📷 20: The Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

Mapait na tumawa ang kaharap ko. "It's a losing game Amalia. Ako naman ata yung dehado dyan. Alam naman nating hindi niya tatanggapin."

"Mabuti nayong alam niyang may nagmamahal sa kaniya. Trust me, she'll come back running to you."

Umiling-iling si Riguel. "What if this doesn't work?" tiningnan niya ako sa mata ng may halong pag-aalinlangan dahil sariling puso niya naman ang nakataya.

Kinuha ko na ulit tinidor at sumubo ng cake bago ngumiti kay Riguel, a hopeful one. "What if it does?"

*****

Pumunta ulit ako sa bahay nila Nanang Vima pagkatapos kong magtanghalian. Nasa routine ko na ata ang pagbisita sa kanila.

"San sila Nanang?" inilapag ko ang bag at susi sa center table sa sala pagkapasok. I casually sat on their bamboo chair making myself comfortable, minamata si Ising na naglalagay ng mga damit sa isang balde.

"Oh nandito ka pala." he stopped at what he is doing to look at me. "Di siya naka uwi ngayong tanghali, may bisita daw kasi ang mga Santocildes." he smiled.

Ngumuso naman ako bago tumango. "Si Tatang?"

"Ah. Sumama kila Mang Kikay dun sa kabilang bayan, may anihan dun." he shrugged and continued separating the colored clothes with the white ones.

Kumunot naman ang noo ko. "Bat di ka sumama?"

Liningon niya ako para lang bunusangot. "Eto, pinapalaba ako ni Nanang. Kainis nga dami dami." magrereklamo niya at padabog na binuhat ang mga balde.

Tinawanan ko naman siya nang dumaan siya sa harap ko para lumabas ng bahay. Minsan lang kasi mainis si Ising so this is really a great sight. Labahin lang pala ang katapat niya.

"Tulungan na kita." sumunod ako sa kaniya kahit hindi naman ako marunong maglaba.

"Sigurado ka?" tumigil siya sa tapat ng poso. Pinigilan ko naman ang tawa ko para pagseryosohin ang mukha.

"Oo nga."

I sat in front of the metal basin habang siya naman ay binombahan na ang poso. Tumaas ang isang kilay ko pagkatapos ng ilang segundo dahil para siyang tanga sa ginagawa, wala namang tubig na lumalabas. "Sira to?" ginalaw galaw ko ang nguso ng poso.

Hindi niya ako sinagot at kumuha lang ng tubig galing sa isang balde. Ibinuhos niya ito sa maliit na butas. He looked at me and tilted his head to the side, lowkey telling me to take over.

Nag-aalinlangan kong kinuha ang tabo---I don't really know if tabo nga to dahil wala siyang hawakan. Container ata ito dati tapos ginupitan lang.

Sumandok ako ng panibagong tubig at mabagal iyong ibinuhos sa butas para pumasok. Bumalik naman ulit sa ginagawa si Ising. Di nagtagal ay lumabas narin ang tubig kaya napatalon ako sa tuwa.

Kita ko pang nagpipigil ng ngiti si Ising dahil napakababaw ng kaligayahan ko ngayon pero wala akong pake. Nagsimula na kaming maglaba pero bigla akong sinita ni Ising. "Marunong ka ba talagang maglaba?" napatigil siya sa pagpapalo ng mga damit. Magkaharap kami ngayon, nakaupo sa maliit na upuan na gawa sa kahoy.

Di ko nga alam kung bakit niya yun pinapalo-palo kasi hindi naman ganiyan maglaba sina Manang Diday. "Bat ba pinapalo mo yan? Galit ka ba?"

"Hindi ano ka ba? Ganiyan yan para makuha ang dumi." nagpatuloy na ulit si Ising. Nagsalubong naman ang mga kilay ko.

Tumigil nalang ako sa pagpapalo palo mang huli dahil nangangalay ang mga braso ko. Nilaro laro ko nalang ang tubig sa batya at hinintay siyang matapos.

Tinulungan ko siya sa pagsasampay, that's the only thing I can help him with today. After, nagyaya siyang kumain ng mangga.

Siya din naman ang umakyat doon sa puno dahil ayaw ko. Sinasalo ko nalang ang mga nakukuha niya kaya tumatawa ako kapag nahuhulog ang mga kawawang mangga sa lupa. Di naman ako sporty no. Naiimagine ko nga palang na papalapit na ang bola sakin kumakaripas na ako ng takbo kaya ganyan ang sinapit ng mga prutas.

Nilapag ko na ang basket sa papag, bumaba narin si Ising sa puno, nagprisintang hugasan ang mga mangga habang ako naman ang kumuha ng sawsawan namin dahil hindi pa masyadong hinog ang mga ito.

I prepared two saucers dahil ayaw ko ng may suka. Toyo lang tsaka asin. Adik nga. Ang alat alat pero idc that's what I like. Habang si Ising naman ay parang ipinaglihi sa suka kaya para di na kami magtalo, charan! Dalawang sawsawan.

Pagkabalik ko roon ay nakita ko na si Ising na nagbabalat ng mangga. "Can I try?" nginuso ko ang kutsilyo.

He handed it to me and I happily started peeling off the fruit. Nakatatlong mangga na ako nang madulas ang kamay ko kaya naabot ng kutsilyo ang hintuturo ko. Nabitawan ko kaagad ang hawak at napadaing sa sakit. "Aray!"

Agad naman akong dinaluhan ni Ising at inagaw sa akin ang kamay ko pero pareho kaming nagulat nang walang dugo roon.

Kitang kita ang sugat na malalim pero walang dugo na lumabas kaya nagtaka ako. I can still feel the pain right now. I know na nasugatan ang mga tissues ko sa loob how come na ganito? "Buti di malalim, di dumugo. Ako na dito." dinampot niya ang kutsilyo at pinagpatuloy ang pagababalat.

Taka kong binalingan ulit ang hintuturo at pinisil ito. I silently writhed in pain dahil nandoon parin ang sakit. What the heck is happening?

"Oh kain na." I shook my head at nginitian nalang si Ising. Mamaya ko na poproblemahin iyon. Umupo ako sa mismong mesa at ipinagkrus ang mga paa.

I munched at our food happily. Nakaubos na ata ako ng pito nang inilayo sakin ni Ising ang pagkain. I scowled at him. "Tama na yan. Sasakit ang tiyan mo." parang naging si Nanang siya bigla.

"Tsk." inirapan ko siya at binalingan nalang ang tahimik na daan. I enhaled the sweet scent brought by the fresh air while listening to the birds singing above me. This is so peaceful and serene. Napangiti ako at napapikit.

"You look beautiful." rinig kong sabi ni Ising kaya napamulat ako at ganoon na lamang ang gulat nang makita siyang nasa harap ko. Ang lapit niya.

"I know right." I tried to laugh pero nagtunog awkward lang iyon. Halatang kabado dahil sa panginginig ng boses ko.

Humakbang siya palikod para bigyan ako ng konting space. "Sabi mo dapat sigurado na ako sa babaeng liligawan ko." sabi niya at napatango naman ako. I can recall telling him that last night. "Sigurado na ako sayo." he smiled and my lips parted.

W-what?

"Palangga taka. Mahal kita. I love you." sabi niya gamit ang mababang boses kaya tuluyan nang nalaglag ang panga ko.

W-what did he just say?

====================
oha! HAHAHAHAHA

mwa.

A Voyage Towards the HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon