatanungin kung bakit panay ganon siya.

Bumagsak ang dalawang balikat ko ng marinig ko ang sabi ng taga HR. Ang masaya kong mood kanina ay napalitan agad ng pagkadismaya.

"W-We will call you back, Ms. Reyes. Hindi kasi namin alam kung may vacant kami as of the moment.." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin at napapalunok pa every once in a while.

Bakit kaya ganito ang babae sa akin?

"A-Ah ganon po ba? Sige po. Salamat.." I let out a deep sigh. Akala ko pa naman makakabalik na agad ako. Bakit ba hindi ko naisip na baka mahihirapan akong makabalik?

Pero sabi ng nakausap ko, pwedeng pwede na akong makabalik ulit. Tapos sasabihin dito sa HR na wala ng vacant as of the moment? Ano ba talaga? Nalilito na ako.

May offer pa naman sa akin abroad sila Mrs. Roces pero tinanggihan ko ulit dahil plano ko na talaga na makabalik dito sa probinsya namin pero hindi naman pala mangyayari iyon agad. Saan na ako mag-wowork ngayon? Mabuti na lang at may ipon naman ako kahit papaano pero ayoko namang dumating sa point na mauubos 'yon.

I guess I need to try to apply sa mga ibang ospital na nandito sa lugar namin. Tama, ayun na lang ang gagawin ko.

I texted Yenny na magkita na lang kami sa lobby. Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang nasalubong ko si Nurse Norma na naglalakad takbo palapit sa akin habang may hawak hawak na isang regalo?

"Aura! Mabuti naman at nasalubong kita.." Hinihingal niyang sabi sa akin.

Napakunot ang noo ko. "Okay lang po ba kayo?" Hinawakan ko ang kanyang braso at sinipat sipat siya.

Tumango ito at tumingin sa akin mata sa mata. "Oo! Okay lang ako.. Uhm, pwede ba akong makahingi ng pabor?" She kindly asked.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon