Chapter 3

2K 43 2
                                    

Bella

Sa paglipas ng mga araw sa isla ay unti-unti ng napapalapit ang loob ko kay Zac. Kung dati ay nasusungitan ako sa kanya, ngayon ay mas magaan na ang loob ko. Mas nakakapagkwentuhan na rin kami na hindi na nagkaka-ilangan. Akala ko nu'ng una ay hindi ko siya makakasundo. Pero mabait naman pala siya at okay kasama.

Madalas ko na rin siyang kasama sa kakahuyan para manguha ng pagkain. Unti-unti na rin siyang nasasanay sa pamumuhay namin dito sa isla. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi ordinaryong tao lang si Zac. Pakiramdam ko ay nagmula ito sa mayamang pamilya. Kaya naman napapaisip ako kung bakit hindi siya hinahanap ng mga magulang niya. Alam kaya nila kung ano'ng nangyari sa anak nila? O baka ang alam nila ay patay na ito? Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ano? Hanggang dyan ka na lang ba?" pagmamayabang ni Zac. 

Nagyaya kasi siya na mag-swimming kami dito sa dagat. Magaling siyang swimmer. Palagay ko ay isa siyang atleta sa dami niyang alam na sports. He's very athletic. Kita naman sa kaniyang katawan. He's very fit. Kaya naman naglalaway ang pinsan kong si Kelsey kapag nakikitang shirtless ito.

"Huwag kang mayabang maabutan din kita!" sigaw ko. 

Malayu-layo na rin ang nalangoy namin.

Lumalakas na ang bawat hampas ng alon ng dagat. Hindi na magandang magpatuloy pa sa paglalangoy. Pero ang layo na ni Zac sa 'kin. Pilit kong binibilisan ang paglangoy para lamang maabutan siya.

Pero bigla na lamang akong nakaramdam ng pamamanhid ng binti. Pinupulikat ako. Nakadagdag pa sa paghihirap kong lumangoy ang lakas ng hampas ng alon.

Hindi ko na makita si Zac. Nasaan na kaya siya? Paghampas ulit ng malakas na alon ay parang kakapusin na 'ko ng hininga. Nahihirapan na akong huminga at nakainom na ng maraming tubig dagat.

Hanggang sa natatangay na ako ng malalakas na alon. Unti-unti naman akong nanghina at nawalan ng malay.

"Nasaan ako?" tanong ko kay Zac paggising ko. 

Niligtas niya 'ko sa muntikang pagkalunod. Nakahiga lang ako sa buhanginan habang nasa gilid ko si Zac. Punung-puno ng pag-aalala ang guwapo niyang mukha.

"Pinag-alala mo 'ko. Kala ko naman magaling kang lumangoy. Eh, 'di sana hindi na lang kita niyaya."

"Yabang nito! Magaling naman talaga akong lumangoy! Sadyang malakas lang talaga 'yung hampas ng alon kanina!" naiinis na sabi ko.

"Forget it. Kelangan na nating makaalis dito. Papalubog na ang araw," he said.

Tumayo na 'ko. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nanghina na ang mga tuhod ko. Nagtamo ako ng knee injury.

"Aray! Ouch!" namimilipit ako sa sakit. Namamaga ang tuhod ko.

"Are you alright?" nag aalalang tanong ni Zac. "Can you walk?"

"Pipilitin ko," ani ko.

"No. You have to rest. Baka lumala pa 'yang injury mo," aniya.

"Eh, magdidilim na. Tiyak na nag-aalala na sa 'tin ang mga magulang ko." 

Nakaramdam ako ng kaba. Ayokong mag-alala ang mga magulang ko. Kailangan na naming makaalis dito.

"Alam ko. Pero malayo na rin ang narating natin. Hindi ko na nga alam kung saan na tayo napadpad, eh." aniya. 

Maging ako ay hindi alam kung saan na kami nakarating. Tinangay kasi ako nang malakas na alon kanina. Pasalamat na lang ako kay Zac dahil nailigtas niya ako.

"Lets stay here for a while. Saka na natin isipin kung paano tayo makakabalik," usal niya. Inalalayan niya ako para makalakad.

Hindi ko alam kung saan kami tutuloy ngayon. Papadilim na ang kalangitan. Kailangan namin ng masisilungan. Nilalamig na rin ang buong katawan ko. Bikini lang kasi ang suot ko.

Island Girl Meets City's Handsome BillionaireWhere stories live. Discover now