My heart belongs to you
Lady, can you forgive me?
For all I've done to you

Natapos na niya ang kanta pero hindi pa rin ito nakakarating.

"Let us call our contestant, as we announce the winner of this competition." Humilera sa entablado ang sampung kalahok. Mga batang may pangarap at nais mag wagi upang patunayan ang kanilang sarili sa harap ng maraming tao.Tuwang tuwa ang mga manunuod sa mainit na naging laban sa pagitan sampung contestant. May kanya kanyang pambatong sinisigaw pero isa lang ang maaring manalo.

Sa pagitan ng kanyang pag aalala sa kanyang ama. May cute na batang lalaki ang nakaagaw ng kanyang pansin. Nakapolo itong nakatuck in sa itim niyang slack. Nakabraces pa. Pero nung narinig ko na niya na itong kumanta sobra talaga siyang namangha. Hindi katulad ng iba na kahit naka braces hindi makapag salita ng maayos ito ay kakaiba. Nakakakanta pa din ito ng maayos.Sa lahat ng kalaban niyang kumanta ito lang ang pinanuod niya. And it was nathan.

And it was nathan. Noon pa man ay hinahangaan na ni eurie ang batang lalaking isa sa mga nakalaban niya ng araw na yun. Lalo na ngayon. He is grown up into a fine young man. Hilig pa din ang pagkanta at mas lalo itong gumaling sa larangan ito. Samantalang siya ay halos isumpa ang musika.

Sa huling pag kakataon hinanap niya ulit ang kanyang ama. Inikot na ng mata niya ang dagat ng mga tao pero wala pa din ito. Nakangiting mukha ng kanyang mommy ang nakita niya. Pumapalakpa naman ang bunso niyang kapatid. Sa pagkakataon na iyon sa kanila siya humugot ng tapang para iaangat ang aking ulo at taas noong humarap sa maraming tao.

"And the winner is...."

Dong! dong! dong! dong!

"Eurie amphy realonzaaaaa!" Malakas na sigaw ng host. Huminto ang kanyang pag hinga at hindi makapaniwala. Huminto ang oras at wala siyang marinig na kahit ano.

Ako nga ang nanalo.

Malakas na hiyawan. Bumubuhos ang confeti at malakas na palakpakan ang gumising sa kanyang diwa.

Sa gitna ng mga taong tuwang tuwa sa kanyang pagkapanalo isang pamilyar na lalaki ang nakita ni eurie. Nakangiti ito ay makikita sa kislap ng kanyang mata ang labis na kagalakan sa kanyang pagkapanalo. Proud na proud ito sa narating niya. Sinuklian din niya ng ngiti ng buong puso ito.

Balak na sana niya itong lapitan at takbohin upang yakapin. Ngunit nakakaisang hakbang pa lamang siya ng lumapit ang kanyang ina at kapatid. Kasama ang mag bibigay sa kanya ng award.

"Congratulatiosn anak!" Buong siglang sabi ng kanyang ina.

"Mom, nakita ko si daddy! Andito siya mom! Andito siya!" Halos pasigaw na niya itong sabihin dahil sa ingay ng nasa paligid nila.

"Sige anak. Andyan lang yun sa tabi tabi"

"Pero bakit di siya umakyat dito mom? Bakit di niya tayo samahan dito sa taas?" Maririnig ang lungkot at tampo sa kanyang tinig.

Hindi pinakawalan ng kayang ina ang kanyang kamay sa buong oras ng pag aaward sa kanya. Hindi doon nakatuon ang buong ayensyon ni eurie. Hinahanap niya ulit ang kanyang ama.

Pagkakaba nila ng stage. Biglang nag ring ang cellphone ng kanyang ina.

"Sasagotin ko lang ito anak. Mauna na kayo ng kapatid mo sa kotse. Congrats ulit sweetheart." Tumalikod na ito. Naguguluhan man ay agad na silang sumakay ng sasakyan. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag. Napansin niya ang ilang missed calls sa kanya.

10 missed call from her dad.

Napaisip si eurie. Bakit?

Sa kanyang pag iisip hindi niya namalayang dumating na ang kanyang ina at natapos na ang tawag na natanggap nito. Namumugto ang mga mata at halos hindi makausap.

"Kuya fred. Sa saint luke general hospital tayo." Inabot ng kanyang ina ang kamay nilang magkapatid.

Naguguluhan man si eurie kung anong gagawin nila sa ospital. Masyado na siyang nabibingi sa sobrang kaba na nararamdaman niya kahit batid niyang may sinasabi ang kanyang ina kung anong gagawin nila sa ospital. Basta na lamang siya nagpaakay sa kanyang ina ng makarating sila sa emergency room. May kinausap itong nurse at tinuro kung saan sila dapat pumunta.

"Sa dulo po nitong hallway, kanan po kayo. Sa pangalawang pinto po yun na yung morge." Paliwanag ng nurse sa kanyang ina. Habang tinatahak ang daan papuntang morge. Mabibigat mang hakbang ay pinilit nilang mag anak marating ang kwartong pakay nila ng mga oras na yun.

Hindi pa man nabubuksan ang pinto ay labis labis ng luha ang umaagos mula sa mukha ng ina ni eurie at impit na iyak na lamang ang maririnig dito. Paulit ulit sinasambit ang pangalan ng kanyang ama.

Pagbukas ng pinto isang katawan ang natatakpan ng kumot na puti. Alam na ng mumunting isip ni eurie kung sino at ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi na niya mapigilan ang maiyak. Labis labis na ang hinagpis niya at ng kanyang pamilya.

Kunabukasan ibinurol na nila ang katawan ng ama ni eurie. Sa unang araw hindi sila ng papunta ng mga kaibigan at kakilala sa burol ng kanyang ama tanging sila lamang mag kakamag anak. Hindi siya umalis sa tabi ng kanyang ina batid ni eurie na kung mas may labis na nasasaktan atnahihirapan sa mga oras na yun ito ay ang kanyang ina. Saksi siya sa wagas na pagmamahalan ng kanyang mga magulang.

Marami ang nakiramay sa pag kawala ng kanyang ama. Simula ng buksan na nila sa ibang tao ang burol ng kanyang ama ay hindi na umalis ang mga kabanda nito. Tumutugtog din ang mga ito. Ramdam sa mga musika nila ang labis na lungkot sa pagkawala ng isa sa kanila.

At ng araw na inilibing ito walang pagsilidan ang tinig ng mga hagulgol ng ibaba nila ang kabaong na lulan ng malamigna katawan ng ama ni eurie. Simula din ng araw na iyon ipinangako ni eurie na hindi na siya kakanta. Nanalo man siya binawian agad siya ng saysay upang mag saya. Kung nasagot lamang niya ang mga tawagng kanyang ama ng oras ng kompetesyon ay maaring hindi ito nawala sa kanila.

Hindi ko na namalayan ang oras at walang tigil na ko sa pag iyak. Ibinaon ko pa ng todo ang aking ulo sa unan at doon umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na ko.

---

Hi! Please support po.

Hehe libre lait na din (๑•﹏•)

Hindi mo mababasa at mararating ito kung hindi mo to binasa ( ◜‿◝ )

Thaks a lot.

Aysays. ( ˘ ³˘)

Broken StringsWhere stories live. Discover now