Chapter 5: Selos Much?

52 2 0
                                    

*Kriiiiing!*

"Uyy Nads, bili tayo sa canteen." Sabay kalabit ko sa katabi kong busy sa pagbabasa sa wattpad.

"Aaaaahh!!" Sigaw niya

What.

"Hala. Anong nangyari sa'yo diyan?" Tanong ko.

"Wait lang, Frey. Like ohmygosh. Nasa Climax na 'ko. Ito na. Sasabihin na ni Gray na gusto niya si Pink."

"What the heck. Anong klaseng mga pangalan yan? Hahaha"

"Che. Inggit ka lang kasi sila may love story, ikaw wala."

"Wow thanks. Pamukha mo pa sa'kin ah." Not that I mind.

"Joke lang. Wait lang talaga." Hindi pa rin niya binababa ang phone niya.

Pagtingin ko sa kanan ko, si Erick nakasubsob sa laptop. PDF naman ang binabasa. Jusme.

"Sige. Ako na lang mag-isang bibili. Brb."

Tumayo ako at tinignan silang dalawa. Aba't di man lang ako tinignan. Nako.

'Pag baba ko, buti na lang andun si Patrich. Read as Patrick. Pero Mas gusto niyang Patrish ang basa. Well... Yep. He's a gay friend of mine.

"Uyy 'teh. Buti naman at naisipan mong dumalaw dito sa lungga ko. Char." Sabi niyang pabulong pagkalapit sa'kin at hinila niya 'ko sa isang table.

"Maka-lungga naman 'to, parang pag-aari mo lang. Hahahahaha. Ba't ka ba kasi mahilig tumambay dito?" Tanong ko. Araw-araw, dito kasi siya tumatambay, at kapag hindi ako bumababa dito sa canteen tuwing recess or lunch, sure namang pupuntahan niya 'ko sa room para ayain na makipag-chikahan sa kanya dito.

Patago lang rin dahil baka kung anong isipin ng mga kaklase ko.

"Guuurl, alam mo naman ang dahilan ko di ba?"

"Ano? Siguro lalaki ka talaga tapos puro mga chikabebs mo lang talaga inaatupag mo dito ano? Abaaaa. Babaero ka pala ah." Sabay kindat ko sa kanya.

"Hala. Pa'no mo nalaman?" Tanong niyang parang gulat at biglang napa-lalaki ang boses.

"Ha? Friend? Seryoso?" Pati ako nagulat bigla.

"Ayy. Joke lang sis. Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo. Girl at heart ako, bhe." Sabay tawa niya.

Sa totoo lang kasi, kung hindi lang naging bading 'tong si Patrich, malamang first love ko na 'to. Chos. Pero kasi ilan-ilan lang din naman ang nakakaalam ng tunay niyang sexuality. Ako, si Nads, si Erick, at si Reese. Heartthrob nga 'to eh. Pero he turns down every girl na nagpapakita sa kanya ng motibo kasi nga well... He's gay. Wala rin namang nag-aakalang bading siya kasi una sa lahat, gwapo. Yesss. Gwapo. Ang cliche lang 'no? Gwapong bading. Sayang. Noong una ko nga siyang makita, crush ko siya eh. Parang infatuation at first sight lang. Nung una ko siyang makausap, dito rin mismo sa canteen, parang lalaki pa siya kaso medyo nahihiya nga lang. Pero nung ipinakilala na siya sa'kin ni Erick ng pormal, aba baklush pala. At sabi pa sa'kin nun, gusto daw akong maging BFF kasi ang ganda daw ng hair ko, tapos hihingi daw siya ng tips para ganun din kaganda ang hair niya.

Sa gamit, ayos, at itsura naman, lalaking lalaki. Gwapong lalaki. Flawless, maputi, matangkad. Nako jusme, 'pag ito naging babae talaga, tinalbugan na niya ang beauty ko. Actually, wala siyang tatalbugan kasi wala naman akong beauty. Ha. Ha. Ha. Anyways, hindi lang naman good looks ang meron siya. Mabait, gentleman... Err... Gay... Gentlegay. Plus! Matalino. Lalo na pagdating sa vocab. Siya ang laging isinasali sa mga spelling bee and stuff. Eh pa'no bang di gagaling sa english vocab 'to eh, may lahi ngang amerikano. Pero magtaka kayo, pati sa Filipino vocab, matalino siya. So overall, genius lang talaga.

The Perfect Prom (On hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon