CHAPTER FOURTEEN

98 4 1
                                    

Minabuting kausapin ni Jarred ang sekretarya ni Mr. Romulo. Palihim niya rin na tinanong dito kung may ibang pinagkakaabalahan si Mr. Romulo pagkatapos ng trabaho. And as per his secretary, madalas magpunta si Mr. Romulo sa bars kung saan maraming magagandang escorts.

He's a sexual predator, sekretarya na ang nagsabi. Alangan pa nga ito dahil natatakot na malagot kapag nalaman ni Mr. Romulo ang pagsusumbong na ginawa niya. Minabuti rin ni Jarred na proteksyunan ang babaeng secretary kung sakaling malagay ito sa alanganin nang dahil sa pagkuha niya ng sensitibong impormasyon.

Next thing he should do— find a strong evidence that Mr. Romulo tried to assault Leigh Anne. Nakalap niya ang cctv footage noong araw na mag-walk out si Leigh Anne sa opisina.

Mabuti na lang at na-recall pa niya ang eksaktong oras. Nagitla siya sa napanood, totoo nga na hinawakan ni Mr. Romulo si Leigh Anne at pumalag ito. Malinaw na may maling nangyari.

Napangiti siya dahil mailalaban na rin niya kung ano ang tama at matatapos na rin ang pambibiktima ni Mr. Romulo.

Nagpunta siya sa bar kung saan ito madalas na tumambay. He got no chills, masyado siyang dismayado sa ginawa ng matanda. Hindi niya akalain na sa kabila ng magandang propesyon ay magagawa pa nitong mambaboy ng kababaihan.

Kuyom ang mga palad niya nang pasukin ang bar. Kahit patay-sindi ang ilaw, madali niyang naaninag si Mr. Romulo, may kasama itong magagandang babae sa table, probably he paid for them.

Walang sabi-sabing sinalubong niya ito ng suntok.

"Ano bang problema mo huh?" Napaigik sa sakit si Mr. Romulo. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakabuwal dala ng impact sa suntok ni Jarred.

"Ikaw ang malaking problema! Anong ginawa mo sa assistant ko huh? You assaulted her! Please lang, tumigil ka na. Igalang mo na ang mga babae, wala ka bang asawa't anak na babae?" asik ni Jarred saka kinwelyuhan ang matanda.

"Please, I can explain. Misunderstanding lang—"

"Misunderstanding? Kung may misunderstanding sana ako ang kinausap mo at hindi mo na hinawakan pa si Leigh Anne!" Pinutol ni Jarred ang nais sabihin ni Mr. Romulo.

"Jarred, nakikiusap ako. Nakakahiya sa maraming tao," sambit ni Mr. Romulo at binitiwan din siya ni Jarred.

"Mag-sorry ka kay Ms. Leigh Anne! Hindi mo ba alam na takot na siyang pumasok dahil sa ginawa mo? Kung ayaw mong mapahiya, do what I say!"

"Oo, magso-sorry ako kay Ms. Leigh Anne," napilitang pangako naman ni Mr. Romulo.

Humupa rin ang galit ni Jarred matapos niyang lisanin ang bar. Kahit gabi ay pupuntahan pa rin niya si Leigh Anne. Personal siyang hihingi ng paumanhin sa dalaga.

Aminado rin naman siya na naging pabaya siya sa part na 'yon, ni hindi man lang niya inalam kung anong nararamdaman ni Leigh Anne sa mga oras na kasama nila si Mr. Romulo, ang tanga niya para hindi mapansin na may bad trait ang lalaking iyon.

He dialed Leigh Anne's number, sumagot naman ito kaagad. "Sir?"

"Leigh Anne, nasa bahay ka ba?" bungad niyang tanong.

"Yes Sir, bakit?"

"Pupuntahan kita. Kailangan nating mag-usap regarding sa ginawa ni Mr. Romulo, sasabihin ko kay Mr. Fontabella na itigil na ang transactions ng Serenity Life sa mga tulad niya."

