Kabanata II

273 61 1
                                    

ITINAPIS ko sa sarili ang twalya at patakbong umalis sa banyo narinig ko pa syang sumigaw pero agad na akong tumalon sa bintana pababa ng kwarto ko. Shit! Namali ata ako ng lundang sumakit ang kanang paa ko malas naman oh. Bukod sa nakahubad ako di ko rin alam kung bakit andito ako sa panahong ito. Nakahawak pa din ako sa twalya na nasa katawan ko ngayon.

"Binibini!" Napalingon ako sa babaeng may ari ng boses na yon. "Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama kung saan saan ako nagtungo" dire-diretso nyang wika. Tumigil sya at napatingin sa twalya ko. "Binibini! Nakahubad ka! Naku baka may lalaking makakita sayo halika at magmadali magagalit ang iyong ama!" Hinawakan na nya ako sa balikat at tinulungan makatayo naglakad kami pero paika ika ako dahil sa sakit ng pala ko,nakarating na kami sa isang mansyon sa likod kame dumaan at napag-alaman kong Isabel ang pangalan nya tagapaglingkod ko sya, sandali.

Sino ba ako? "Binibining Esperanza inihanda ko na ang damit mo" sabay abot sakin ng isang damit nang makarating kami sa loob ng kwarto ko binigyan nya ako ng mukhang baro at saya ngunit magarbo ang itsura nito. "E-esperanza?" Gulat Kong tanong sa kanya di ako maaaring magkamali ang pangalan ito ng lola ko!

"Bakit binibini?" Nagtatakang tanong nya sakin. Napatulala ako, bakit? Anong nangyayari? Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok "Esperanza andyan ka na ba? Hinahanap ka ng iyong ama" tinig yon ng isang babae nagmadali akong magbihis. Lumingon ako sa salamin at tinignan ang sarili ang ganda ko pala kapag nakaayos napangiti ako sa naisip. Oo nga pala! Nasan ang salamin ko? Pero kahit wala iyon maganda at malinaw ang paningin ko.

Lumabas kame ng kwarto ni Isabel sinalubong kame ng isang babae na sa tingin ko ay edad 40 na maputi at nkapusod ang mahaba nyang buhok agad nya akong niyakap "Hija saan ka ba nanggaling?" Di ako makapaniwala kamukha sya ni mommy! "Dyan lang po nagpahangin sa labas" di pa rin maalis ang tingin ko sa kanya kamukhang kamukha sya ni mommy hindi kaya kakambal nya ang nanay ko? "Halika na at bumaba nagagalit na ang iyong Ama" bumaba na kami at sa sala nakita ko ang isang lalaki na nakaupo napalingon sya sa amin at sumenyas na umupo kami.

Hindi ko alam pero sa oras na yon ay kinabahan ako mukhang may madilim na awra sa paligid nya at nakakatakot talaga sya. "Esperanza bakit ba napakatigas ng ulo mo? Sinabi ko na sayong wag mong tatakasan ang iyong alalay. Pumunta dito ang nakatakda mong asawa ngunit wala ka" galit nyang sabi napayuko na lang ako. "Sorry po ama" nakayukong sabi ko. "Ano? Ang iyong tinuran?" Napapikit na lang ako sa inis hindi pala dapat ako nagsasalita ng English dito "Ang ibig Kong sabihin ay patawad po ama" pagbawi ko sa sinabi Kong English kanina "Mag ayos ka at pupunta tayo sa isang pagtitipon mamayang gabi ayoko nang marinig na ikaw ay tatakas pa" diretso syang naglakad papunta sa kwarto nya kasunod ang Doña na kumatok sa pintuan ko kanina.

Nanatili akong nakaupo sa sala di ako makapaniwala andito ako sa makalumang panahon! "Anong date na ngayo-- ay este anong petsa na ngayon?" Tanong ko kay Isabel "Disyembre 28, 1896 na po binibini" sagot nya sakin kung ganon ilang taon na lang pala at lalaya na ang pilipinas? 1896 Spanish Colonial Period! Nasa nakaraan nga ako. Buong araw akong nagtanong kay Isabel, hinilot ko din ang sumakit kong paa na parang napilay at nilagyan ko ito ng benda. Nalaman ko kung sino ang aking ama kung sino ang nanay ko, ang babae na kumatok sa kwarto ko kanina ay si Doña Mercedita at ang tatay ko ay si Don Anastacio Veloso nasa Poblacion Veloso pa rin ako kung ganun samin pala nakapangalan ang bayan na to? Ang aking ama ang isang sikat na abogado ang ang nanay ko naman ay anak ng isang mataas na opisyal ng gobyerno. Nakakapagtaka Cortez ang apelyido ko pero ang ninuno ko ay Velloso?

Sumapit ang dapit hapon inayusan ako ni Isabel, hindi pwedeng sumama si Isabel samin kaya nanatili sya sa bahay. Sumakay na kami sa kalesa first time Kong makasakay dito kaya tuwang tuwa ako isa akong nerd way back 2020 pero namamangha pa rin ako sa history, favorite subject ko ito. Nakarating kami sa sinasabi ni ama na lugar nanlaki ang mata ko ng makita kung saan huminto ang kalesa na sinasakyan namin.

