Kabanata XIII

103 20 0
                                    

HALOS manginig ang tuhod ko sa sinabi ng lalaki, posible kayang alam nya na hindi talaga ako taga rito sa mundo nila?Napatigil ako sa pag iisip ng tapikin ako ni Guillermo sa balikat "Ayos ka lang ba binibini?" tanong nya. Tumango ako bilang tugon sa sinabi nya, walang kibo kaming naglalakad pabalik sa bahay tahimik at nakasunod lang si Guillermo sakin,nakapaligid naman ang ibang gwardya sibil sakin. Ilang sandali pa ay narating na namin ang bahay namin, si Guillermo ang kumatok at agad naman itong binuksan ni Mang Florencia.

"Jusmiyo hija, saan ka galing" tanong nito at lumapit sakin. Lumbas mula sa pinto si ina kasunod si ama. Galit ang mukha nito at dun lang ako natauhan, wala akong palusot na masasabi ngayon kung bakit ako nasa labas. Tumalim lalo ang tingin nito ng makitang basa ako dahil sa ulan. 

"Saan ka galing Esperanza?" galit na tanong nito, hindi ako makakilos at napako ako kung saan ako nakatayo ngayon. "Sagutin mo ako!" napaiktad ako sa lakas ng boses ni ama. Wala akong nagawa at napaluhod na lamang " Ama--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Guillermo.

"Dinukot ang binibini" gulat akong napatingin sa kanya, pati ang mga gwardya ay di makapaniwala sa pagsisinungaling ng kanilang pinuno. "Nakita ko ang kahina-hinalang lalaki papunta sa lugar na ito, nawala ito saglit ngunit agad kong nakita ito dala ang walang malay na binibini" halos walang kurap akong nakatingin at nakabuka ang bibig ko sa sinabi nya. 

"Totoo ba ang kanyang tinuran?" bumaling sakin si ama na may nanlilisik na mata at nakakuyom na kamao. Nasa likod nya si ina at halatang nag aalala, inaawat nito si ama dahil para itong sundalo na kahit anong oras ay susugod. 

Napatingin ako kay Guillermo na nakatingin din sakin "O-opo" saad ko at napayukong muli habang nakaluhod pa din. Umismid si ama at ngumisi, "Nakakapagtakang dinukot ka ngunit may balabal kang suot" sarkastikong sabi nito. "Ako ang nagbigay sa binibini" diretsong wika nito at nakatingin ng diretso kay ama. Napatingin ako sa balabal na nasa balikat ko ngayon, ito ang balabal na hiniram ko kay Rodolfo. Talagang hindi ito akin at madaling paniniwalaan nila ina ang sinabi ni Guillermo dahil di nila makikilala ang suot kong balabal ngayon.

Sandaling hindi nakapagsalita si ama at tumikhim muna bago magsalita. "Ipasok ang binibini sa kwarto ,doblehin ang pagbabantay" wika ni ama. Itinayo ako ni Manang Florencia ngunit napatigil kami sa paglalakad ng magsalita si Guillermo "Iminumungkahi ko na akin munang pansamantalang itago at protektahan ang binibini" gulat kaming napatingin sa kanya.

Sa panahon na ito hindi pwedeng manirahan ang lalaki at babae sa iisang bahay lalo na kung hindi kasal. "Ano sa tingin mo ang sinasabi mo Heneral?" sarkastiko muling wika ni ama na parang hinahamon si Guillermo. "Panandalian lamang, nalalagay sa panganib ang buhay ng binbini" diretsong saad nito na nakatingin sa mata ni ama. Sa totoo lang hindi nanganganib ang buhay ko dahil laging nagkakataon na kapag kasama ko sya, ay may nangyayaring sakuna.


NAG IIMPAKE  kami ng mga dadalhin kong damit, si Ina at Isabel ang tumutulong sakin. Napagpasyahang isama si Isabel sakin upang mabantayan ako na kahit dulo ng daliri ni Guillermo ay di ako mahawakan. Matapos ang pag uusap kagabi, pumayag din si ama na itago ako pansamantala ni Guillermo naalala ko pa ang mga sinabi nya para pumayag si ama. 

       "Dapat kong ingatan ang binibining aking pakakasalan"

Napangiti ako sa naisip, lagi nya akong nililigtas kapag malapit akong mamatay. Higit sa lahat lagi nya akong nililigtas kay ama, "Pinalaba ko kay Manang Florencia ang balabal na suot mo,pinapabot ko ang salamat sa Heneral sa pagbabalik nya sayo rito" ngumiti ako ng kaunti at tumango, inilagay nya sa gamit ko ang balabal. Nakokonsensya ako, una hindi kay Guillermo ang balabal kundi kay Rodolfo. Pangalawa hindi ako dinukot, lumabas ako mag isa. At higit sa lahat, hindi nila ako anak hindi ako taga rito sa mundo na ito. 

Palabas na ako ng bahay, naghihintay sa labas ang kalesa na pinagkakaguluhan ng mga tao. Pinalabas nila ama na pupunta akong Europa at magbabakasyon bago ang kasalan namin, walang ibang nakakaalam kundi si Ina,ama,Isabel at Manang Florencia na maninirahan ako panandali sa tanggapan ni Guillermo. 

Isinakay ako sa loob ng kalesa, inayos naman ng mga serbidora ang mga gamit ko sa likod ng kalesa at tinali ng mabuti. Kumaway ako kay ina na nasa labas ng pinto katabi si ama, ngumiti sya ng marahan, dumungaw pa ako sa bintana ng magsimulang umandar ang kalesa at hindi ko na sya makita pa. Si Isabel at ako lang ang nasa loob ng kalesa at tahimik namang nagmamaneho ang kutsero. Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa daungan  upang sumakay ng barko at bumaba rin kapag wala nang tao. Didiretso kami ni Isabel sa bahay ni Guillermo at magpapanggap ako na mahirap at pangkaraniwang babae habang naglalakad. Ang mga tauhan ni ama na kukuha ng bagahe ko ay nasa loob ng barko na magkukunwaring pasahero na bababa. 

Tulog si Isabel at nakanganga pa, natatawa rin ako minsan sa kanya dahil dalaga na sya ngunit parang bata kung kumilos. "Mag iingat ka binibini" napalingon ako sa kutsero ,nakayuko ito at nakasuot ng salakot. Dahan dahan itong tumingin sakin at ngumiti, ganun na lamang ang tuwa ko ng makita kung sino ang lalaki. "Ginoo!" ngiti ko sa kanya. Sumenyas naman syang wag maingay dahil tulog si Isabel, napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa lakas ng boses ko. Sabay kaming napatingin kay Isabel na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon, sabay kaming natawa ni Rodolfo ng humilik ito. 

"Kailan ka babalik?" tanong nya habang nagmamaneho pa din. Hindi ako nakakibo, hindi ko rin alam kung kailan ako babalik. "Sa lalong madaling panahon, bago ang kasal namin" tumango naman sya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Buong byahe ay magkausap kami nagtatawanan pa kami ngunit napapahinto rin kapag umuungol habang tulog si Isabel. 

"Hihintayin kita binibini" ngiti nya pagkatapos ibaba ang mga bagahe ko, nauna akong pumasok ng barko at nahiga sa okupadong silid na binayaran ni ama kung saan kami tutuloy ng panandalian upang hinatayin ang hudyat na pwede na kami bumaba. 

"Maglaro tayo" rinig kong sabi ni Isabel, napataas ang kilay ko sa sinabi nya pilit akong tumayo at hinarap sya "Anong laro?"tanong ko sa kanya. "Kung ano ang iyong alam binibini" Sagot naman nya.

"Uhmmm.. Nanay tatay na lang" mungkahi ko, kumunot ang noo nya sa sinabi ko bumuntong hininga ako at nagsalita. Halos 30 minutes ko syang tinuruan kung pano ito laruin ngunit tatawa rin kami sa huli dahil nahuhuli sya sa pagpalakpak kapag nasa 5 pataas na ang bilang ng palakpak. Napahiga kami ngayon sa kama at hawak ang aming mga tyan, halos di ako makahinga sa pagtawa dahil nalilito sya lagi. 

Natahimik kami ng marinig ang tatlong sunod na katok na hudyat na kailangan na naming lumabas at magtungo sa bahay ni Guillermo. Inilabas ni Isabel ang tampipi at kinuha ang kupas na baro at saya, puro ito tahi at kapansin pansin ang nisnis sa dulo ng pang itaas nito. Ngumiti ako at tiniritas ang buhok ko, "Halika na Isabel" tawag ko sa kanya, binitbit nya ang tampipi at nagsimulang lumabas ng barko. 

Wala halos tao sa daungan at ang iba naman ay naghihintay ng barko na may lulan na dayuhan upang alukin ng kung ano anong pagkain at gamit. Naglakad kami ni Isabel sa kahabaan ng kalye ng tahimik, natisod ako sa isang maliit na bato dahilan upang mapabagsak ako sa maalikabok na lupa. "Binibini!" tawag sakin ni Isabel, napapikit ako sa inis ang lampa ko talaga.

Napansin kong maraming tao ngayon ang nakatingin sakin, tumayo ako at naglakad ng mabilis. Agad sumunod sakin si Isabel "Sandali binibini!" tawag nya, hinila ko sya binulungan. "Wag mo akong tawaging binibini, Esperanza ang itawag mo sakin maliwanag?" paliwanag ko sa kanya. Para naman syang bata na tumango tango ng ilang beses. 

Nang makarating kami sa bahay ni Guillermo,  agad akong binati ni Mang Faustino. Binati ko sya pabalik at nang sandaling umapak ako sa loob ng bahay, kumulog kasabay ng kidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Bawat patak nito ay maririnig na tumatama sa lupa, "Ayos ka lamang ba hija?" napatingin ako kay Mang Faustino na ngayon ay nag aalala. Napahawak ako sa pisngi ko na basa na pala ng luha ngayon,muli kong narinig ang tinig ng babae na patuloy na umiiyak. Bumaba si Guillermo mula sa hagdan at agad akong niyakap, "Hindi ka na luluha pang muli, hindi na ako aalis pa" saad nya at napahagulgol na lang ako ng walang dahilan. Tila may sakit at kirot mula sa aking puso na na kailangan kong ilabas sa pamamagitan ng pag iyak sa bisig nya. 

Reminiscencia del AmorWhere stories live. Discover now