📷 22: Surprise!

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagsalin ulit ako ng wine nang maubos ang iniinom habang nag-iisip kung paano ko makukumbinsi si Mila na wag nang ituloy ang balak.

"Problemado." Marco bended to see my face clearly. "Maybe you need something stronger than that wine."

I just stared at him, hindi parin siya umaalis sa pwesto. I craned my neck to the other side to avoid his gaze. Sa kaniya lang ako naiilang ng ganito.

Tumikhim ako at mahina siyang tinulak. Rinig ko pa ang mahina niyang tawa habang umaayos ng tayo. Inabot ko ang bote ng brandy niya at nagsimula nang humakbang paalis, tumatakas na naman sa kaniya. "Hey! Are you taking my brandy?" hinawakan niya ako sa braso.

Nilingon ko siya. "Sinabi ko nang kunin mo kanina right?" ngumisi ako. "Enjoy the wine." I winked at him before walking away elegantly.

*****

"Riguel let's take a picture!" excited na sabi ni Thelma nang makakita ito ng photographer kanina. Hi-nire ito ng pamilya Alejandrino exclusively for this party.

Hinatak ako ni Thelma pinatayo sa harap ng fountain. Isa-isa din nitong pinilit sina Riguel, Marco at Mila. "Ising sama ka dali!"

Yes. Ising is here. Nagulat rin ako kanina nang makita si Isidro. Naka suot ito ng formal wear at mapagkakamalan pang eletista dahil sa tindig. Inimbita din pala ito ni Riguel dahil magkaibigan sila at magkaklase nung elementary.

Kanina pa kami nagkita at nagkalapit ngunit hindi pa nakapag-usap. Simpleng tangu-an lang dahil naiilang sa presensya ng isa't isa.

Nasa gitna kaming mga babae at nasa gilid naman ang mga lalaki, naka-akbay sa isa't isa. Ako ang katabi ni Riguel, tapos ay si Thelma, si Mila, si Marco at si Ising sa kabilang dulo. Nagsimula nang magbilang ang photographer nang biglang bumahing si Marco kaya tumawa kaming lahat.

Iyon ang nakuhanan ng camera. Ang mga mukha naming tumatawa. An automatic smile crept on my face dahil pamilyar sa akin ang eksenang ito. Ito ang picture na nakita ko sa cabinet ni Lola. Ang pinagkaiba ngalang doon ay ako.

This time, I was a part of the picture.

I was in it.

*****

Masaya kaming kumain sa isang mesa at panandalian ko pang nakalimutan ang tensyon sa pagitan namin ni Isidro.

"Greetings chums!" namewang sa harap namin si Roberta. And as expected naka all red na naman ito but this time, a shade darker. "Amalia." at ako na naman ang nakita niya. "Enjoying the elite life huh? And you brought your kuya." kumurap-kurap siya ng ilang beses na parang gustong i-flex ang mga mata.

"Roberta." pagsaway ni Marco gamit ang mababang boses. Agad namang ngumiti ang babae.

"Of course love! My bad. Sorry Amalia. Isidro." maarte siyang tumawa kaya napairap ako. "Can I sit?"

"Sure! Hindi naman siguro masisira yang upuan dahil obviously, you're a lightweight." plastic akong ngumiti and I gestured the empty seats. "Pili ka lang."

"Thanks!" she beamed at pinili ang upuan sa tabi ni Marco. "Of course the chair won't break down, I am sexy kaya. My vital stats are 35-24 and 36. I worked hard for this body." pagbibida niya sa sarili at nagngitian kaming dalawa.

Then I giggled. "You misunderstood me. What I meant is that lightweight ka since plastic ka naman in the first place." I shrugged at nagpatuloy na sa pagkain.

Exaggerated na suminghap si Roberta at rinig ko naman ang mahinang tawa ni Thelma, walang balak umawat dahil nag-eenjoy siya.

"Gosh! Nakakairita ka! I hope you'll end your life soon. Wish ko yan kay Santa." umirap sakin si Roberta. Malayo pa ang Christmas girl.

"Why won't you end your own life instead? Wish ko din yon." I crinkled my nose to annoy her more.

"Guys. That's enough." mahinhing pagsaway sa amin ni Mila.

"Oh shut up Mila." liningon ni Roberta si Milagros at kumunot kaagad ang noo niya. Minata nito ang babaeng napaka inosente tingnan sa suot na white gown. "Shoudn't you be in a church?"

"Tama na." Riguel decided to butt in dahil nadamay na sa usapan ang babae niya kaya palihim akong ngumiti.

Kita ko naman ang masamang tingin sa akin ni Marco. What? Pinupush niya talaga na may something sa amin ni Riguel. Ew gross.

"Let's just eat together peacefully. Shall we?" ngumiti sa amin si Thelma. Inirapan naman ako ni Roberta bago nagsimulang landiin ulit si Marco. This girl really.

*****

"Mila." lumapit ako sa kaniya habang inaabot ang picture namin kanina. Bigay ito ng photographer at may tig-iisa kaming kopya.

Tinanggap naman ito ni Mila at nakangiting pinasada ang kamay sa litrato---sa kanilang dalawa ni Riguel na magka-akbay.

"I'm going to tell him na." ngumiti siya sa akin. Sinabihan na rin niya kanina si Marco kung pwede silang magkita dito sa garden at ginamit ko namang excuse ang pag-aabot ng picture para puntahan siya rito. Good thing wala pa si Marco.

"Don't! Wag muna." protesta ko kaagad.

Kumunot naman ang noo ng kausap ko. "Bakit?"

Nag-isip pa ako ng magandang idadahilan ngunit napatili ako nang may humawak sa balikat ko. "Amalia, pwede ba tayong mag-usap?"

Nakita ko sa aking likuran si Ising at mula sa di kalayuan ay naglalakad din sina Thelma, Riguel at Marco papunta sa pwesto namin.

Kung matutuloy pala ang confession ni Mila, madami sanang audience. Napatingin ako kay Milagros pagkatapos ay kay Ising. Kung minamalas ka nga naman o? Kailangan talaga sabay? Una kong binalingan si Mila na naghihintay sa sagot ko. "Hindi pwede Mila."

"Bakit nga?"

Tiningnan ko rin muna si Ising bago dahan dahang humakbang papalayo sa  kanilang dalawa at lumapit kila Riguel na kararating lang.

Agad kong kinuha ang kamay ni Marco at pinagsalikop ang mga palad namin.

"Because I'm his girlfriend."

====================
kachakahan overload.

mwa.

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon