Chapter 14: Breaking Down

18 2 0
                                    




And I turned off my laptop.

Hindi pa rin tumitigil ang pambabash sa'kin online. I'm so sick of this. What have I ever done wrong?

My phone vibrates. Again.

"Duke..."

"Frey. Please listen. Sorry. 'Di ko naman alam na ganito pala mangyayari."

"Duke. Wag kang magsorry. Di mo kasalanan. Hindi naman ikaw yung nagpost ng pictures eh. Hindi mo rin naman alam. No need to say sorry."

"Pero–"

"It's alright, okay? Uhm gusto ko na ring magpahinga. Ibababa ko na 'to ah. Sige bye."

"Frey I–"

In-end ko na yung call.

Hay. Nakakastress. Naisip kong tawagan si Patrich. Ever since nagsimula yung issue sa'kin 'di na rin siya pumapasok at 'di rin niya sinasagot mga tawag ko. It's been 5 days like that.

Kinuha ko yung telepono at pinindot ang number 2 at tinawagan siya. Number 2 siya sa contact list sa telepono namin. And oo, number 1 si Ronald.

Ronald Mcdonald dahil mahilig kaming magpadeliver ng merienda, okay?

Yung telepono ang naisip kong gamitin para sagutin ng butler nila. Sosyalin.

"Hello. Andersen's Residence."

Oh 'di ba sosyalin talaga? 1/4 American si Patrich. Half American dad niya and well you know the rest.

"Hello. Pwede po kay Patrich Andersen?"

"Okay. Miss?"

"Uh. Miss Freya. Freya Mariano."

"Yes. Please hold."

Syempre inantay ko naman.

"Miss Mariano, we're redirecting you to Sir Patrich."

"Yes. Thank you."

Hmm. Bakit kaya pumapayag si Trich na "SIR Patrich" ang itawag sa kanya? Samantalang pag ako, tawagin ko lang siyang Pat, lakas makapagtaray.

May tumugtog na classical music. After a few seconds tumigil ang music and may nagsalita.

"Hello? Freya."

"Omg you picked up."

"I didn't think I had a choice. Sa bahay ka na tumawag eh. Uhm. Sooo... Okay ka lang?"

"Dapat ikaw tinatanong ko niyan eh. Ilang araw ka nang hindi pumapasok ah. At saka yang boses mo, ang lalim. Parang nag-iba?"

"Uh... Ehem ehem... Sorry I've been uh... I've been sick kaya di ako pumapasok."

"Ay sorry. Sige. Magpahinga ka na."

"Teka frey, bakit ka tumawag?"

"Anooo wala. Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa. Haha."

"Well. Ito, buhay pa 'ko kaya sorry ka na lang."

Nakakapanibago talaga boses niya pag sa bahay nila ako tumatawag. Lalakeng lalake.

"Okay yun lang uhm haha sige, rest ka na."

"Wait Freya. Alam kong may problema. You can tell me. I won't... I won't judge."

"Ah so nabalitaan mo pala."

"May facebook naman ako. Haha."

"Oo nga pala. Rich kid ka. Haha."

"Rich kid ka nga rin. Manahimik ka nga diyan. Haha. Ano? You wanna talk?"

I started feeling the tears begging to come out. Syempre sinubukan kong i-hold back.

"Well uhm. Ayoko namang i-bother ka sa mga sarili kong problema. May sakit ka pa."

"No. I'm doing fine. Papasok na nga 'ko next week eh."

"Trich... I-I don't know what to do anymore." My voice trembles. Nagsimula nang tumulo ang luha kong pinilit kong itago at pigilin ng isang linggo.

"Freya... Ssshhh... Where are you right now?"

"N-nasa bahay. Bakit?" Umiiyak pa rin ako.

Biglang namatay yung linya.

Tumingin ako sa orasan sa night stand ko. 11:34 PM na pala.

Hindi na 'ko tumawag ulit. Baka nakatulog na rin naman siya. Tinuloy ko na lang ang pag-iyak.

I tried to sleep pero nganga. Wala. Ang ingay ng agos ng luha ko. Echos. Ang hirap palang matulog pag ang hapdi ng mata mo sa kakaiyak 'no? 

After a few minutes, may bumabato ng well, bato sa bintana ko. Wtf?

Akala ko titigil na lang rin pero mga 15 minutes nang may nambabato. Sige, tuloy mo pa yan. Wag mo pa talaga 'ko patulugin kung sino ka man.

"Sino ba yan?" Pabulong na sigaw ko pagbukas ko ng bintana.

Sakto naman na may lumipad na bato sa noo ko.

"Ah." Napaatras ako sa lakas ng impact. Medyo lang naman ang lakas. Pero aray ah. Maliit na bato yun ah.

"Frey. Uh omg. Ako 'to." Pabulong na sigaw nung bumato sa noo ko.

Napadungaw ako sa bintana.

"TRICH?! ANONG GINAGAWA MO DITO?"

"Ice cream?" Angat niya ng right hand niya

"And movies?" Angat niya ng left niya.

What?

"WHAT?"

"Matutunaw na yung ice cream gurl. Papasukin mo na 'ko."

"Okay okay. Sheesh demanding!"

Hinay-hinay akong bumaba at pinapasok siya sa bahay. Pumasok kami ng kwarto ko.

"Bakit ka andi-" nagulat ako ng bigla niya 'kong niyakap.

"I know you at alam kong 'di ka ganung klase ng babae." Sabi niya habang nasa ibabaw ng ulo ko yung mukha niya habang nakayakap pa rin siya sa'kin.

Niyakap ko rin siya. "Thank you."

Bumitaw siya sa yakap at ngumiti ako.

Awkwaaaard.

-End of Chapter 14-

The Perfect Prom (On hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon