THE UNTOLD STORY OF A BEGGAR

41 6 0
                                    

Pauwi na kami ni mama nang may makita akong pulubi na nakaupo sa gilid ng kalsada.

Dali-dali naman akong nagpaalam kay mama para puntahan ang pulubi.

Bibigyan ko sana siya ng pera nang tumanggi siya.

Nakakapagtaka lang kasi karamihan sa mga pulubi ay pera ang hinihingi.

"Sam!" tawag sa akin ni mama.

"Sandali lang po!"

"Manang, bakit hindi niyo po tanggapin ang perang ibinigay ko?" tanong ko pero ngumiti lamang siya sa akin.

Tatanungin ko pa ulit sana siya nang biglang nagsalita si mama.

Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si mama.

"Ito po, manang," sabi ni mama at ibinigay ang tinapay at juice.

Dali-dali naman itong tinaggap ni manang.

Ngumiti siya sa amin ni mama at nagsalita, "Maraming salamat, pagpalain kayo ng Diyos."

"Wala po 'yon, manang. Sige po, mauna na po kami ng anak ko." bago kami umalis ay niyakap ni mama si manang.

Ilang minuto ang nakalipas at hindi ko pa rin mawari kung bakit gano'n si mama, kaya ay tinanong ko si mama.

"Ma?"

"Oh?"

"Bakit gano'n? Binigyan ko po siya ng pera pero 'di niya tinanggap."

"Alam mo, anak? Sa lahat ng pulubi rito, si manang ang pinakakaiba."

"Kaya nga po eh, bakit po gano'n?"

"Gusto mo bang malaman ang kwento ni manang?"

"Opo"

"Ang sabi kasi sa akin ng lola mo, ang tunay niyang pangalan ay Felicia. Napaka-ganda diba?"

Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil sabik na sabik akong marinig ang susunod na sasabihin ni mama.

"Magandang dalaga si Felicia pero may kapansanan siya, hindi mo lang napapansin dahil hindi siya gaanong nagsasalita, at kasamaang palad ay napariwala ang buhay niya sa murang edad. Namatay ang kaniyang mga magulang dahil sa isang insidente."

"Tapos po?"

"Simula no'n ay wala nang nagtatanggol sakaniya sa tuwing inaapi siya. Wala na ang mga magulang niya na magtatanggol sakaniya, bata pa lang kasi ay naging tampulan na ng tukso si Felicia."

"Eh nasaan po yung mga kamag-anak niya?"

"Walang may gustong kumupkop sakaniya dahil ayaw nilang maging tampulan ng kyuta at chismis."

"Ah kaya pala, pero bakit 'di siya tumatanggap ng pera, ma?"

"Because she don't beg for money, Sam. She begs for love and care."

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now