CHAPTER EIGHT

110 4 2
                                    

"Ikaw ang first kiss ko..."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isip ni Leigh Anne ang mga sinabi ni Jarred. Nakatitig lamang siya sa kisame sa loob ng isang minuto. At kung hindi pa tumikhim ang bunsong kapatid na si Klein, hindi pa magbabalik sa realidad ang utak ni Leigh Anne.

"Nandito na ako," sambit ng kapatid at binalibag lamang sa sofa ang backpack nito. "Di ba sinabi ko sa'yo na huwag mong hahayaan na maubos ang mga pagkain sa ref? Gabi na, saan ako bibili ng makakain?" sermon ni Leigh Anne.

Napasinghap si Klein. "Eh di ako bibili, may fast food namang malapit, magmo-motor na lang ako."

"Ano kamo? Motor? May lisensiya ka ba huh?" may himig panenermong tanong ni Leigh Anne saka sinundan si Klein sa kwarto nito.

"Mayro'n, student license pa nga lang. Don't worry kaya ko na ate," sagot nito habang nagpapalit ng pambahay na damit.

"Oo nga may lisensiya ka, eh kanino naman ang motor na gagamitin mo huh?"

"Sa barkada."

"Tapos? Paano pala kung hindi rehistrado 'yan? Kung paso na ang OR CR, ano ba Klein huwag mo namang pasakitin ang ulo ko!"

"Hindi ko naman pinasasakit ang ulo mo ate, sa totoo lang sinabihan ko na kayo na huwag na ninyo akong paaralin. Huwag mo na akong problemahin para wala ka na ring problema." Napagtaasan ni Klein ng boses ang ate niya. Minabuti niyang lumabas ulit ng bahay at mag-motor, papunta sa lugar na nagpapagaan ng kanyang loob at siya lang ang nakakaalam.

"Klein!" sigaw ni Leigh Anne at bigo na siyang mahabol ito dahil mabilis nitong napaharurot ang motor. Napabuntong-hininga na lang siya at sumalampak ulit sa sofa. Kahit pinapakita niyang concern siya kay Klein, parang napakailap pa rin nito sa kanya. Bihira lang din itong magsalita at mag-open ng saloobin. Nahihirapan siyang hulihin ang kiliti ng kapatid.

"Siguro mas mahalaga kaysa sa'kin ang kaibigan niya. Masama ba akong kapatid kung lagi ko siyang sinasaway?"

Imbis na kikiligin lang sana siya sa magdamag dahil kay jarred, naudlot lang iyon dahil sa pasayway niyang kapatid.

***

"Kumusta ang paa mo? Huwag ka munang magsuot ng heels. Understandable naman na mahihirapan kang maglakad." Nang lingunin ni Leigh Anne si Jarred, nakapagtatakang maaliwalas ang mukha nito. Sobrang nakakapanibago pa nga dahil tuwing umaga ay nakabusangot ito at mukhang dinagsa agad ng maraming problema na may kinalaman sa trabaho nila sa Serenity Life.

"Magandang umaga Sir, ayos lang ako. Nailalakad ko na nang maayos ang paa ko," sagot ni Leigh Anne na alanganing ngumiti kay Jarred. Sa hinuha niya ay may good news lang itong nasagap kaya maganda ang pakikitungo nito sa kanya at this morning.

"Sure? Puwede kang mag-leave kung hindi mo pa kaya," mungkahi ni Jarred.

Pumalatak naman si Leigh Anne. "Naku, ang OA ko naman kung magli-leave ako nang dahil lang sa pagkatapilok."

"Sabagay, ang sipag mo nga eh. By the way, salamat sa hardwork. So far, maganda ang feedback ni boss tungkol sa proposal natin. Hindi ko magagawa 'yon kung wala ka. And lately, napansin ko rin na madalas kang mag-render ng oras para tapusin ang pinagagawa ko. I'm sorry if you feel overwhelmed with tasks. Baguhan ka pa lang at dapat hindi kita binigla."

