Chapter One

11.1K 221 27
                                    

Lyrie

Iniisip ko pa nga ang mga gawaing kailangan na ipasa sa susunod na linggo ay nababaliw na ako. Sa sobrang dami ay nawiwindang na ang utak ko. Pagdating kasi sa college grabe ang challenge. From financial, to mental, and physical. Hindi naman ako nag re-reklamo sa buhay ko, choice ko naman ipagpatuloy ang pag-aaral ko kaya kailangan lumaban, kahit minsan bugbog sarado na sa gawain. Minsan kasi, sa sobrang stress, nararamdaman ko talaga ang hirap na tagos sa buto. Tapos isama mo pa ang mga pabigat mong ka-groupo sa ibang trabaho. I mean, okay lang maging pabigat kung may pabayad, diba? Eh kung wala, edi mapapamura ka nalang.

Speaking of mura, ito na naman ako napapamura sa assignment ko sa auditing. Hindi ko na naman kasi gets. Bakit ba kasi ako pabida sa pagkuha ng kurso ko eh.

"Lyrie! Kanina ka pa dito ah, hindi ka pa ba uuwi?"

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Mandi, kaibigan ko, na naglalakad papalapit sa akin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya na umupo naman sa harap ko.

"Uuwi ka na ba? Pwede sabay tayo? Uuwi rin kasi ako sa bahay ngayon tutal wala namang pasok three days straight, " sagot ko habang tumatayo at nag liligpit ng gamit.


Kapag may pasok kasi, sa boarding house ako namamalagi na pagmamay-ari ng tita ko. Libre lang naman kaya nakaka bawas gastos pero kapag ganitong araw, umuuwi talaga ako sa bahay.

"Tara? Baka puno na naman ang mga jeep eh. Nang makasakay na tayo," tugon nito.

Tumango lang ako at mabilis na nagligpit bago kami naglakad papalabas sa paaralan, at naglakad pa papunta sa terminal ng jeep.

Tulad nga ng sinabi niya, puno na naman ang sakayan. Magulo sa hintayan ng jeep, maraming nagmamadaling estudyante, guro, at mga galing sa trabaho na nag-aagawan ng masasakyan. Paunahan sa pagpasok, at talo ka kung mahina kang sumingit. Hindi naman bago sa akin ito. Ganito naman talaga ang eksena, minsan may habulan pa ngang nangyayare kasi napapa-layo ang jeep ng hinto. Mabuti nalang at ang pumarang jeep ay dederetso na sa aming lugar. Ayaw ko pa naman ng two rides kasi medyo malayo-layo din iyong amin, mga isang oras at kalahati pero umaabot ng dalawa o mahigit pa kapag sa jeep.

Nasa pinaka dulo ako naka upo, katabi si Mandi na mabilis nakatulog sa tabi ko. Bilang mabait na kaibigan, kinuha ko ang ulo nito at tsaka pinasandal sa akin. Alam kong pagod ito kaya hinayaan ko nalang. Kawawa rin kasi siya, andaming ganap sa buhay na para bang gustong akuin lahat ng pagsubok sa mundo.

Habang inaayos ang gamit sa likod ko ay napamura naman ako nang biglang umulan at tumulo sa gilid, kung saan ako nakaupo. Mas napabagal nito ang takbo ng jeep na mas magpapatagal na naman sa pag-uwi ko. Ano ba 'yan! Gusto ko lang naman makauwi at matulog, bakit kailangan ganito pa?

Thirty minutes na simula nang umandar ang jeep, malayu-layo na rin kami ng konti sa city pero walang tigil pa rin ang pag buhos ng ulan. Ni-text ko si papa na magpapasundo ako ngayon dahil baka wala na akong maabutang tricyle sa daan. Bigla namang huminto ang jeep at napasubsob ako kay Mandi, dahilan na magising ito. Tinignan niya ako ng masama at nag-peace sign naman ako sa kanya. Kawawa rin itong kaibigan ko. Halatang pagod na pagod tapos bibiglain ko. Pero hindi ko rin naman kasalanan, malay ko bang hihinto nang biglaan si kuya.

Pinausog ako ng babaeng sumakay na basang-basa sa ulan. Napangiwi ako. Ang galing! Basang-basa na nga siya tapos tumabi pa sa akin! Baka gusto niya paliguan na rin ako?

Strange FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon