Kabanata XVI

59 4 0
                                    

"Ito naman ang isukat mo" ngiti ko sabay abot ng bestidang puti kay Nadia. "Binibini sobra sobra na ito" wika nya habang suot ang isa pang bestida na bulaklakin, "Nako ikaw talaga isukat mo na" tinulak ko sya papasok ng banyo at hinatak palabas ng banyo si Isabel. "Ikaw naman patingin naman ng suot mo"

Suot nya ngayon ang magandang damit na binigay ni Felissa sakin, "Oh diba maganda at bagay sayo" ngiti ko sa kanya at kinuha ang damit na pinalitan nya kanina, ginagawa ko silang barbie doll ngayon. Since mukha naman hindi sila ganun kayaman maganda rin kung paminsan minsan ay paranas ko sa kanila ang marangyang buhay.

Isang bagay ang nalaglag mula sa damit ni Isabel, pinulot ko yon at tinignan ng mabuti. Ito ang kwintas ko! "Bakit nasa bulsa ng damit mo ito?" tanong ko sa kanya, yumuko naman sya at pinaglaruan ang mga daliri.

"Nakita ko yan sa sahig binibini, alam kong mahalaga ito kaya naman tinago ko at balak ko sanang ibigay sayo" wika nya.

Napangiti ako "Hindi talaga ako nagkamali na pillin ka bilang alalay ko" masayang sabi ko habang hawak ang kwintas. 

Kumunot ang noo nya bago sya magsalita, "Ngunit binibini ang iyong ama ang pumili sa akin" nataranta ako sa sinabi nya mukhang masyado akong nadala sa tuwa. 

"Uhmm--Kase--" Nagpapaikot ikot ang mata ko habang iniisip ang palusot na sasabihin ko. "Alam ko na!" sigaw ko na syang kinagulat nilang dalawa. "K-kase kinausap ko si ama at hiniling na ikaw ang aking maging alalay." ngiti ko sa kanya ng may pagka-alanganin. Nalilibang na siguro ako at unti unti na kong nasasanay dito dahil nagiging komportable sa kanila.

"Binibini, napakaganda ng kwintas na iyan" turo ni Nadia sa kwintas na hawak ko. Napangiti ako, di pa rin maaalis sakin ang tuwa tuwing makikita ko ang kwintas na bigay ni Guillermo. "Bakit hindi mo isuot binibini?" tanong ni Isabel sakin, dahilan para mapalingon ako sa kanya. 

"Sya nga naman binibini iyong isuot, nakakasiguro ako na bagay sa iyo yan" dagdag pa ni Nadia.

"Sige nga, isuot mo sakin" ngiti ko sa kanya. Iniabot ko kay Nadia ang kwintas at tumalikod sa kanya, "Tama ako hindi ba? Bagay na bagay sayo binibini" ngiti ni Nadia. Tumayo na rin si Isabel at tumingin sa salamin upang tignan ang repleksyon ko. "Napaka ganda mo binibini, bagay na bagay sayo" komento pa ni Isabel.

"Tila yata may napupusuan ang binibini" ngisi ni Nadia sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya. 

"Iyo ring napansin? Pana'y ang ngiti ng binibini" gatong pa ni Isabel. Hindi ko napansin na panay pala ang ngiti ko habang hawak ang kwintas na nakasuot sakin ngayon. 

"Siguro si Senor Guiller--" dinampot ko agad ang unan sa kama at binato si Nadia. Gulat syang napatingin sakin. "Napakadaldal mo talaga" nakapamewang na saad ko. 

"Binibini galit ka ba sakin?" tanong ni Nadia na halatang gulat sa ginawa ko. 

Ako man ay nagulat dahil parang sobrang harot ko sa kanila. "Nagbibiro lamang ako, ang pagbato ko ng unan ay biro lamang, ang tawag don pillow fight o hampasan ng unan" pagpapaliwanag ko. 

"Pano pong biro--" Agad na hinampas ni Isabel si Nadia ng una bago pa man ito makapagsalita. Napatawa ako ng malakas dahil sa gulat na ekspresyon ni Nadia. 

Hindi naman nagpatinag si Isabel at gumanti ng hampas ng unan kay Nadia, nasa gilid lang ako at pinapanood silang maglaro na parang mga bata.  "Tama na yan baka magkasakitan kayo" huminto silang dalawa at sabay na tumingin sakin habang nakangiti. Uh oh nakangiti ang dalawa at lumapit sakin "Itigil nyo yan" di ko na mapigilan ang tumawa habang hinahampas nila ako ng malambot na unan. 

Agad akong tumakbo sa kama at inabot ang unan, walang humpay kaming naghahampasan ng unan at tumatawa ng malakas. 

"Binibini?" napahinto kami ng may kumatok, nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan ulit ng makita ang gulo gulo naming buhok. 

Reminiscencia del AmorWhere stories live. Discover now