Leigh Anne didn't get why Jarred is apologizing to her. Tatanggalin na kaya siya nito bilang assistant? Siguro nga ay mabuting magtanong na siya kaagad. At hindi na nga siya nag-alinlangan pa.

"Sir, tatanggalin mo na ba ako bilang assistant?"

"Ano?" Natawa si Jarred. Alam niyang naninibago si Leigh Anne sa pakikitungo niya pero gusto lang naman niyang bumawi. He appreciated Leigh Anne's hard work since day 1, at hindi naman siya naba-bother kung hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ito sa kanya. Sa tingin niya ay wala na, kahit minsan hindi nagawa ni Leigh Anne na magpapansin o magpakita ng motibo. Leigh Anne came only for work, she's timid and has no friends. Parang ang lungkot lang ng sitwasyon nito. Kaya sa kabilang banda, naisip niyang hindi na makatao kung pahihirapan niya pa ito dahil lang sa pagkainis niya sa nangyari noong high school students pa lamang sila.

"Bakit kita tatanggalin? In fact I give you a chance. At nag-improve ka, kaya mag-i-stay ka bilang assistant ko," Jarred replied with a grin on his face.

"Salamat. Akala ko lang talaga," tensyonadong sagot ni Leigh Anne. Halata pa sa boses nito ang kabang bumalot sa kanya na dapat hindi ipahalata kay Jarred.

"Siya nga pala, saan ka kumakain pag lunch?"

"Sa canteen," nakakunot-noong sagot ni Leigh Anne.

"Puwedeng sabay na tayo?"

"Hindi puwede, may kasabay na akong mag-lunch Sir. Pasensiya na." Hindi siya nakatingin nang diretso sa mata ng lalaki habang sinasabi iyon. Nadismaya siya sa sagot niya. Bakit siya tumanggi kaagad? Dahil lang ba sa kaba? Sa katunayan ay pangarap niyang makasabay na kumain si Jarred kahit walang kahulugan ang pagsasabay nilang kumain.

"Okay then, sino ang kasabay mo?"

"Kaibigan lang sa accounting department."

"Wow, may mga kaibigan ka rin pala dito. Mukha ka kasing tahimik, mabuti naman." Muling naglaro ang mga ngiti sa manipis na labi ni Jarred. Naupo ito sa swivel chair at sinimulan ang pagbabasa ng report. Napaiwas tingin na lang din si Leigh Anne at itinutok sa computer ang mga mata upang ipagpatuloy ang trabahong naiwan kahapon.

Nagpaiwan sa opisina si Jarred nang sumapit ang lunch break. He decided to eat inside his office since he already bought lunch. May pasobra pa sa pagkain niya at balak sanang ibigay kay Leigh Anne pero tumanggi naman ito sa alok niyang magsabay na sila sa canteen.

Napabuntong-hininga siya at tumingin sa bintanang puro building lang din ang matatanaw sa labas. Naalala niya ang advice ni Mr. Fontabella na dapat ay maging malapit siya sa assistant niyang si Leigh Anne dahil napapansin nitong kulang sila sa open cooperation bilang magkatrabaho, pansin na pansin nito na naiilang si Leigh Anne.

"Bakit hindi mo gayahin sina Josh at Hilda? Chill lang sila at mukhang masaya na makatrabaho ang isa't isa? Parang natatakot ang assistant mo sa'yo. Sana maalala mong baguhan lang siya sa industry. Kung gusto mong maging CEO, dapat malawak ang pang-unawa mo sa mga taong nakapaligid sa'yo Jarred," sabi ni Mr. Fontabella matapos ang meeting noong isang araw.

Doon niya napagtanto na hindi na nga maganda ang treatment niya kay Leigh Anne, naisip niya ang posibilidad na mag-resign ito dahil na rin sa stress na dulot niya. When in fact, Leigh Anne don't deserve to be a stress outlet. Hindi makabubuting madamay ito sa pressure niya upang makamit ang CEO position na nanay naman niya talaga ang totoong nangarap para sa kanya.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Where stories live. Discover now