"Thank you, daddy." Ngumiti siya at buong pusong tinanggap ang regalo ng kanyang ama.

Hinawakan ko ang kwintas na suot ko ngayon habang nakaupo sa kama at inaalala ang gabing huli kami nag kausap ni daddy. Huling nakita ko ang maganda niyang ngiti at narinig ang malambing niyang boses. Huling naramdaman ang haplos ng isang ama. Its been 6 years daddy. Mariin akong napapikit.

"Daddy where are you going?" Pilit niyang inabot ang malaking kamay ng kanyang ama ng mapadaan ito sa tapat ng kwarto niya. Masyado itong nag mamadali kaya hindi niya napansin ang anak sa harapan ng pintoan.

"May kailangan lang asikasuhin ang daddy, baby. Babalik din ako." Lumuhod siya para mag pantay sila.

"Promise?"

"Yes baby, promise espesyal pa naman ang araw na ito."

"Take care daddy." He kiss her in the forehead. Tinatawag na ang kanyang ama ng kaibigan nito na nag hihintay sa labas ng bahay nila.

"I will baby." Pagkatapos ay nagmamadali na ito sa pagbaba sa hagdanan.

"Bilisan mo bro!" Sigaw ng kaibigan nito. Gusto sanang pigilan ni euri ang kanyang ama. Humalik muna ito sa kanyang ina at kapatid. May pinag usapan ang mga ito. Mababakas sa mukha ng kanyang ina ang pagtutol sa pag alis ng kanyan ama. Pero mabilis na itong sumakay at tinatanaw nila ang papalayong itim na sasakyan.

Unti unti na naman akong binalot ng lungkot. Ang lamig ng gabi ang nagpadagdag ng pakiramdam ng nag iisa. Naiiyak ako pero walang luhang gustong pumatak galing saking mata. Naubos na marahil sa mga nakalipas na araw, buwan o taon ng pangungulila. Sana may nagawa ako ng mga oras na yun. Kinuha ko ang music box na niregalo sa akin ni daddy. It was pink and golden box. When you open it there was a father and daughter dancing in the middle of it. Sinasabayan ang mahina at malamyos nitong musika. I miss my dad so much. Sana sa darating na 18th birthday ko siya ang first dance ko. Pero hindi na mangyayari iyon. I wish i can turn back time.

"Anak, mag sisimula na. Kailangan mo ng umayak sa stage." Lumapit ang kanyang ina at lumuhod sa harap niya upang magpantay sila. Nakaupo siya sa pavement ng parking lot at inaantay ang sasakyan na maaring ginamit ng kanyang ama upang makarating at makauwi sa araw na iyon. "Sa loob mo na lang hintayin ang daddy mo anak, darating din yun. Okay?" malambing na sabi ng kanyang ina at hinila na siya nito patayo. Pumasok na sila sa loob at eksaktong tinawag na ang pangalan ni euri sa pag sisimula ng kompetisyon ng gabi ding iyon.

"Let us all welcome, eurie amphy realonza. Let's give her a around of applause!" Sigaw ng emcee. Humakbang na si eurie sa stage, pero ang mata niya ay patuloy sa pagala gala at hinahanap kung nakarating na nga ba ang ama niya. Bigo siya sa pag aasam ng makikita ito sa kumpol ng tao. Nalungkot siya sakatotohanang , matagal naming pinag handaan ang araw na ito, matinding pag eensayo ang ginawa namin para sigurado ang pagkapanalo ko.

Broken StringsWhere stories live. Discover now