Chapter 9

4 1 0
                                    



Nalalapit na ang summer,konting tiis nalang makakapag bakasyon na ako sa Davao,Sa nagdaang semester hindi naman ako nahirapan lalo na't gabi gabi talaga akong nag aaral.

"A. balak mo umuwi ng Davao ngayong bakasyon?" tanong ni Imara habang nakain ng pancit canton.

Linggo kasi ngayon kaya nasa bahay lang kami at nag aantay na uli ng panibagong araw para mag aral uli.

"Oo Imara, ikaw ba may balak ka ba?" sabi ko at naki subo ng pancit canton sa pinggan niya.

"Aba syempre nakakamiss kaya tumambay sa tabing dagat tapos magswiswimming tayo at manguha ng madaming shells"

"Alam ko na pag umuwi tayo mag picnic tayo sa isla tapos ambag tayo sa pagkain natin." Nagniningning na mata ang pinakita ko kay Imara.

Umirap namin ito.

"Ganyan ka ba talaga ka kuripot, dapat nga ikaw ang nanlibre kasi mukhang ikaw nanaman ang tatanghaling Miss number ng klase"

"Nye korni mo, basta usapan natin ha, at ito pa dap-" hindi ko na maitutuloy ang sasabihin ko ng biglang may lumapit na kasambahay kay Imara.

"Ma'am Imara may bisita po kayo" magalang na sabi nito

Tumingin naman sa akin si Imara, nagtatanong na tingin ang binigay ko dito.

"Ahm sige papasukin mo" sabi ni Imara

Tumayo ito at nagpunta sa sala ako naman ay niligpit ang pinagkainan namin.

Mula sa kusina natatanaw ko ang limang kalalakihan na nakaupo sa sala ng bahay.

"A. hindi ko alam kung bakit sila nandito eh mukhang hindi ako ang sadya nila"

"Anong ginagawa niyo dito, may kailangan nanaman ba kayo? Kung wala makakaalis na kayo sa bahay ni Imara"

Tumayo si Yvo at tumawag ng katulong

"Pakihanda po kami ng egg sandwich at pakilagyan po ng hot sauce" Feeling boss na sabi nito.

"Kaya ako'y sayo bro." sabat naman ni Jetro.

"Imara wala ka bang gagawin o sasabihin man lang inaabuso nila ang bahay mo." sabi ko at niyugyoh ang balikat nito.

"Ang Oa mo A. hayaan mo na, gagawin ko din naman yung sinabi ni Yvo nauhan lang niya ako."

Anak ng tinapa, kaya lang naman ako galit na galit sa limang ito dahil may kasalanan sila sa akin, noong isang nagkaroon kami ng individual project sa hindi inaasahan nabuhusan nila ang ginagawa kolung project.

Sinong hindi magagalit duon.

"Ang bilis ninyo atang makalimot gusto ninyo bang ipaalala ko sainyong lima ang kasalanan ninyo sa akin". Pikon na pikon na sabi ko sa lima.

"Aksidente lang naman yun Ahern, kaya lang naman kami pumunta dito kasi--" Nagiisip ito ng sunod na sasabihin niya.

"Kasi hihingi kami ng sorry sayo" pagpapatuloy ni Trevor.

Hmp! Sorry sa mukha nila hindi sila sincere at halatang napipilitan lan) ang mga ito.

"Ganyan ba ang humihingi ng Sorry, Chill na chill na nakaupo sa malabot na upuan habang ang isa naman nag tawag ng katulong para utusan na kumuha ng makakain, Wow!" Namamanghang sabi ko.

"Hindi ka sure Babe" sabi ni Luke, nagulat kami ng biglang lumapit si Trevor kay luke at binigyan ito ng nakakamatay na tingin.

"Oh sorry my mistake" naiilang na sabi ni Luke.

Unlabel Love ( Apl Series #1)Where stories live. Discover now