Chapter 31

114 4 0
                                    

Chapter 31


"Bitch! Then after that, pinakanta kami ng Chandelier habang naglilibot sa campus. Edi todo tingin nila sa aming tatlo kasi naka tutu dress kami. Thankful ako kasi hindi twerk, akala ni ma'am ha. Singer ata kaming apat," todo kwento ko kay Ayesha sa phone ang nangyari kanina. "Baka nakalimutan niya na nagvocal lessons ako dati," tawa ko.

"Maganda ang boses namin, pangchoir, tas nagpalakpakan silang lahat. But never ignore the fact na nakatutu dress ang dalawang pinakagwapo sa campus!" My room was filled with my loud laughter. "Priceless ang mukha ni Trevor at ni Grey!" Humahalagakpak ako sa tawa at nagpaikot ikot sa kama. "Akala ni ma'am ha, na reach namin yung high notes oy!" tawang tawa ako dito.

Well, the punishment wasn't that bad after all. It's a once in a life time experience.

"Sayang, hindi ko man lang naabutan. So unfair! Ang saya sana, amp." Pagmamakatol ni Ayesha sa kabilang linya.

"Balik ka na kasi!" sinipa sipa ko ang paa ko.

"As much as I want to but I can't, Zhavs..." Lumungkot ang boses niya.

"You'll enjoy there naman, wag maarte," I rolled my eyes.

"Pero iba parin kapag ikaw ang kasama ko."

"Hoy! Gaga! May Trevor na ako, ew. Nakakadiri ka girl."

"Sira!"

Humagikhik ako ng tawa. "Miss na kita, bitch."

Tumawa ang kabilang linya. "Miss na din kita, gaga."

Nagdrama akong napaluha luha, as if naman na makikita niya. "Fvck you."

"Aw, fvck you too."

"It's already 2:08 pm here, wala pa ako nakakain ng lunch," bet ko nakasimangot na yan.

"Kain ka na, gaga. Bye." Pinutol ko kaagad ng tawag, dahil kung hindi mamaya pa yan kakain dahil marami pa siyang rants.

Napatitig ako sa chandelier ng aking kwarto.

I'll just study.

Kinuha ko ang notes ko at iginugol ang oras sa pag-aaral. Just learning para maka graduate. Okay lang din naman sa parent's ko (exclude my step-dad) na hindi ako maging top 1. Paano ko ba naman matatalo ang valedictorian namin. Effortless ang talino, hindi kagaya ko na ipipilit pa, lol.

Basta maka honor at graduate, okay na yan. Solve na.

Pero fine, hindi ko na lang kukulamin si ma'am. Binigyan niya ako ng blessing, eh.

Kinuha ko ang phone ko at pinagmasdan ang wallpaper na si Trevor with matching pink tutu dress. He's so adorable here. Ghad.

Nakangiting pinagmasdan ko yun hanggang may narinig akong may nag buzz sa unit ko. Kumunot ang noo ko. Okay, who's that?

It's already 10:01, and who the hell is buzzing in my unit? Pero wait, did I just spend 2 hours on studying? Unbelievable.

And horrible scenes keep popping on my head, dahan dahan akong kumuha ng walis at nagtago sa likod ng pinto. Baka rapist to, mahirap na. Malakas ang kabog ng dibdib ko nang binuksan ko ang pinto, at tinagkaang hampasin ng walis kung sino man ito. Who the hell would go to someones unit, late at night?!

"Fvck-" narinig kong pamilyar na boses. But it's too late, hinampas ko na ang ulo niya.

Nanlaki ang mata ko nung nakita si Trevor na namimilipit ang ulo sa sakit. "Trevor?" gulat na gulat kong sabi. "Why the hell are you here?"

Nang Dahil Lang Ba Sa Kulam || (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon