Kabanata V

178 47 0
                                    

DUMAAN ang ilang araw matapos pumunta si Guillermo sa bahay namin hindi na ulit sya pumunta o bumisita man lang. Magbabagong taon na at abala ang lahat sa paghahanda ng Media Noche napakaraming prutas, marami ding pagkain na nakahain sa sa loob ng kusina. Maya maya pa dumating sila Don Mariano kasama si Rodolfo upang makisalo sa'min.

"Magandang gabi binibini" bati ni Rodolfo sakin.

"Magandang gabi rin Ginoo" bati ko sa kanya.

Tumungo naman ako sa kusina upang kumain sumunod si Rodolfo sakin. "Binibini hindi ba't paborito mo ang ubas?" Tanong nya sakin habang kumakain ng isang ubas.

"Hindi ginoo ang totoo nyan ay paborito ko lahat ng prutas matamis ito at masasarap kainin lalo na kung sariwa" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ngunit paborito mo ito sinabi mo ito noon sakin" kunot noo nyang sabi, mukhang matagal nang magkakilala ang totoong Esperanza at si Rodolfo.

"A-aking napagtanto na wala dapat akong paborito masarap ang lahat ng prutas at may sari-sariling sustansya" pagpapalusot ko hindi naman kasi talaga ako si Esperanza.

"Matalino ka binibini, ako nga pala si Rodolfo Ocampo ikinagagalak kitang makilala" tumawa naman ako sa ginawa nya dahil yumuko pa sya at inilagay ang isang kamay sa likod.

"Ikinagagalak kong makilala ka ginoong Rodolfo ako si Esperanza Velloso" bahagya akong yumuko habang nakahawak sa saya ko at maarteng nagsalita. Sabay kaming tumawa sa ginawa namin alam Kong magkakilala na si Esperanza at Rodolfo kailangan ko na lamang sumabay dahil wala akong ideya at wala rin akong guide kung ano ang gagawin ko habang nandito ako sa nakaraan.

Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Esperanza ang alam ko lang ay kadugo ko sya baka mamaya mas mahinhin Pa sya sakin at mayumi.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Rodolfo buong gabi. Halos sya ang kasama ko at hindi ko naramdamang mag isa ako dahil kinakausap nya ko buong gabi, naging magaan na rin ang loob ko sa kanya.

KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil nangako ako kay Rodolfo na mamasyal sa Maynila. Nag ayos ako at lumabas na ng bahay sinabihan ko si Isabel na ilihim ang pagtatagpo namin ni Rodolfo dahil nakatakda na kami ikasal ni Guillermo magiging laman ako ng usapan na nakikipagtagpo sa ibang lalaki. Nakasuot ako ngayon ng talukbong na kulay asul, lumabas ako ng bahay at nakita na naghihintay si Rodolfo sa kalesa. Marahan syang ngumiti at iniabot ang kamay nya sakin.

"Saan tayo tutungo?" Tanong ko sa kanya ngumiti lang sya at tumingin aa labas.

Matapos ang mahaba habang byahe nakarating kame sa Intramuros huminto ang kalesa sa harap ng simbahan ng La Purísima Immaculada Concepcíon o Manila Cathedral sa kasalukuyan. Maraming tao sa pamilihan at marami namang pumapasok at lumalabas ng simbahan. Maraming tao sa kalsada na nakasuot ng kamiso de tsino ang iba naman ay naka baro't saya.

Buong araw kaming pumasyal ni Rodolfo napakaganda ng Intramuros sa panahon na ito. Dumaan kami sa Fort Santiago sakto namang may nagkakagulo sa harap nito, pinaparusahan ang ilang kalalakihan na nakaluhod sa lupa at nakatali ang mga kamay. Eto ang panahon kung saan malapit na makamit ng mga pilipino ang kalayaan mula sa mga espanyol dahil taong 1897 na ngayon katatapos lamang ng bagong taon, sa susunod na taon June 12 1898 lalaya ang mga pilipino sa kamay ng mga espanyol. Isa isa nang nag uusbungan ang mga rebelde sa panahon na ito at lumalakas na rin ang kanilang pwersa.

"Sino ang inyong pinuno?" Galit na sigaw ng isang gwardya sibil sa lalaking nagmamakaawa ngayon sa harap nya. Maya maya pa lumabas si Guillermo at may hawak na espada tinapat nya ito sa leeg ng isa sa mga lalaki. "Huling pagkakataon, sino ang inyong pinuno" tanong ni Guillermo ng mahinahon nanginginig na ngayon ang lalaki napatingin ito sa direksyon namin ni Rodolfo at mukha itong nagulat.

Sinundan ng tingin ni Guillermo ang direksyon kung saan nakatingin ang lalaki ngayon nagtama ang mga mata namin ngunit agad din syang umiwas. "Ibilanggo ang mga ito at pahirapan sila hangga't hindi umaamin" tinangay ng mga gwardya sibil ang mga lalaki agad namang lumapit samin si Guillermo.

"Ano ang ginagawa nyo dito?" Tanong nya na diretsong nakatingin sakin.

