Hayyyyyy.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay sa sobrang dami ng natakbo sa isip ko. Mabilis na akong umakyat sa kwarto at doon umiyak ng umiyak. Hanggang ngayon masama pa din ang loob ko dahil sa ginawa ni jai.

"Anak?" Nakaramdam ako ng pag yugyog sa akin ng bahagya.

"Mom? What time is it?" Wala sa sariling napaupo ako sa aking kama. Napatingin ako sa suot ko. Nakauniform pa din pala ako. Basta basta na lang kasi akong bumagsak sa kama at nakatulog.

"It's already 8 o'clock in the evening, hindi ka pa kumakain. Bumangon kana dyan at salohan mo kami ng kapatid mo." Humakbang na siya palabas.

"Opo, bababa na po ako." Nakatulugan ko na pala ang pagiyak.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table malapit sa kama. Pinatay ko nga pala yun kanina habang pauwi. Alam kong marami ng missed call si jai. I pushed the on and off button. Hindi nga ako nag kamali.

100 missed call from jai.

87 text messages from jai.

Hindi ko na muna iyon pinasin at binato sa kama ang aking phone. Puro sorry lang naman ang itetext nun sakin. Mabilis na akong bumababa para saluhan sila mommy sa hapag kainan.

"Anak, how's school?" Sabi ni mommy pagka upo ko.

"Maayos naman po mom." Walang ganang sabi ko, kahit alam ko namang hindi maayos dahil sa ginawa ni jai. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis.

"Anak, jainalla told me na isinali ka daw niya sa school choir niyo." Nag angat ako ng tingin kay mommy galing sa pagkain ko na hindi ko mabawas bawasan. Bakas sa mukha niya ang excitement at saya na kakanta na ulit ako after ilang years.

"Kailan niya po sinabi?"

"Kanina lang anak, tumawag siya dito. Hindi ka daw niya macontact sa cell mo. Im so happy for you anak at ipag palatuloy mo ang pangarap ninyo ng iyong daddy." Hinimas niya ang aking palad at bahag yang pinisil at ngumiti sa akin.

"Mauuna na po ako sa kwarto ko mom, pasensya na po." Walang ganang sabi ko at tumayo.

"Pero hindi ka pa nakakain anak?" Bakas sa maganda niyang mukha ang pag aalala.

Bakit parang napaka dali sa kanilang kalimutan na lang ang mga nangyari. Hindi kasi sila ang nasa kalagayan ko. Sa halos araw araw na ginawa ng Dyos, walang araw din ang hindi ko nasisi ang sarili ko. Kasalanan ko naman ang lahat. Sana hindi ko na lang siya hinayaang umalis noon. Sana nasagot ko agad yung mga tawag niya.

Mahimbing nanatutulog si eurie ng maramdaman niya ang banayad na haplos ng kanyang ama sa kanyang buhok.

"Hey sweetheart, i have something for you." Nakaupo ang kanyang ama sa gilid ng kama niya. Mababakas sa mukha ng kanyang ama ang pagod. Siguro kauuwi lamang nito.

"Ano po yun daddy?" Habang kinukusot ang kanyang inaantok pang mga mata. May kinuha ito mula sa coat niya na isang silver na kwintas may pendant na parang chip na rectangle nakatupi ang dulo na pinag lusutan ng silver na kwintas. Maganda ito though hindi ganoon ka detailed ang pendant.

Broken StringsWhere stories live. Discover now