Chapter 1: Not All Promises Are Made To Be Broken

75 4 0
                                    

"Guuuuys. Mamaya babalik ako, with an announcement... ABOOOUT.. PROM! Yey!" Sigaw ng student government president sa may tapat ng door namin, habang nag-re-recess kami.


Aaaat.. ayan! Nagsimula na ang tilian.


Sabi ko na hindi nagbibiro si Miss Faith noon eh. Ano ba yan.


Kasi gan'to yun...


2nd year.


"Alam niyo ba guys, may i-she-share akooo." Singit ni  Miss Faith habang binabantayan niya kami habang naglo-long quiz kami.


"Miss ano po yun? Dali miss share!" Sabi ng isa sa mga pinaka-kaclose ni Miss.


"Bawal na ang prom sa high school." Sabay frown niya.


"Hala."


"OMG."


"OHMYGOSH."


"OHMYGEE."


"OHEMGOSH."


Ayun. Umingay na at puro "OMG" o kaya naman "OHMYGOSH" na lang maririnig mo. Pero surprisingly madaming versions, malay ko ba baka may nag-translate pa nun sa Chinese o kaya naman sa French 'di ba?


Tss. Ang OA naman ng mga 'to. Yun lang naisip ko. Kasi obviously I don't like the idea of prom.


"Pero!" dagdag ni Miss Faith.


"Dahil mahal ko kayo, hindi ako papayag na hindi kayo makaranas ng prom. I-pu-push ko yan. 'wag kayong mag-alala. Ako pa."


"Yey! Thank you miss!"


At puro thank you naman ang maririnig ngayon.


At ang PVG (Pretty Vain Girls) naman ay sabay-sabay pang sumigaw ng "We love you Miss!"


Oh no.


Back then umaasa talaga ko sa quote na nasa GM ng kaklase ko, which is... PROMISES ARE MADE TO BE BROKEN.


Okay then. So I was wrong. Kasi obviously may prom na kami.


"Ang bitter na naman ng itsura mo diyan! Uyy." Panggugulat sa'kin ni Reese.


Si Reese Francis Villanueva. Close friend ko.


I can't say na bestfriend ko dahil... well... since...  last year.


Okay, okay. Ex ko siya.


"Huy. Ikaw ah. Tinititigan mo na naman ako. Sabi ko na nga ba nagwa-gwapuhan ka sa'kin eh." Yabang talaga neto ni Reese eh.

The Perfect Prom (On hold) Where stories live. Discover now