Chapter 10: Clumsy

24 3 2
                                    

"Freya!! Uy frey!!"

Narinig ko ang boses niya at mas binilisan ko ang paglalakad.

"Frey!!!" Mas nilakasan pa niya pero hindi pa rin ako tumingin sa likod ko.

Pumunta ako sa isang lugar na hindi niya 'ko masusundan.

Girls' CR. YES.

Pagdating ko dun, as usual, maraming tao. Recess eh, ano pa nga bang aasahan ko.

Pumasok ako sa isang vacant na cubicle. And yes, kahit maraming tao, may vacant cubicles kasi nandun lang naman sila sa CR para sa salamin, para mag-ayos, para magpaganda, para magtsismisan. You knooow, typical pasosyal girls.

Pagpasok ko sa cubicle, saka ako nag-isip.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Ano bang meron?

Hinablot ko sa pocket ng skirt ko yung note at naramdaman kong mas lalong kumabog yung dibdib ko.

Bakit ba 'ko sobrang kinakabahan?

Ilang beses ko nang tinatanong yun sa sarili ko.

Binasa ko yung note.

Any guy would be lucky to have you in their life and if you'd give me a chance, I'd be more than pleased to be that guy.

Naramdaman kong nagblush ako.

What the... Bakit ba may gan'to siyang effect sa'kin? UGH!!

Tinignan ko ulit yung note.

In fairness ganda ng sulat ah. Hahaha.

Tama na Frey!! Narehearse mo na 'to 'di ba? Narehearse mo na sa kwarto mo kung pa'no mo ibabalik 'tong note! Tama naaa!!

Oo. Tama. Ibabalik ko na 'to. Binalik ko sa bulsa ko yung note.

Umihi muna 'ko dahil baka maihi ako pag nakaharap ko na siya.

Inayos ko ang uniform ko at bumulong ako sa sarili ko.

"Kaya mo 'to, Frey."

I went out of the cubicle at siguro sa sobrang tagal ko na rin kakafreak-out sa loob ng cubicle, ako na lang natira sa Girls' CR.

Pumasok ulit ako ng cubicle.

"Okay. Dry run muna." Bulong ko sa sarili ko.

Sinimulan ko nang i-imagine ang scenario at sinara ko ang mata ko para mavisualize ko talaga

"Uhh. Duke..."

"Yes?"

Wow ang galing ko naman magvisualize! Kaboses niya talaga!

"Ano kasi... Uhh... Anoooo... Uhh... AnoooooBAYAN!! Nakalimutan ko na nirehearse ko!!"

Parang narinig ko na rin kung pa'no siya tatawa kapag yun ang sinabi ko.

Dinilat ko na rin ang mga mata ko.

Lumabas na 'ko ng girls' CR.

Sa gulat ko may humila sa kamay ko at tumakbo.

Sumabay na lang rin ako sa bilis ng takbo niya kesa naman maging Freya a.k.a floor mop ako.

Namalayan ko na lang na nasa gitna na kami ng field ng tumigil siya sa pagtakbo.

Hingal na hingal ako!! Bwisit.

Yumuko ako para habulin ang hininga ko.

"Hahaha. Do you even exercise? Or just... Jog?" Tanong niya sa'kin.

The Perfect Prom (On hold) Where stories live. Discover now