UNTITLED

92 14 1
                                    

"Girlfriend mo 'yan?"

"Oo, bakit?"

"Isa lang girlfriend mo?"

"Oo, bakit?"

"Ba't di mo dagdagan, pre? Ang gwapo-gwapo mo."

Natawa ako sa sinabi niya. Kumukha ako ng isang buong 20 pesos at apat na tig 5 piso.

"Ito, brad. Bibigyan kita ng apat na 5 piso, oh ilan 'yan?"

"20"

Kinuha ko yung 20 pesos na buo at ipinakita sakaniya. "Oh, ito 20 rin, di nga lang barya."

"Oh eh ano naman? Anong konek?"

"Ito ang connect, brad. Kapag ba naging barya 'tong 20 pesos na buo na 'to, magiging iba ba yung value? Di na ba 20 pesos?"

"Hindi, gano'n pa rin."

"Exactly brad, di ko na kailangang dagdagan yung girlfriend ko, kasi sapat na siya. Kahit dagdagan ko, gano'n pa rin naman diba? Walang magbabago, makakasakit lang ako. Parang 'yang barya na 'yan at ang 20 pesos na buo na 'to. Same value pa rin, ba't d na lang tayo makuntento sa isa diba, ba't pa tayo magdadagdag o maghahanap sa iba, kung sapat na."

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now