Chapter 2

13 1 0
                                    

Chapter 2

Kakatapos lang namin kumain ni Imara kaya agad na akong nagpaalam sa kanya na aakyat na ako ng kwarto niya upang maglinis ng katawan sa bathroom niya.May mga damit ako dito sa cabinet niya dahil madalas akong makitulog dito noon pa man.

Magaala-onse na ng gabi ngunit wala pa ang mga magulang ni Imara marahil di uuwi ang mga ito dahil pareho itong busy sa business nila Manila.Ito ang bahay bakasyunan nila kaya every summer nandito sila pero kahit bakasyon busy pa den ang magulang ni Imara sa pagpapatakbo ng negosyo nila.Only one child lang si Imara kaya lahat ng gusto niya nakukuha niya kaso malungkot pa din siya dahil oras ng kanyang magulang ang nais niya hindi ang luho.

Ganun siguro talaga na kahit mayaman ka at nakukuha ang gusto mo pero may mga bagay na gusto mo ngunit mahirap makamtam.

"Salamat at tapos kana din!" Excited na sabi ni Imara pagkalabas ko ng kanyang banyo.

"Sorry kanina ka pa ba?"

"No,hintayin mo ako dito may pupuntahan tayo!"Excited niyang sagot.

"Ha?saan?"Naguguluhang tanong ko.

"Basta! Masaya don!"Tiling sabi niya at nagmadaling pumasok ng kanyang banyo.

Napailing na lang ako saka kinuha ang suklay at humarap sa salamin habang sinusuklay ang buhok kong hanggang siko ko na ang haba.

Kelangan ko na sigurong magpagupit?

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog.Kinuha ko ito at nakita ko number ni Mama na tumatawag.

"Hello,ma"

"Sorry anak,natutulog kana ba?"

"Hindi pa po,bakit?"tanong ko saka umupo sa gilid ng kama ni Imara.

"Ito kasing ama mo gusto malaman kung nakauwi kana sa bahay nina Imara"

Napangiti ako sa sinabi ni Mama marahil nag-aalala sakin si Papa.

"Opo ma,hinihintay ko lang po si Imara matapos sa banyo at tutulog na po kami"

"Ah sige salamat anak,ingat kayo"

"Kayo din po ma, goodnight"

"Goodnight din anak"

And she ended the call.

Napabugtong hininga lamang ako saka binagsak ang katawan ko sa kama.Ipinikit ko ang aking mga mata pero di pa ako dinadalaw ng antok.

"Hoy!!!"Napamulat ako dahil sa boses ni Imara na nakalabas na pala ng banyo.

"Tumayo ka diyan at may pupuntahan pa tayo"

"Saan ba?at mukhang excited ka ha?"Bumangon ako.

"Manunuod tayo ng banda!"

Napatigil ako ng saglit at naalala ang sasakyan na may tatak na ApL dito.Shit!

"First time ko manood ng live na banda kaya for sure ikaw din no,A"

"Di naman kase ako interesado diyan"

"Ako interesado kaya samahan mo na ako please"

"Gabi na Imara bukas na lang tayo manood wala akong pasok bukas"Pagtanggi ko atsaka humiga muli.

"Mas maganda sa gabi manood,dali na A!!!"Pagpupumilit niya saka hinihila ang kanang kamay ko.

"Bukas na"

Unlabel Love ( Apl Series #1)Where stories live. Discover now