Kabanata III

218 51 1
                                    

BUMABA na ako mula sa second floor pumunta ako sa sala para hanapin sana si Guillermo pero hindi ko sya mahanap. Nasan na sya bakit ang bilis naman nyang mawala? May nasabi ba ko? Napapikit ako sa inis.

Lumapit sakin si Ina at sinabing "Tawag ka ng iyong ama upang ianunsyo sa lahat ang iyong mapapangasawa" gulat akong napatingin sa kanya samantalang halos mapunit ang kanyang labi sa ngiti. Ayokong magpakasal! Pumunta kami sa hapag kainan umupo ako sa bakanteng silya katabi si Guillermo tahimik lang sya at nakatingin sa ama ko ngayon.

"Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang aming única hija, Esperanza Veloso" tumingin ang lahat sakin dahil sa sinabi ni Don Anastacio.

Tipid akong ngumiti sa kanila narinig ko rin ang bulong bulungan na sinasabing lahi talaga ng mga Velloso ang maganda,well maganda naman talaga kami napangiti ako sa pilya kong naisip. "At ang magiting na general ng ating bayan na Si Heneral Guillermo Cortez" napatingin ang lahat kay Guillermo na nasa tabi ko ngayon. Mukhang proud na proud sya dahil sa tono at lakas ng pagbanggit nya sa pangalan ni Guillermo.

"Aking ikinagagalak na sabihin sa inyong lahat na nakatakdang ikasal ng aking anak kay ginoong Guillermo Cortez" nakangiting saad ni ama

"Saludos a nosotros" (cheers to us all) di ako makapaniwala kay Guillermo ako ikakasal. Kung ganon sya pala ang sinabi ni ama na pumunta sa bahay namin kanina at dahil wala ako sa bahay kanina kaya't umalis sya at maliligo naman sana sya ng makita nya akong sumulpot sa bath tub.

Nakatitig ako ngayon kay Guillermo dahil maimpluwensya sya mas magiging makapangyarihan kami. Kung magiging isa ang pamilya namin. Kaya pala naging Cortez ang apelyido namin sa kanya nagmula ito.

Nanatili syang nakatingin sa aking ama at umiinom ng alak nagkukwentuhan at nakikipag ngitian dito, dahilan para mahiya ako dahil titig na titig ako sa kanya. Agad ako kumuha ng pagkain dahil sa hiya "Esperanza!" Gulat akong lumingon kay ina "Hindi pa nagdarasal hija" pinandilatan nya ko dahilan para mapayuko ako at mapakapit sa palda ko. Nakakahiya nagmukha tuloy patay gutom ang nag iisang anak ng pinakamayaman at kagalang galang na tao sa panahon na ito.

"Marahil ay gutom na ang binibini amigo halika na at kumain" nagtawanan ang lahat sa sinabi ng isang matandang lalaki. Sa tingin ko ay kaedad nya si ama nasa tabi nya ang isang lalaki na halos kaedad ko lang.

Nagsimula na magdasal,kumain na kami at nagsimila naman magkwentuhan ang iba, napag alaman Kong ang lalaki na nagsalita kanina ay si Don Mariano Ocampo at ang katabi nya ay si Rodolfo Ocampo na syang anak nya.

Aba! Madali naman pala sila kilalanin isa isa basta makinig sa kanilang kwentuhan, patuloy akong nakinig sa kanilang pag uusap paminsan minsan ay kinakausap nila si Guillermo at tumutugon naman ito ngunit tatahimik din pagkatapos.

"Tulad ng dati napakahilig mo Pa rin kumain" dinig kong bulong nya, ngunit sapat na ng lakas ng kaniyang boses para marinig ko. Lumingon ako sa kanya dahil parang ako ang kinakausap nya. Alam kong ramdam nyang nakatingin ako sa kanya ngunit nagpatuloy lang sya sa pagkain.