Hindi! Ito ang mansyon nila tita Mariel! Maganda ang Hardin na napupuno ng magagandang bulaklak at may fountain sa gitna katatapos lamang ng pasko kaya malamig ang simoy ng hangin may makukulay ding parol sa labas. "Hija halika na at pumasok" hinawakan ako sa bisig ng making ina na si Doña Mercedita sabay kaming pumasok bumitiw sya sakin upang bumati sa mga Amiga nya ganun din ang ginawa ni ama nakipagkamay at nakipaginuman din sya wala akong kilala kahit isa kaya nanatili akong nakaupo tinignan ko isa isa ang mga bisita.

Magaganda at magarbo ang kanilang suot kapansin-pansin din ang mga babaeng nakasuot ng kasuotang pang Europa magaganda sila mapuputi at matatangos ang ilong. May mga serbidora din na nag iikot at nag aalok ng alak. May balkonahe sa sala kaya agad akong pumunta doon at nagpahangin,di ako sanay sa social gatherings kaya ayoko ng gantong maraming tao. Parang nakaka-suffocate lang.

"Esperanza pala ang ngalan mo" agad akong lumingon sa may ari ng boses na yon. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito sya ang lalaki na nakita ko sa cr kahapon sa may bathtub, napatakip ako ng bibig ng mapagtanto na nakasuot pang heneral sya. Dyos ko! Anong itong pinasok ko heneral pala ang taong nakita ko kanina! "A-anong? P-aano? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal Kong sabi tila umurong ang dila ko habang kaharap sya di rin ako makahinga ng ayos.

"Sabihin na nating ako ang may ari ng bahay na ito" wika nya habang nakahawak sa baba nya na para bang nag iisip. Napayuko ako, the fact that isa syang general at maaari akong parusahan nito. "Patawad.. Kanina hindi ko sinasadya na manghimasok sa kwarto mo" nagbago ang ekspresyon sya. Mula sa seryoso ay naging malambot ang tingin nya sakin. Di ko alam na may pagkabipolar din pala ang mga lalaki noon. Natawa ako sa naisip pero agad din akong naubo ng kaunti dahil baka akalain nya na pinagtatawanan ko ang itsura nya ngayon.

"Naaalala mo ba ko?" Nakita Kong may namumuong luha sa kanyang mga mata sa malambot nyang ekspresyon unti unti kong napagtanto na... Sya ang lalaki sa labas ng mansyon na ito sa kasalukuyang panahon! Sya nga yon! "Ikaw nga!" Malakas Kong sigaw sabay turo sa kanya sa lakas ng sigaw ko ay umalingawngaw sa loob ng kabahayan ang sigaw ko gulat syang tumingin sakin ang iba namang bisita ay napatingin samin. "I-ibig kong sabihin ay ikaw nga ang may ari ng bahay na ito, ikinagagalak kong makilala ka ginoo" yumuko pa ako ng marahan para mapaniwala ang mga bisita na hindi ako nasisiraan ng bait nagtawanan sila at bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa.

"Magkakilala na pala kayo anak" napalingon ako kay ama na nasa tabi ko na pala ngayon. "Sya si Heneral Guillermo Cortez anak" Cortez? Kung ganun sya pala ang Cortez na mapapangsawa ni lola na ako ngayon? Teka naguguluhan ako bwisit!

"Magkakilala na kami Don Anastacio kung inyong mamarapatin ay gusto ko sanang makausap si Esperanza" teka bakit? Baka parurusahan nya ko! Mommy tulong. "Narinig kong mahilig magbasa ang inyong anak kung kaya't aanyayahan ko sya sa silid aklatan sa itaas"

"May tiwala ako sayo Guillermo" tawa ni ama sabay inom ng alak. Umakyat na kami sa second floor ng bahay at pumasok sa sinabi nyang library ibang iba talaga ito sa kasalukuyan ang mga gamit, vases ay iba talaga mukhang antique ang mga ito. Ang dami ring libro na nakalagay sa book shelves "Clariza..." Wika nya agad akong lumingon sa kanya "patawad mahal ko nagdusa ka dahil sa akin" wika nya habang mahinang humihikbi.

"Ikaw ba ang lalaki sa labas ng bahay na ito sa future? Nakita kita" biglang nagtaka ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Pyutur? Ano ang iyong tinuran binibini? Sandali.. Hindi ba ikaw si Clariza? Ang diwata?" Nagulat ako sa sinabi nya isang makisig na general na naniniwala sa mga diwata?

Tumawa ako ng malakas dahilan para magbago ang eksresyon nya napahawak pa ako sa aking tyan "Sorry pero di bagay sa mukha mong yan ang maniwala sa mga mythical creatures" tumawa pa ako ng mas malakas. Tumigil ako at pinunasan ang luha ko dahil sa labis na pagtawa.

"Paumanhin binibini mukhang di nga ikaw ang hinahanap ko" nag iwas sya ng tingin at dire-diretsong lumabas ng library naiwan akong tulala at naguguluhan bukang bibigay na nya ang Clariza na iyon sino ba sya?


A/N: THE BOOK COVER PICTURE ABOVE IS MADE BY FeruKim_ Please if you want a book cover like that kindly message her.

Reminiscencia del AmorWhere stories live. Discover now