Umakyat na kami ng classroom ni jai kasi any moment mag sisimula na ang klase. Nang dumating ang aming teacher ay mabilis na lang lumipas ang oras at uwian na pala.

"Beshy, hindi ata pumasok yang katabi mong bago." Napalingon na naman ako sa katabi ko pero wala ngang tao doon. Hindi ko napansin na hindi pala ito nakapasok.

"Ewan ko. Hindi ko na din napansin ehh." Kibitbalikat kong sabi.

"Baka naligaw na naman haha"

"Antanda na naliligaw pa din. Tsk tsk" tinapos ko na ang pag aayos ng mga gamit ko para maka punta na kami ng gymnasium. Kung tutuusin ay isa sa pinaka malaking school itong South Wood University may kompleto ang pasilidad para sa mga elementary students from grade 1 to grade 6. Ganoon din ang sa high school dahil sa bagong curiculum ang naipatupad ng deped nagdagdag ngayon ng mga pasilidad na mag cacater ng bagong mga strands and tracks na idinagdag ng deped. May meron ding para sa mga college student. Sa gitna ang elemntary at nasa left side naman ang SHS at right side ang para sa mga college. Ang mga ibang facility ay nakapalibot naman sa buong school.

Papalapit palang kami ng gymnasium ng mapansim namin ni jai na may nakatayong lalaki doon at nakangiting kumakaway saamin.

"Thanks for coming ladies." Buong ngiting sabi ni nathan.

"Ano kaba dapat di kana nag abalang maghintay dito. Pupunta naman talaga kami ni eurie ehh" nagpauna na kaminv naglakad papasok sa loob ng music room.

Puwesto na si nathan sa tapat ng piano niya at pinapila na kami isa isa para sa vocalization para malaman niya kung anong section kami mapupunta kung soprano ba o alto para sa girls at base at tenor para sa lalaki.

Do~

Re~

Mi~

Fa~

So~

La~

Ti~

Do~

Nagsimula kami sa DoReMi para mas marinig ni nathan yung lawak ng boses namin tinitipa niya ito sa piano na sinasabayan namin.

Bukas palang mag sisimula ang tunay naming practice. Nag paalam naman ako kay nathan na maaga akong uuwi kasi lately parang palaging may nakasunod sa akin. Yung pakiramdam na may nag mamasid sayo mula sa malayo. Sinabi ko na yun kay mommy kaya binilinan niya ako na umuwi ng maaga.

Kaya naman nathan offer me na ihahatid niya ako pauwi. Sa una ay tumututol pa ko dahil mas mapapalayo pa siya sa bahay nila kapag hinatid niya pa ko. Pero he insisted pursigido ang loko.

"Salamat sa pag hatid nathan. Dapat talaga di kana nag abala kaya ko namang umuwing mag isa." Sobra talaga akong nahihiya sa kanya. Alam kong marami pa siyang kailangan gawin sa school pero ito at  pinag aksayahan pa niya ako ng kamarampot niyang oras.

"Wala yun eurie, delikado na din talaga sa mga katulad mo ang nagpapalate ng gabi."

"Nakakahiya talaga, pero salamat ulit."

"So di na ko mag tatagal eurie mauuna na ko."

"Mag iingat ka salamat ulit." Naglakad na siya papalayo at nakangiting kumaway sakin.

Hayyyy.

Ang sarap sana araw araw na lang na ganito. Pero yung katotohanang may girlfriend siya ang nakakapanlamig ng buo kong katawan. Hindi na lang siguro ako aasa, masakit at mahirap pag hindi ka gusto ng gusto.

Tsk tsk.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay ng marinig ko ang mga hagikhikan sa loob nito. And to my surprise.

"Anong ginagawa mo dito?!" Halos pa sigaw kong sabi at nagaw nun ang atensyon ni mommy.

"Wait. What? Magkakilala kayo?" Agad na tanong ni mommy.

"Hindi niya ako kilala ninang haha" mukhang aliw na aliw siya sa nakikitang inis at pag tataka sa mukha ko.

Ninang?

Nginitian naman ako ng hinayupak na to.

"Who are you?" Deretsyang sabi ko.

--

Hi ulit! Hehe so nakakatuwa na kahit ilan palang yung nakakapag notice ng story atleast may nakakita haha

Kahit isa o dalawa pa kayong views ng story ko sobrang appreciated na ( ˘ ³˘) mag uupdate pa din ako kahit ilan lang kayo hahaha

Pagpasensyahan niyo na po ang mga mali at panget na scene hehe libre lait naman po haha

Salamat! Godbless ( ◜‿◝ )♡

Broken StringsWhere stories live. Discover now