"Ipinasyal ko lamang ang aking kaibigan" sagot ni Rodolfo.

"Alam mo na siguro na ang tinutukoy mong kaibigan ay nakatakda nang ikasal sakin Señor Ocampo" may halong sarkasamo ang pagkakasabi ni Guillermo.

"Ibig ko lamang mamasyal" wika ko dahil mukhang matindi ang tensyon sa pagitan nila. "Hindi ba't ipapasyal mo pa ako Ginoo?" Tinabig ko ng bahagya ang braso ni Rodolfo ngunit tahimik lang ito.

"Sumama ka na lang muna sa kanya may aasikasuhin lang ako" umalis si Rodolfo at naiwan ako kasama si Guillermo.

"Mukhang tayong dalawa na lang muna ang mamamasyal ngayon ginoo" ngiti ko sa kanya tumango sya bilang sagot. Naglakad lakad kami hindi ko na sinuot pa ang talukbong dahil si Guillermo na ang kasama ko ngayon. Pumunta kami sa ilang pamilihan ng pagkain, pagamutan at aklatan, kusang tumatabi ang mga tao upang hindi humarang sa daraanan namin. Sino ba naman ang hindi hihinto at pagbibigay daan kapag nakita si Guillermo na nakasuot pang heneral pa.

Huminto ako sa paglalakad ng makita ang gawaan ng alahas. Pumasok ako sa loob at luminga linga, magaganda ang mga alahas doon ngunit may isang nakadisplay na nakakuha ng pansin ko don. Isang kwintas na may infinity pendant mukhang walang pumapansin sa kwintas na ito dahil nag iisa na lang ito sa may estante.

Kinuha ko ito at ipinakita sa kanya kumunot ang noo nya sakin. "Sino ang gagawa ng kwintas na pabaliktad ang numero?" Tanong nya habang nakatingin sa kwintas. Natawa naman ko sa sinabi nya hindi nya alam na symbol ng infinity ang pendant.

"Hindi numero yan, infinity ang ibig sabihin nito" sagot ko sa kanya habang natatawa.

"Inpiniti? Ano yon?" Tanong nya mas lalong nagtaka ang itsura nya ngayon "Ito ay pabaliktad na numerong walo lamang" pagpapatuloy nya mas lalong lumakas ng tawa ko.

"Pasensya na ginoo, ibig sabihin ng infinity ay walang katapusan,walang hanggan o hindi natatapos. Halimbawa ang bilang ng numero mula 1 hanggang 10 hindi ito humihinto sa 10 marami pa itong kasunod hindi ba? Hindi natatapos ang numero" pagpapaliwanag ko. Mukhang naintindihan naman nya ako.

"Gusto mo ba ang bagay na yan?" Tanong nya sakin napakapa ako sa bulsa ko at naramdaman kong wala akong dalang pera.

"Sa susunod na lang wala akong dalang salapi ngayon" wika ko nakatingin naman ng masama ngayon ang tindero sakin mukhang nagalit sya dahil di namin binili ang kwintas na binibenta nya.

Nauna akong lumabas ng tindahan sumunod naman sakin ni Guillermo. "Ihahatid na kita binibini" wika ni Guillermo marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.

TAHIMIK kaming dalawa ni Guillermo habang lulan kami ng kalesa pauwi samin, kanina pa sya may gustong sabihin pero parang naghohold back sya. Magtatanghali na nang makarating kami sa bahay, nasa kalesa pa lang ako nakita ko na si ama sa labas, nakaupo sya may upuan sa garden at umiinom ng kape.

Bumaba ako sa kalesa at lumapit sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko sayong wag mong tatakasan ang iyong alalay" seryosong tingin ni ama sakin. Napatingin ngayon sa pintuan ng mansyon kung saan andon si Isabel at mukhang humihingi ng tawad sakin.

Napapikit ako sa inis,nalimot kong sabihin kay Isabel ang magiging alibi ko kung sakaling hanapin ako ni ama.

"Ipinasyal ko lamang ang binibini Don Anastacio" napalingon ako kay Guillermo na nasa likod ko na pala ngayon.

Tumikhim naman si ama "May nagsabi sa'kin na hindi ikaw ang sumundo kay Esperanza kanina" nabubutil butil na ang pawis sa noo ko at parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

"Ipinasundo ko sya kanina dahil hindi pa ako tapos sa mga gawain ko at gusto kong makasama ang aking mapapangasawa" sagot ni Guillermo.

Pinagtatanggol nya ako, ano kayang nasa isip nito at naisipan akong ipagtanggol ngayon hmm..

"May tiwala ako sayo ngunit sana ay maintindihan mo na pinoprotektahn ko lang ang aking anak" wika ni Don Anastacio at pumasok sa loob. Sumunod na rin ako sa kanya tinanaw ko si Guillermo mula sa pinto at tumango. Ngumiti naman sya bilang sagot pagkatapos ay sumakay na sya sa kalesa.

A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY Nate_Naturaleza please if you want a book cover like that kindly message her.

Reminiscencia del AmorWhere stories live. Discover now