Agad kong itinulak ang pinto pilit man akong pigilan ni jai pero buo na ang desisyon ko.

"Hmm excuse me po sir montero. Nakapag desisyon na po ako na sasali na po ako." Gulat mang tumingin sa akin si nathan isang napaka gandang ngiti ang isinukli niya sa akin. A heart melting warm smile that can make my knees tremble. Hindi ko iyon ipinahalata.

"Are you sure realonza?" Paninigurado ni sir montero. "Yes sir." Iyon lang at umalis na kami ni jai. May sasabihin pa sana si nathan pero naglakad na kami para mag meryenda hindi nga pala ako nakapagalmusal kanina.

"Huy! Babae kunwari ka pang walkout walkout kahapon haha tapos ngayon may pa grand entrace ka at may pa knight in shining armour kay kuya mong crush! Kyahhhhh! Sana icrush back ka din no hahaha" Walang tigil ka aasar ni jai simula ng umalis kami sa room nila nathan.

"Manahimik ka nga jai, ginawa ko yun kasi in the first place wala akong choice takot ko lang kay sir montero, teacher din kaya natin yun mamaya baka sabonin ako nun sa klase. Isa pa wala namang kasalanan si nathan para pagalitan ng ganoon." Paliwanag ko sa kanya habang nakapila sa tapat ng counter.

"Okay okay, sige na nga sabi mo ehh hahaha" tuwang tuwa talaga siya ng mga oras na yun. Napansin ko ang papalapit na isang lalaki sa gawi namin ni jai. Iniisip ko na baka isa na naman ito sa tagahanga ng kaibigan ko. Tinignan ako ni jai ng may pagtataka sa mukha. She mouthed me who is he. I answer it don't know. Maang kong sabi sa kanya. Papalapit na ito ng papalapit ng saakin lamang nakatingin at nakangiti. Pero ng halos isang idapa na lang ang layo namin agad itong lumihis ng direksyon.

Sino ba tong lalakong ito! Bwisit siya bwisit!

Siniko ako ni jai. "Ayy bruha akala ko ikaw ang lalapitan ni kuyang pogi. Yung katabi mo palang magandang girl hahaha"

"Tsk i don't care. Tara na nga omorder na tayo nagugutom na ko. Hindi ako nag almusal kaninang pag alis ng bahay." Kumuha na kami ng pagkain at agad din yung nilantakan.

Sa kalagitnan ng pag kain namin ni jai, may umupo sa tabi niya. Si nathan lang pala.

"Ohh anong kailangan mo?" Tanong ko at napapakamot ng ulo na lang siyang ngumiti sa amin.

"Pasensya na mukhang nakakaabala pala ako sa pag kain niyo." Agad ding sabi nito ng akmang tatayo na.

"No no no. Hindi naman nathan. Pasensya kana dito kay eurie hehe so ayun pumayag naman siya diba." Pinigilan na siya ni jai at alam naming may sasabihin siyang importante. Ibinalik niya sa amin ang kanyang tingin at umayos ng kanyang pag kakaupo.

"Ehem! So ayun nga salamat eurie kasi pumayag ka na mapabilang saaming grupo. It's my pleasure to have you." Buong galak niyang sabi.

"Nako wala yun."

"So mamaya mag sstart na tayo. Sana pumunta kayo haha kailangan palang pumunta pala talaga kayo." Sabay kamot ulit sa batok niya. Iisip ko na talagang may kuto tong lalaking to kakakamot sa ulo niya. Tumango ako bilang sagot. Si jai naman ang walang humpay sa kangingiti. Kinikilig ang gaga. Inirapa ko siya at tawa pa din siya ng tawa.

Broken StringsWhere stories live. Discover now