"Hindi ko rin alam." napapikit ako. "But I came here to say sorry." ramdam ko na nanigas siya. "I'm sorry M."

Ilang segundo pa kaming nanatiling ganon nang marahan akong itinulak ni Mila para bumitaw sa yakap. "Pinagmukha mo akong tanga." pagak siya tumawa bago tumayo. "Siguro pinagtatawanan mo ako dahil plano ako ng plano na umamin sa taong boyfriend mo na pala." binuksan niya ang pinto papunta sa veranda ng bahay nila.

"Hindi naman sa ganon---" I tried to stand to follow her pero hindi parin bumabalik ang lakas ko.

"Amalia hindi mo sinabi sakin! Sayo pa talaga ako humingi ng tulong! Nakakaboba!" I jumped from where I was seated dahil sa pagsigaw niya. And yes, galit siya. Ano bang ineexpect mo Amalia? Matuwa siya sayo?

Naglakad ako papalapit sa kaniya, ginawa kong alalay ang mga gamit nila sa sala para marating ang veranda. "M, hindi ko kasi alam kung pano sabihin sayo." Humawak ako sa malaking paso para hindi ako matumba. "Kung gusto mo sampalin mo ako ngayon, sabunutan. Tatanggapin ko M."

Humarap siya sa akin at pinunasan ang mga luhang naglalaglagan sa mga mata niya. "Hiyang hiya na ako sayo Amalia."

"No! Wala kang dapat ikahiya." protesta ko. "I'm sorry M." iyon lang ang dapat kong sabihin. "I'm sorry."

Ngumiti siya sa akin kaya nagulat ako. "Hindi kita pagbibintangang mang-aagaw dahil hindi naman siya sakin in the first place. Alam ko yun." she chuckled. "Hindi rin kita sasabunutan dahil hindi mo naman kasalanan na pareho natin siyang gusto." Ew Lola. "No need to be sorry."

Lumapit ako sa kaniya para yumakap. Napahawak pa siya sa railings dahil inilagay ko lahat ng bigat ko sa kaniya. Bat ang bait mo Lola? Niready ko na sana ang anit ko para dito e.

"Kahit hindi man ako, I'm happy and relieved na isang mabuting babae ang nakakuha sa puso ni Marco. Alagaan mo siya Amalia." marahan niyang hinaplos ang likod ko kaya naalala ko si Lola Milagros. She always does that, kaya napangiti narin ako.

"Sabi ko sa sarili ko one time, there will never be a lovestory in between us. Ilang years na kasi kaming magkaibigan pero never kaming naging romantic sa isa't isa. Di ko naman alam na magkakatotoo yun." tumawa si Mila habang nakasandal kami sa railings, pinapanood ang maliwanag na buwan.

"I'm sorry." word of the day ko na ata.

"Di mo nga kasalanan. And maybe, it's really the end of our story. I'm on the last page now. Time to close the book." ngumiti siya kaya ngumiti din ako. Magwawakas na ngayon ang istorya nilang dalawa na si Milagros lang ang nagsusulat. Yes, Time to close the book Lola. "Start opening a new one." tumango siya ng tatlong beses, convincing herself. "Find a new prince because Marco isn't the one who I imagined him to be."

"You are a princess Mila. You don't need saving. You are going to be the next queen who will rule. You have dragons in there." tinuro ko ang ulo niya tapos ang kaniyang puso. "to keep your enemies away, guarding your own kingdom. Screw those princes, don't depend on them." yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko and I want Mila to do the same. She's too fragile. Madaling mabasag. Siya lang ang makakaprotekta sa sarili niya. Not Riguel, not Marco, not me.

"Right." she laughed. "Alam mo Amalia, kahit ganito, kahit epal ka samin ni Marco." pagbibiro niya. "I didn't regret meeting you."

Nalusaw naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. I didn't regret coming here too Lola. This is a gift. "Bat di ka nagalit?"

"Hinihintay mo bang sabunutan kita?" tumawa kaming dalawa. "I don't want violence. That's evil. What I want is healing, peace of mind. I chose to forgive----but wala ka namang kasalanan, so let's just say na I chose to accept....the situation." Napangiti ako. I'm so proud of her. This unconditional goodness inside her is admirable. "I chose to move on. Because I know that there is still a love out there, waiting for me to be reciprocated."

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na si Riguel ang tinutukoy niya.

"Riguel's waiting for me all this time. I didn't know." yumuko siya, na parang nahihiya. "And to answer your question again, I now choose the person who loves me. And this time, I'll give the love back."

Parang nagdiwang naman ang buong kaluluwa ko. This is it! He always loved you Lola! This is it! "I'm happy that you're giving him a chance. Mahal na mahal ka niya."

Kita ko namang namula ang mga pisngi niya dahil maliwanang ang buwan ngayon. "You know, I felt bad for running. Nung umamin siya sa akin the other day tinakbuhan ko siya." naalala ko ang sabi ni Riguel na bigla nalang daw tumakbo si Mila papalayo. "I don't know how to react kaya umalis ako. Ni hindi ko man lang inisip kung ano ang mararamdaman niya." hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Thank you for stopping me earlier. Baka mas malala pa ang paghihinagpis ko ngayon kung natuloy ang balak ko. Mas maganda siguro na indirect rejection ang natanggap ko. Lesser pain."

"Are we good now?" I asked hopefully.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "No." kinabahan ako bigla. Akala ko okay na kami? "Hiwalayan mo si Marco." w-what? "Akala mo ganon nalang yun? Hindi ko siya minahal ng labinlimang taon para lang magparaya." seyoso niyang sabi kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.

Ilang segundo ang lumipas at bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. "I'm just kidding. Ayaw ko namang maging kontrabida sa istorya niyo no? And besides, I have my own story to take care of." kumindat siya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Kinabahan ako dun M." napahawaka ako sa puso ko.

Tinawanan niya lang ako. "Pasok na tayo." hinila na niya ako at pumasok kaming dalawa sa kwarto niya. Nakuha agad ng isang kandila ang atensyon ko. Nakasindi ito at nakapatong sa vanity table. Hindi naman gumagamit ng ganito si Mila dahil may kuryente sila rito.

I walked towards it and saw our picture beside it. Ang picture naming anim kanina sa party. May sunog ito sa ilalim na parte kaya nangitim. Sinunog.

"Pasensya ka na. Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina at ang litratong iyan ang una kong nakita." nahihiyang lumapit sa akin si Mila. "Naka akbay kasi sakin diyan si Marco, nag-init ang ulo ko."

Kumunot ang noo ko at dinampot ang litrato. My copy of this is on my car. Itinapat ko ito sa kandila at hinayaang lamunin ng apoy ang gilid. Bigla namang umikot ang buong paligid at parang sinusunog na naman ulit ang katawan ko kaya nabitawan ko ang hawak at nalaglag ito sa sahig.

"Tumawag ka ng doktor Amilo!" narinig ko naman ulit ang boses ni Daddy, mga nagmamadaling yabag ng sapatos at ang tunog ng monitor sa mga ospital.

Napahawak ako sa gilid vanity table bilang suporta. "Amalia are you okay?" naramdaman kong hinawakan ni Mila ang bakikat ko. I slowly opened my eyes at nakita ko ang unti-unti nang pagkamatay ng baga sa litrato at kasabay non ay ang pagkawala ng pakiramdam kong inaapoy.

Oh my gosh. Is this my way out?

=====================
mwa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now