Prologue: A Bitter Beginning

91 4 0
                                    

Sino ba kasing nagpauso ng prom? Hindi ko magets kung anong point eh.

Paano yun makakatulong sa pag-aaral namin? Ano ang educational sa prom? Ang alam ko ipinagbabawal na yan eh. At kailangan mo ng permit kung talagang gusto mong mag-prom? Oh shocks, who would actually get into too much trouble for a night of misery?

Hindi ko rin magets kung ano ang point ng promposals. Para saan ba ang promdate? Hindi ba pare-parehas lang rin naman kayong ma-bo-bored dun? (Except lang sa mga talagang may kalandutan sa dugo, 'di ba?)

At saka sayang lang rin naman yan sa pera eh. Eh kung talagang balak mo lang um-attend ng prom, bakit di mo na lang pambili ng damit yung perang pambibili mo ng rose petals, balloons, or chocolates na props mo para sa promposal el grande mo? WHICH! Leads me to another point...

Bakit kailangang super magara ang damit mo sa prom? Ano ba yun? Sagala? Costume party? Oh baka naman children's party, kasi sobrang kapal ng mga make-up nila mukha na silang entertainer clowns? Pwede ring Lizard Massacre, dahil sa sobrang daming gel na nilagay mo sa buhok mong lalaki ka para lang mapatayo yan o magawang spikey look eh sigurado namang lahat ng butiking saktong mahuhulog sa ulo mo eh sure dead na.

Eh kasi naman kahit gaano pa ka-sosyal ng damit mo o kahit kahit gaano pa kabigat o kadami o kakinang ang mga diamonds o gold na isasabit mo sa liig mo kung hindi naman super hanep shet sobrang grabeng makalaglag-panty ang gwapo mo o makalaglag-brief (may ganun?) ang ganda mo, eh hindi ka talaga magiging Prom Royale or Prom king and/or queen to be precise.

Hindi naman ako galit. Para sa'kin kasi ang illogical ng sense ng prom.

It'd be really shameful to say this pero...

I've never experienced prom yet. Kasiiii... Junior palang ako.

And it's my pride me to say na certified. bitter ako.

At hanggat kaya kong iwasan ang prom, iiwasan ko.

The Perfect Prom (On hold) Where stories live. Discover now