"Sir, salamat pero hindi ba pwedeng pag-usapan na lang thru phone? O kaya makikipagkita na lang ako." Bakas ang pag-aalangan sa boses ng dalaga. Nahihiya siguro ito na makita siya.

"Papunta na ako within 10 minutes." He ended the call. Hindi nga siya nabigo sa sinabi niyang mararating niya ang bahay ni Leigh Anne sa loob ng sampung minuto. Wala kasing traffic sa gabing iyon.

Kinatok niya ang pinto sa bahay ng tatlomg beses bago siya pagbuksan ni Leigh Anne.

"Sir..."

Naaninag niya ang pagkabigla sa mukha nito. He always found her beautiful. Napamura na lang siya sa isip, bakit ba kahit sa simpleng bagay ay nakukuha agad nito ang atensyon niya? Is he really into her?

"Sorry kung naistorbo kita. Hindi ko kasi ma-discuss sa phone ang matter na ito. I already know the truth, it turns out that Mr. Romulo harassed you," direktang paglalahad ni Jarred.

Kumabog ang puso ni Leigh Anne sa narinig. Hindi nga siya binigo ni Jarred nang sabihin nito na hahanap ito ng pruweba para madiin ang matandang lalaki. At tila mas prioritized ang tungkol doon dahil mabilis ang resulta.

"I already got an evidence against him. You can work with me again once this matter is solve," dagdag ng binata at bigla pang napatikhim.

"Malamok dito sa labas, hindi mo ba ako papapasukin man lang?"

Tipid na ngumiti si Leigh Anne at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Sorry Sir, tuloy kayo."

Leigh Anne prepared a cup of coffee for Jarred. Wala siyang ibang maibigay na inumin bukod sa kape. Mabuti na lang at gaya niya, umiinom din ng kape si Jarred kahit gabi na.

"Si Klein?" he asked. Wala kasing binatilyo na bumati sa kanya. "Hindi raw uuwi, may group project," tugon naman ni Leigh Anne.

"Okay, wait. Sorry kung gano'n. Kaya pala ayaw mo na magpunta ako ngayong gabi dahil ikaw lang ang mag-isa." Apologetic na ngumiti si Jarred matapos siyang sumimsim ng kape.

"Ayaw ko rin na maabala kayo. Hindi naman urgent ang issue tungkol sa'kin Sir," pagkaklaro naman ni Leigh Anne. Sa totoo lang, hindi niya pinag-isipan nang masama si Jarred kahit noon pa. Alam niya na gentleman ito at hindi oportunista. That's why she loves him, until now. Yes, she's deeply in love with him. Akala niya'y nawala na ang pagmamahal niya ngunit lalo pa palang tumindi dahil sa ipinapakitang concern nito.

"But Lala..." Humugot ng malalim na hininga si Jarred.

Naging magandang himig sa tainga ni Leigh Anne ang muling pagtawag sa kanya ni Jarred ng Lala. Pakiwari niya'y espesyal siya dahil binigyan siya nito ng nickname.

"Everything that concerns about you is urgent. Lalo na't hinarass ka pala ni Mr. Romulo, hindi dapat palagpasin ang bagay na 'yon. At gusto ko rin na magtrabaho ka ulit para sa'kin. Tiwala na ako sa skills mo, please Lala."

Napayuko lang si Leigh Anne dahil magkahalong saya at lungkot ang hatid ng pakiusap ni Jarred. Pilit niyang ikinubli ang ngiti nang salubungin ang tingin nito.

"Sir thank you sa ginawa mo. Pero, hindi na talaga ako babalik bilang assistant mo."

"But why? I admit nagging harsh ako sa'yo noong baguhan ka pa lang. Pero nakita ko naman na may potential ka," pagtatapat naman ni Jarred. Sa puntong iyon, hinihiling niya na sana ay mabago agad ang isip ni Leigh Anne.

"Ganito na lang. Pag-iisipan ko muna," sambit ni Leigh Anne saka alanganing ngumiti.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon