RAPE CASE

38 4 3
                                    

"Objection your honor!" sigaw ng abogado ng kabilang panig.

"Paano mo masasabing ang kliyente ko nga ang gumahasa sa kliyente mo? At napaka-impossible naman ng ibinibingtang niyo sa kliyente ko bagama't  anak niya ang kliyenteng hawak mo."

"Hindi pa ba sapat ang mga ibidensya na ipinakita namin? Nagka-trauma 'yung bata, at walang impossible sa kasong ito. Mapa-tatay man o kamag-anak. Rape case is not a joke, ang harassment ay wala sa kadugo, kahit sino pwedeng gawin ito. Kamag-anak man niya o hindi," bulalas ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay tuloy pa rin ang diskusyon na nangyayari.

"Ako ang nagpalaki sakaniya, ako ang tatay niya, hinding-hindi ko 'yon magagawa sa anak ko. Mahal na mahal ko ang anak ko," sabi ng kliyente ng kabilang panig. Mapait akong napangisi, alam ko na ang mga galawang' to.

Halatang nagsisinungaling.

"Sinungaling ka! Sinungaling ka. Hayop ka! Tatay nga kita pero isa kang hayop," umiiyak na ani ng aking kliyente.

"B-Binaboy mo ako ng ilang beses, sa tuwing walang tao sa bahay, pinagbantaan mo pa ako na papatayin mo ako kapag nagsumbong ako!" kitang-kita ko ang sakit at puot sa kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam ko ito.

Dumako naman ang tingin ko sa kabilang panig, nakita ko ang kaniyang ama na puno ng galit. Napaghahalataanv guilty.

Matapos ang ilang minuto ng pagdidiskusyon at tuluyan ko nang naipanalo ang kaso.

"Francis Miranda, guilty," sabi ng hukom.

"Dapat lang 'yan sa'yo, ang mababoy dahil pareho kayong malandi ng nanay mo!" sigaw nito bago tuluyang pinusasan.

Rinig ko naman ang iyak ng aking kliyente kaya'y lumapit ako sakaniya at hinaplos ang kaniyang likod.

"Maraming salamat po, utang na loob ko po sainyo 'ito. Kung' di po dahil sainyo, wala pa ring akong matatanggap na hustisya."

Ngumiti ako sakaniya. "Wala 'yon, ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon. Nakawala ka na sa madilim mong nakaraan."

at tuluyan nang natapos ang lahat.

"Balita ko, may napanalo ka na namang kaso at rape case ito. Galing mo talaga!" sabi ng malapit kong kaibigan.

"Juriz, hindi lang siya ang ipinaglaban ko rito. Pati na rin ang sarili ko at ang kababaihang nakaranas nito."

ONE SHOT STORIESOnde histórias criam vida. Descubra agora