Chapter 4: Masamang plano

45 3 0
                                    

"Bwisit ah. Ang hirap hirap maghanap ng related literature para dito sa research ko." Binitawan ko na yung laptop ko sabay higa sa floor.

"Huuuyy. Bumangon ka nga diyaaan. Kailangan na natin matapos hanggang Chapter IV ng research paper di ba? Dali na. Bangoooon." Sabi ni Reese na nakaupo sa tabi ko at hinihila ako.

"Eeeh. Ayoko naaa. Tinatamad na 'kooo. Break munaaaa." Sabi ko habang tinatanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Break agad? Di pa naman nagiging tayo, break agad? Grabe ka naman." Sabay hawak niya kunyari sa dibdib niya tapos paawa effect.

"Feeler mo. Che." Sabay bangon ko at batok sa kanya.

"Araaay. Ang saket. Huhuhu" nag puppy eyes pa siya.

"Ang panget mo. Psh." Nakatingin lang ako sa kanya na parang nandidiri.

"Hala. Di ba gumagana sa'yo ang puppy eyes ko?" Sabay pa-cute pa.

Sige. Pa-cute pa more.

"Ayy nako naman. Super effective kaya! Bagay sa'yo. Mukha ka talagang tuta. HAHAHAHAHAHAHAHA" halos maluha na 'ko sa kakatawa habang nakasimangot lang siya.

Pagkatapos kong tumawa, sobrang tahimik at na-awkward-an ako. Nagkatitigan pa kami. Siguro mga tatlong buwan. Char. Mga 1 minute lang. Pero sa sobrang awkward, parang forever na yun. Kaya nag-open up ako ng bagong topic.

"Huy. Ano na nga pala yung sasabihin mo sa'kin tungkol sa prom?"

"Ha?"

"Yung sabi mo kagabi sa phone."

"Ahh. Yuuun. Kasi may plano sana 'ko."

"Ano mag-pro-promposal ka na sa'kin? Sabi ko na nga ba, type mo 'ko eh. Yiiieee." Nag-beautiful eyes pa 'ko. Tapos parang nandiri lang siya. Sama netoooo.

"Feeler ka talaga kahit kelan. Mag-e-effort na nga lang ako, sa'yo pa? Nevermind." Sabi niya.

Aba ouch.

"Bading! Bading ka kasi. Aminin mo, aagawin mo sa'kin crush ko kaya magpapaalam ka 'no? I knew it!!" Sabay tawa ko. Hahaha. Bading.

"Lalaki kaya 'ko! Patunayan ko, gusto mo?" Sabay lapit ng mukha niya sa'kin.

Omg. Omg. Ito na ba ang magiging first kiss ko? Sa mokong na 'to? Shet. Papalapit na. Shocks. Ito naaa!!

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. At sa kasamaang palad walang dumampi sa lips ko, dejoke sa kabutihang palad pala yun. Pero sa noo ko may dumampi. Hindi! Hindi kiss. Palo! Pinalo niya ang noo ko.

"Araaayy!"

"Pikit ka pa ng mata ah. Hindi kita hahalikan hahahahahahaa. Feeler."

Ouch. Masaket ha. Physically. And emotionally. Bwisit talaga 'to. Paasa. Psh. Hahaha. Not that umasa ako ah. Hoy ah.

"Bwisit ka talaga Kads. Bwisit. Muntik na 'kong ma-heart attack sa mga pinaggagagawa mo ah."

"Bakit, umasa ka? Haha. Papakipot muna ang man of your dreams mo 'no. Ligawan mo muna 'ko." Sabay belat niya.

"Asa ka namang gusto kitang ligawan. Ni kahit 1 millisecond di sumagi sa isip ko yan, pre." Sabay roll ko ng eyes.

"So hindi mo inisip kailanman na ligawan ako?" Sabay ngiti niya.

"Hindi. Never in my whole existence." Sabay cross arms at roll eyes ulit.

Pero sa gulat ko, bigla siyang nag-grin.

"So gusto mo tayo agad? Walang ligaw-ligaw? Lakas maka-shortcut? Di naman ata pwede yan, Frey. Paka-Maria Clara rin tayo minsan."

Bwisit. Bwisit. Bwisit. AAAHH!!

"Leche ka, alam mo yun? Ano na nga kasi yung sasabihin moooo?" Sabay palo ko sa braso niya.

"Punta tayo prom." Pagkatapos niyang sabihin yun, ngumiti siya.

"Ohsee. Sabi ko na i-a-ask mo 'ko eh." Sabay taas ko ng isang kilay.

"Hindi. Hindi as a promdate. Feeler ka na naman. As a chaperone. Hahahahahaha"

Ouch?

"Bwisit ka talaga"

"Umasa ka naman? Hahahaha."

"Hindi ah. Feeler. Ayoko."

"Ayaw mo? Bakiiit? Once in a lifetime nga lang daw 'to eh. Sige na. Para makita man lang kita na magparty. Tekaaaa... Tomboy ka ba?"

Aba bwisit. Lakas ng loob. Sarap sapakin.

So okay siguro medyo boyish ako mag-isip pero di ako tomboy, okay.

"Ako? Tibo? Sipain kita diyan eh!"

"Oh tignan mo. Tibong tibo yung dating eh. Pero seryoso, once lang kita nakita magdress. Hindi pa kita nakitang naka-mini skirt, pekpek shorts, sports bra, biki- ARAAAY!!" Binatukan ko siya.

"Kadiri ka. Ba't ako magsusuot nun? Para manyakin mo? Wag na lang. Asa ka."

"Clarice, mataas standards ko, di ka papasa. Hahahahaha"

"Leche ka. Basta. Ayoko pumunta."

"Pa'no kung sabihin kong kaya kong kumbinsihin si Mike para maging promdate mo."

Si Mike? As in Mike Lopez? Shet. Yung all time heartthrob ng school at matagal ko nang kinababaliwan? Siya ba?

"Mike who?" Taas ko ng kilay.

"Sus. Kunyari ka pa. Kilala kita Frey. Mike who mike who ka pa diyan, pero deep inside kinikilig ka na. Sino pa bang Mike? Edi si Oh so gwapo na Mike Lopez mo." Sabay tawa niya.

Shocks. Siya nga. Iiyak na ba 'ko sa tuwa?

"Uhm. NO." Sagot ko.

"Ayaw mo talaga? Sige. Ibibigay ko na lang siya kay Daff."

Nanlaki ang mga mata ko.

Nooooo. Si Daff. Si Daff ang taga ibang section na sobrang patay na patay at baliw na baliw kay Mike. Ang pinaka-pinagseselosan ko pagdating kay Mike dahil sa sobrang clingy niya. Si Mike naman ang tipong tahimik, mabait at nakiki-ride na lang. Kaya gorang gora naman 'tong si malanding Daff. Jusme.

"Blina-blackmail mo ba 'ko?"

"Ay hindi ah. Shine-share ko lang. Baka kasi gusto mong malaman."

"Ugh. Reese!! I hate yooou!!"

"Ano na?"

"Ayokong pipilitin mo siya. So no pa rin. Ayoko ayoko ayoko."

"Okay. Sabi mo yan ah. Wag kang magpapakita sa'kin sa prom. 'Pag ikaaaaaw.."

"Hindi ngaaa. Di ako pupunta. Prom's not for me. Alam mo namang di ako mahilig sa tao."

"Sayang. Plano ko pa naman sanang maging cupid para sa love story niyo ni Mike."

-End of Chapter 4-

The Perfect Prom (On hold) Where stories live. Discover now