Chapter 7

6 1 0
                                    


7

Kasalakuyang nagrereview ako dito sa field, gusto ko kasi pag nag rereview ako ay tahimik at mahangin mas naiintindihan ko ang inaaral ko.

"ANO GANAP AT ANONG TRIP MO, BAKIT NAGIISA KA GIRL PWEDE MO NAMAN AKONG YAYAIN,AKO NALANG SIGURO MAG AADJUST YAYAIN KO NALANG SARILI KO MAG REVIEW" sigaw na sabi ni Imara,nagdradrama nanaman ito.

"Ano nanamang drama yan, kung wala kang matinong sasabihin malawak ang school pwede ka na humanap ng pwesto." sabi ko at umirap, nagjojoke lang naman ako.

"Pinagpapalit mo na ako kay Trevor, mabuti pa tapusin na natin ito, pagod na ako pagod na ako... basta pagod na ako" sabi nito, may pag punas pa ng mata na kunwari may luha.

"Panget ba ako, panget ba katawan ko."

"No."

"Then why" sabi ni Imara.

Maya maya ay humagalpak na kami ng tawa, kasi naman favorite scene namin yun sa My ex and Whys.

"Taray na gagaya na natin yung tipong konting kembot nalang mala liza Soberano na tayo." sabi ni Imara at umupo sa tabi ko.

Nagpatuloy ako sa pag rereview ko, hindi naman ako nagpunta dito sa Manila para lang magsaya at magbulakbol.

"A. may chika ako sayo, napapansin ko lately na nagiging close kayo ni trevor hindi lang close na masasabi tipong yung way ng pag uusap ninyo at pagiging clingy ni trevor sayo." sabi ni Imara, habang nakatingin sa taas.

"Grabe ka naman hindi ba pwedeng friendly lang talaga siya at clingy, wag mo na kaming pag isipan ng masama, magkaibigan lang kami period."

"Tama ka may pagkajudgemental ako normal na sa akin yun."

Nakinig nalang ako sa mga kwento ni Imara tungkol sa mga ganap niya sa buhay. PALABAS na ako ng school at inaantay ko na si Imara, ang tagal naman niya.

"Ms. Red Doll Shoes, pwede ba kita makausap?" sabi ni trevor.

"Can you please stop calling me Ms. Doll Shoes I have a name, at tungkol naman Saan?"

"Can i invite you this night, may gig kami malapit dito sa school if pwede lang naman." sabi ni Trevor at may kinuha sa kanyang bag.

Inabot niya sa akin ito.

"Yaan ang invitation card and wait can i have your number you know para malaman ko if hindi ka makakapunta" nagaalangan na tanong nito.

"Sige, wag mo ipapamigay yaan baka bukas may tumwag na sa akin na lalake tapos manligaw sa akin" walanghiyang sabi ko dito. Totoo naman yun kasi last time na may pinagbigyan ako ng number may bigla nalang akong yayain magtanan.

"Im not like that, aasahan ko na pupunta ka."

"I'll try my best"

Hindi pa man ito nakakalayo ng alis ay bigla itong bumalik ang walang sasabing hinalikan ako sa pisnge.

Ako naman ay naestatwa, anak ng tinapa bakit ko ito nararamdaman. Dumating na si Imara samantalang ako naman ay tulala pa rin.

"Imara ininvite kasi ako ni Trevor sa gig nila ngayong gabi, pupunta ba tayo?"

"Why not coconut blessing yun hahanap tayo chix duon, tiyak pupunta ang mga gwapings dun" kinikilig na sabi ni Imara, pag sa kiri naman talaga.

"Ipapaalala ko lang sayo hindi tayo pumunta duon para lumandi, kundi dahil para manuod."

"Ikaw yun, basta ako maghahanap ako, malay mo mabingwit ko duon may magandang lahi."

Unlabel Love ( Apl Series #1)Where stories live. Discover now