Chapter 11: Xu'en

Start from the beginning
                                    

"Sana nga... Sige, mauna ka na. Alagaan mo ang kapatid mo. Sige na, baka kailangan ka na ni Weyla." sabi ko. Bago ko siya hinatid nagpabaon ako sa kaniya ng niluto kong pagkain para sa kanila.

"Salamat, Kamahalan. Mag-ingat po kayo." sabi niya. Hinatid ko na lamang ito sa may pinto.

"Ikaw rin." bulong ko sa hangin. Sinara ko na ang pinto at bumalik na ako sa aking ginagawa. Binubuhos ko ang inis ko sa pagluluto. At kakain ako ng marami hanggang sa mawala 'tong pagkabwisit sa kaniya.

Nagluto ako ng chicken buffalo, buns at pansit. May balak akong puntahan na tao. Gusto ko lang mawala ang stress ko ngayon. Pupuntahan ko si Xu'en. Hahanapin ko siya sa palasyo ng patago. Doon lang din ako dadaan sa may kakahuyan.

Nilagay ko sa isang lalagyanan ng pagkain ang mga niluto ko. Pupuntahan ko rin si Hyun para humingi ng pasensya. Ilang araw ko rin silang hindi nakita dahil sa mga nangyari kaya babawi ako ngayong gabi. Hindi naman masyadong madilim sa labas. Tsaka magdadala naman ako ng ilaw.

Bago ako umalis gumawa muna ako ng replika ko sa may kama para kung sakaling may maghanap sa akin ay hindi nila mapapansin na wala pala ako. Iiwan kong nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob.

Dala-dala ko ang pagkaing niluto ko kasama ang ilaw. Sinara ko na ang pinto. Hindi ko pa sinisindihan ang ilaw ko baka may makakita sa akin na kawal. Doon ko na ito iilawan sa may kakahuyan.

Dahan-dahan akong naglakad paalis ng bahay. Kita ko mula rito ang mga nagbabantay na kawal kaya kailangan kong mag-ingat sa paglalakad. Walang dapat makarinig.

Nang malapit na ako sa pasukan ng kakahuyan tumakbo na ako agad papasok dahil malayo na rito ng bahay. Sinindihan ko na ang dala kong gasera at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Third Person's POV

Mga tunog ng dalawang nagtatamaang espada ang tanging maririnig sa training area ng kaharian. Mga pusong nagbabaga dahil sa galit ang naglalaban. A heart to heart fight. Pero kahit na gano'n nagpipigil pa rin ang Heneral na magpadala sa bugso ng galit. Hindi niya kasi maatim na makitang nasasaktan ang nag-iisang babaeng minamahal niya. Matagal na ang nararamdaman niya para sa Reyna pero ni minsan hindi niya nagawang sabihin ito dahil alam niyang hindi sila ang nararapat.

Ilang minuto na lumipas at natapos na rin ang kanilang pagtatagisan ng lakas. Hingal na hingal silang dalawa at napaupo silang dalawa sa lupa.

"Kamahalan, ano na po ang gagawin niyo sa mahal na Reyna?" tanong ng Heneral. Tumingala ang Hari sa langit.

"Hindi na magbabago ang desisyon ko. Ayoko ng makita pa ang Reyna. Gusto kong magdagdag ka pa ng mga kawal na magbabantay sa Reyna. Tignan lang natin kung anong gagawin niya ngayong hindi na siya pwedeng pumasok sa palasyo." saad ng Hari. Nananabik na ito sa mga nangyayari. Ano kayang gagawing hakbang ng Reyna?

Nasasabik ito dahil sa mga narinig nito bago pa man sila umiksena kanina. Anong gagawin ng Reyna upang makuha muli nito ang Hari? Paano niya aagawin ang Hari sa lahat? Paano niya ito gagawin?

Hindi naman siya maintindihan ng Heneral. Naguguluhan na ito sa kung ano bang nais ng Hari na mangyari. Pero alam niyang nananabik na ito sa kung ano man ang mga mangyayari.

Habang paulit-ulit na inaalala ang mga katagang narinig niya. Kung paano siya ipaglaban ng Reyna na parang walang sino man ang makakaagaw sa Hari mula sa kaniya. Mas lalo itong pinananabikan ng Hari. Pero hindi pa rin nawawala ang galit nito para sa kaniya, dahil sa pag-iwan nito sa kweba. Hindi niya pa rin ito napapatawad.

"Kamahalan, pumapasok na po kayo sa loob. Malamig ang panahon baka po magkasakit pa kayo dito sa labas. Ako na po'ng bahala sa pinag-uutos niyo." pagpapaalam ng Heneral.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now