"Amigo ikaw sana ang gusto kong maging Ninong sa kasal ng aking anak kay Heneral Guillermo" ngiti ni ama kay Don Mariano napatingin naman ito sakin at kay Guillermo at pilit na ngumiti.

"Ikinagagalak ko ngunit sana ay sa anak ko na lamang nakatakda ikasal si Esperanza" tawa ni Don Mariano.

Napatingin ako sa lalaking katabi nya makising ito at maganda ang pangangatawan tulad ni Guillermo maayos ang tindig nito at mukhang kagalang galang din kumpara kay Guillermo na maputi sya ay pagkayumanggi naman.

"Amigo napag usapan na natin ito" sagot ni ama. Pilit na ngumiti at tumawa si Don Mariano, nakakubli sa mga ngiti nito pagkadismayado sa sinabi ni ama.

NATAPOS ang pagkain namin naiwan na naman akong mag isa. Puno ng maraming tao ang sala medyo maingay na rin.

"Esperanza hindi ba't magaling kang kumanta at tumugtog? Bakit Hindi mo ipakita samin ang iyong talento?" Ngiti ni ina sakin, inabot nya sakin ang isang gitara mukhang wala akong choice. Hindi Pa naman ako ganun kagaling kumanta, hawak ko ang gitara at nag iisip kung anong tutugtugin ko.

Tama! Yung kanta ni Donnalyn Bartolome, perfect na perfect yun. Sinimulan Kong tumugtog gamit ang gitara at sinabayan ito ng kanta.

"Ohhhh ohhhh ohhhh
Ohhhh ohhhh ohhhh

Nang tayo'y lumuha sumabay ang panahon
Umulan ng malakas nang magbukas
Ang pagsasama ng dalawang taong
Nagmamahalan pa
Dahil kailangan lang talaga
Bigyan ang isa't-isa ng oras para makahinga

Kumidlat, tila langit ang nagsasabi
Bumalik na ako sa iyong tabi
'Wag ko muna limutin
Ngunit nahihirapan lang akong sagutin
Kung itatama pa ba o tama na
Pa'no ka malilimutan
Kaya ko bang mag-isa
Itatama-tama tama tama
Itatama-tama tama pa ba o tama.

Malulungkot ako 'pag wala ka sa tabi ko
Masaya ba ako sa 'yo
Bakit pinipilit kong lumayo

Kumidlat, tila langit ang nagsasabi
Bumalik na ako sa iyong tabi
'Wag ko muna limutin
Ngunit nahihirapan lang akong sagutin
Kung itatama pa ba o tama na
Pa'no ka malilimutan
Kaya ko bang mag-isa
Itatama-tama tama tama
Itatama-tama tama pa ba o tama na

Ohhhh Ohhhh Ohhhh"

Napapikit Pa ko habang kumakanta at feel na feel ang kanta ni Donna. Mukha Pa tong sawi dahil birit na birit talaga ito, natapos ako tumugtog at nakita Kong manghang mangha talaga sila.

"Kay galing na bata"

"Maganda na may talento Pa"

"Napakaganda ng kanyang tinig"

Nakakaoverwhelm naman ang mga sinabi nila kinikilig tuloy ako. Mula sa di kalayuan nakita ko si Guillermo na diretsong nakatingin sa mga Mata ko, tila nahihipnotismo ako sa mga titig nya na pilit kinikilala kung sino ako. Tila bumagal ang paligid at nawala ang mga tao tila kaming dalawa na lang ang nasa loob ng sala na ito. Malambot ang kanyang ekspresyon na puno ng sakit at sa di malamang dahilan pakiramdam ko ay kilala ko sya at kilala nya ako.

Tumalikod sya dahilan para maglaho sya sa paningin ko at tuluyang mawala sa dami ng mga tao.

Music from miss Donnalyn Bartolome "Itatama pa ba o tama na"

https://youtu.be/jN8Eo2ZfVI8

A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY FeruKim_ please if you want a book cover like that kindly message her.

Reminiscencia del AmorWhere stories live. Discover now