'DI LAHAT NG GUSTO MO AY GUGUSTUHIN KA

31 4 0
                                    

Bata pa lang ako nang maymapansin na akong kakaiba sa sarili ko.

Ipinanganak akong babae, pero hindi ko hilig ang mga manika, hilig ko ang basketball, pogs at kung ano-ano pang larong panlalaki.

Akala ko ay normal lang 'yon, ngunit sa paglipas ng panahon ay nagkakagusto na ako sa mga babae at do'n ko na nakumpirma na may pusong lalaki ako.

Babae ako, pero ang puso ko'y panlalaki.

Nasa ika-pitong baitang ako nang may nagustuhan akong babae. Itago na lang natin siya sa pangalang Andrea.

Napakaganda niya at napakatalino pa.

Sinubukan ko siyang ligawan, pumayag naman siya.

Masaya ako dahil pinayagan niya ako, dahil pakiramdam ko ay mag tyansa ako.

Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin, malambing siya sa akin, pero sa iba ay hindi.

Iba ang trato niya sa akin, akala ko ang gusto niya na rin ako pero hindi pala.

Nagbago ang lahat nang may dumating na transferee.

Gwapo, maputi at matalino.

Aaminin ko, bigla akong nahiya sa sarili ko, sapagkat 'di na nga ako kaputian at gano'n katulad niya, ay babae pa ako.

Ilang buwan din ang lumipas, 'di na ako pinapansin ni Andrea.

Hanggang sa naglakas ako ng loob na tanungin siya.

"Andrea, kaylan mo ba ako sasagutin?"

"Ha? Nahihibang ka na ba? Babae ka, babae ako. At saka di kita gusto, may gusto akong iba. Si Genesis," sagot niya.

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Si Genesis 'yung transferee.

"Itong tatandaan mo. Babae ka, babae ako. Di tayo talo, at saka. Hindi lang nag gusto mo, ay gugustuhin ka."

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now