Chapter 10

212 8 0
                                    

Chapter 10


When I opened my eyes, I didn't expect na makita si Trevor. He was sleeping on a chair, with his upper body on my bed for support. I smiled. I was touched sa ginawa ni Trevor. He took care of me and now, I'm okay. Better than okay.

Hindi ko maialis ang tingin kay Trevor hanggang napatitig nalang ako sa gwapo niyang mukha. Ang amo ng mukha niya habang natutulog. He looks so cute.

Dahan dahan kong hinawakan ang kanyang malambot ng buhok at napakagat ako ng labi. Damn this guy.

"Bakit ang gwapo mo Trevor?" I smiled again.

Gumalaw siya at agad kong tinago ang mukha ko sa comforter at nagpapanggap na tulog. Agad kumalbog ang puso ko.

May narinig akong tawa galing sa kanya. "Ano ba yan? Sa panaghinip ko, may isang babaeng humaplos ng buhok ko at napatitig sa gwapo kong mukha. Naks naman." AT sinundan pa iyon ng isa pang tawa na para bang nanginginsulto.

Agad nanlaki ang mga mata ko. Patay.

Uminit ang pisngi pero kinareer ang aking tulog-tulugan.

"'Di ba? Zhavia?" hindi parin ako kumibo sa kanyang pinaparinig. "Sus, nagtulog-tulugan pa. May pa hawak hawak pa sa aking buhok, at may pa 'bakit ang gwapo mo Trevor-'" ginaya pa ang aking boses. That's it! Bumangon ako at agad siyang sinigawan.

"Umalis ka sa aking unit!" pinadilatan ko siya ng mata.

"Hindi raw siya tulog," tukso niya sa akin.

"Ano ba!" tinangay ko ang mga kamay niya na pilit kumiliti sa akin.

"May crush ka sa akin, 'no? Bebe naman, hindi mahirap umamin." Pilit kong hindi magpaapekto sa mga sinasabi niya.

"Hindi kaya! Gusto ko si Grey!" I defended myself. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan pero tinukso niya ulit ko.

"Sus, bakit mo hinaplos-haplos ang buhok ko?" he was exaggerating it with matching hard feelings.

"A-ang dumi eh!"

"Sus," ngumuso siya. "Aminin mo na kasi-"

"Oo na! Gwapo ka na! Happy?" Peke akong ngumiti sa kanya na may bahid na iritasyon.

"Opo," tumawa ang gago. "Kunwari naniwala ako sa mga rason mo." Sinamaan ko nalang ulit siya ng tingin. Bigla siyang ngumisi at dahan-dahan na gumapang papunta sa akin.

O-okay anong gagawin niya? Pagsasalamantahan niya ba ako? Hahalayin niya ba ako? Pwede naman, hihi. Pero hindi pa ako ready, huhu. Enebe kese.

Napasandal ako sa hearboard ang kama at kinorner niya ako gamit ang mga biceps niya! Isusuko ko na ba ang Bataan?

"H-huy, Trevor a-anong ginagawa m-mo?" He just smirked at pinalapit ng mukha niya sa akin.

Kwaaahhh! Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi lumapat ang labi niya sa akin, kundi sinapo niya lang ang aking noo.

What the hell am I thinking?!

TANGINA NAKAKAHIYA!

Ang halay ko, huhu.

Uminit ang aking pisngi at tumawa naman si Trevor. "Magaling ka na sa lagnat mo," he said. Ngumisi siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Dissapointed ba?" I blushed and pused him away. But as usual, he just laughed it off. "Don't worry baby, gagawin lang natin yun kapag nakahingi na ako ng permiso sa parents mo."

Damn.

Just damn.

Those words surely made my heart stop.

Napangiti ako. Nagkatitigan kami at tinaasan ko siya ng isang kilay. And oh-

"N-nga pala," napakamot ako sa batok. "Thank you sa pag-alaga sa akin ha?" I smiled sincerely. "Uhmm... halika ka!" kinuha ko ang isang jacket sa closet at hinila si Trevor palabas ng unit ko.

"Where are we going?" he stared at me na parang may gagawin akong masama sa kanya.

Sinungitan ko naman siya, "asa naman kitang ire-rape, che!"

Tumawa siya, "May sinabi ba ako? Defensive..." he wiggled his brows pero binelatan ko nalang.

"Basta. Take this as a sign of my gratitude." Sabi ko at ginamit namin ang elevator papuntang 20th floor- ang rooftop. The cold breeze of the night greeted us as we went there. Napangiti ako, "Dito ako tumatambay kung gabi minsan. Share ko lang," sabi ko at pinagmasdan ang mukha ni Trevor. He looks so stunned.

"Wow." He smiled while roaming his eyes around.

"Ang ganda ng view, 'no?" I headed my way towards the mini refrigerator. Kumuha ako ng dalawang latang beer and of course, junk foods.

"H-hoy! Zhavia! Magtino-tino ka naman!" inagaw sa akin ni Trevs ang beer. "Kagagaling mo pa nga lang tas magsho-shot ka?! No, Zhavia. No." Ibinalik niya sa refrigerator at sinamaan ko siya ng tingin.

"If stares could kill, malamig na bangkay na yata ako ngayon. Geez."

"Mabuti alam mo," I rolled my eyes my his statement.

"Junkfoods lang tayo," umupo siya isang malapat na table, sinamaan ko parin siya ng tingin. "Okay fine! Isang lata lang ha?" he groaned.

"Uwaaaa! Thank you, Trevs!" Yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"T-tss, O-oo na," umiwas siya ng tingin.

"Sus," lumapad ang ngisi ko.

"Ano?" kumunot ang noo niya.

"Wala," iling ko at masayang kinuha ang beer. Ang cute niya.

Sabay kaming umupo at sabay rin naming pinagmasdan ang city lights. We drank the beer and ate the junk foods while our gaze are fixated on those beatiful city lights. Nanatili kaming tahimik hanggang sa bumasag si Trevor sa katahimikan.

"Zhav! Look!" may itinuro siya sa langit at napagtanto ko na isa itong meteor shower. The both of us was in rare owe that moment. Ang ganda ng mga bituing nahuhulog mula sa kalangitan. Nanlaki ang mga mata ko at hinila si Trevor papuntang telescope.

"Trevor dali!" ngiting ngiti ako habang pinagmasdan ang mga bituin sa telescope. "Tingnan mo!" kinumbinsi ko siya habang nakangiti all the time. Hindi ko mapigilan ang saya habang tinitingnan ang mga shooting stars.

He took a peek at the telescope and napangiti. "It's majestic..."

"Trevs?" tawag ko sa kanya at nginitian niya lang ako. "Do you believe in shooting stars?" I asked him.

"Oo naman, ano yang sa langit diba? Tanga lang, tanga?" Binatukan ko siya. "Joke lang, sadista talaga," he pouted at tumawa kaming dalawa. "I don't know? Pero wala namang mawawala if you wish through a shooting star."

"Anong wish mo?" Tanong ko pero ngisi lang ang natanggap ko.

"Secret!" Humalakhak siya. "Sayo?"

"Secret lang din!" binelatan ko siya at napatawa ako.

"Hilig mo talaga sa astronomy no?" natigilan ako.

"Well, hindi naman. Pero I love everything that involves science! Technology is what fascinates me the most!" I giggled.

"Telescope." I shot him a questioning look. "I mean, are you the one who made that telescope?"

"Yes, I build that when I was 9 years old." Napatawa ako nung naalala ko yung mga times na todo effort ako sa paggawa ng telescope.

"Cool." He just smiled and looked up to the beautiful sky again.

What's my wish? I want to stay like this forever...with him.

Nang Dahil Lang Ba Sa Kulam || (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora