"Hindi, panaginip lang ito!" Pambabara sa akin ni Sweetania. "Ano pang hinihintay mo, yakap na!" Utos nya sabay tulak sa akin palapit kay Romeo.

Ang gaga, nilakasan talaga ang pagkakatulak sa akin kaya napayakap ako kay Romeo. Si Romeo naman ay maagap akong sinalo.

"Kumusta ka na?" Malambing at paos na tanong ni Romeo sa akin habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

"Okay lang." Tipid kong sagot, pero mas idinikit ko ang ulo ko sa balikat nya.

Gusto kong umiyak kanina Diary. Di ako makapaniwala na ang Romeo oh Romeo ko pala ang ka-chat ko kagabi. Kung alam ko lang na sya ang ex ko na walang closure e di sana noon pa inentertain ko na sya sa chat. Di na sana ako nag-aksaya pa ng madaming panahon na i-date yung mga palyadong mga lalaki na nirereto ni bespren sa akin araw-araw.

May ilang minuto na kaming magkayakap ni Romeo kanina Diary, parang walang gustong kumalas sa aming dalawa. Kaya lang ang bespren ko talaga kahit kailan panira ng moment, hinila nya ako palayo kay Romeo. Kaya tiningnan ko sya ng masama after. Nginisian lang naman ako ni Sweetania, sabay sinabihan ako na wag daw akong kiri at easy to get sa ex.

Tama nga naman si bespren kaya napahiya din ako ng bahagya. Paano ba naman kasi na-miss ko talaga si Romeo.

"Hi Romeo, kumusta?" Si Sweetania, pangiti-ngiti pa.

"Ayos lang, ikaw? I'm glad na makita ulit kayong magbestfriend."

"Ah oo, nagbakasyon ako sa Lupaypay last month. Isinama ko dito sa Manila si Candid para makahanap na sya ng majojowa." Walang prenong sagot ni Sweetania kaya napaawang ang labi ni Romeo.

"What?" Kunot noong tanong ni Romeo.

"Naku wag kang maniwala dito kay Sweetania, kilala mo naman ito na baliw at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig, di ba?" Singit ko dahil magsasalita pa sana si Sweetania. "Dun ka na nga, o kaya umuwi ka na." Bulong at baling ko kay Sweetania. Tinaboy ko talaga sya para masolo ko si Romeo.

Masunurin naman si bespren kaya na-gets nya ang gusto kong mangyari. Nagpaalam na sya kay Romeo na uuwi na muna dahil nakalimutan ang mga anak nya. Susunduin na lang daw nya ako mamaya. Pero nagboluntaryo agad si Romeo na sya na ang maghahatid sa akin. Agad pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Ibig sabihin makakasama ko pa hanggang sa bahay ni Sweetania si Romeo mamaya.

Pag-alis ni Sweetania ay muli kaming nagkwentuhan ni Romeo. Niyaya nya akong kumain, akala ko sa Jollibee nya ako dadalhin o kaya sa food court. Kasi sa ganoon nya ako idine-date noon e. Pero ngayon lumabas kami ng mall at dinala nya ako sa isang restaurant.

Iba na talaga ang Romeo ko ngayon, parang bigatin na. May kotse na rin ito at higit sa lahat mas lalong gumandang lalaki. At Diary ang bango-bango nya, promise.

Pagka-order namin ng pagkain ay muli kaming nagkwentuhan. Hindi ka maniniwala Diary pero wala kaming ilangan na dalawa. Kung ano kami noon ganon pa rin kami kung mag-usap ngayon. Walang nagbago sa amin pareho bukod sa mas nag-matured na lang ang mga itsura namin at isip maybe.

"So, bakit hindi ka nagpakilala sa akin ng maayos sa Facebook?" Tanong ko kay Romeo.

"Nahihiya kasi ako sayo. Naisip ko na baka hindi mo ako mapatawad dahil bigla akong nawala ng di man lang nagpapaalam sayo noon."

"Bakit ka nga ba nawala? Sinabi ko naman sayo na pagbalik ko galing US itutuloy natin ang pinutol nina Tyang na relasyon natin di ba?"

"Alam ko, my bad."

"Pero tapos na yun, magkwento ka na lang kung kumusta ka na ba? Dito ka ba sa daddy at stepmom mo tumutuloy?"

"Hindi, sa may Makati ako tumutuloy sa condo ko. Actually 3 weeks pa lang ako sa Pilipinas."

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon