Tigang 6

85 3 0
                                    

Dear Diary,

Noong isang araw nga pala nag-aabang kami ni Tyang Pipita ng maglalako ng isda sa labas ng gate ng bahay namin. Actually may waiting shed sa gilid ng bakuran namin. Kung minsan ang mga tambay doon e binubuhusan ni Tyang Pipita ng tubig para magsilayas.

Napaka iingay kasi nila tapos dinig na dinig pa ni Tyang na sya ang pinagchichismisan palagi. Kesyo mabuti pa daw ang mga tanim ni Tyang na bulaklak ang gaganda at sariwa. Pero si Tyang daw tuyot na at tigang na ang kipay. Tapos biglang tatawa ng malakas ang mga chismosang palaka. Kaya palaging hindi makapagpigil sa galit si Tyang.

Tapos yun nga habang nag-aabang kami ng mag-iisda. Biglang may nagsalita, kaya napatingin ako sa mga bulaklak sa gilid ng aming fence.

"Pipita Sin! Pipita Sin!" Tawag ng boses lalaki kanina.

Sabay kaming lumingon ni Tyang Pipita sa mga tanim naming rosas na namumulaklak. Akala namin may basta basta na lang namimitas ng bulaklak na walang paalam. Paglingon naman namin sa mga tanim naming rosas wala namang tao.

"Pipita Sin! Pipita Sin!" Tawag na naman ng boses. Sabay ulit kaming lumingon ni Tyang sa mga rosas pero wala pa ring tao.

Nang bumaling na ulit kami ng tingin sa kalsada para mag-abang ng mag-iisda. Nagulat si Tyang Pipita dahil may isang lalaki na sumulpot na halos idikit na ang mukha sa mukha nya. Biglang sinapo ni Tyang ang dibdib nya. Akala ko nga aatakihin si Tyang kanina sa puso kaya natakot ako at kinabahan.

"Pipita Sin. Do you still remember me?!" Tanong ng matandang lalaki na halos idikit na ang mukha sa Tyang Pipita ko.

Diyos ko naman Diary, bigla kong narealized. Si Tyang pala ang tinutukoy na Pipita Sin ng boses kanina. Akala naman namin may mapangahas na pipitas ng mga rosas naming mas sariwa pa sa kipay ni Tyang Pipita.

Kumunot ang noo ni Tyang sa lalaki. Tapos inamoy-amoy nya yung kaharap nyang lalaki. Alam mo Diary, ako ang nahihiya sa ginagawa ni Tyang kanina. I mean, aso ba sya para amuyin yung lalaki? Pero alam mo pagkaamoy ni Tyang sa lalaki.

Aba ang talanding tigang, biglang kumislap ang mga mata at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa lalaki. Nagtaka ako kung anong meron sa amoy ng lalaking kaharap nya at biglang nawala yung pagka masungit na awra ni Tyang Pipita.

"Kanor!" Nangingislap ang mga mata at nakangiti na tila kinikilig na sambit ni Tyang Pipita.

Ako naman nakatingin lang sa dalawa. Inaabangan ko kung anong sunod na mangyayari.

"Oo Pipita, ako nga ito si Kanor. Kumusta ka na?" Masayang sagot ni Mang Kanor na hindi nalalayo ang itsura kay Julio Diaz, mas pogi lang si Mang Kanor kasi tisoy.

Hindi mo naitatanong Diary, kahit tigang si Tyang Pipita abay napakaganda nya. Alam mo bang taon-taon ay Miss Lupaypay yun noong kabataan. Sila ng mama ko palagi ang isinasali sa beauty contest ng bayan ng Lupaypay.

Isang beses nga dumayo si mama ng beauty contest sa kabilang bayan, doon nya daw nakilala si papa. Hanggang sa naging magnobyo sila ni papa, ilang taon daw nila tinago ang relasyon nila dahil nga Chinese si papa. At si mama naman ay wala lang, gusto lang daw nya itago ang relasyon nila, trip lang daw nya. May pagka engot din kasi si mama ko sabi ng kambal, kung ano-ano na lang daw ang naiisip gawin kahit na wala namang katuturan.

Yun na nga, ang Tyang Pipita ko halata na kinikilig sa muli nilang pagkikita ni Mang Kanor. Pero naiyak ako sa sunod nilang usapan Diary. Kasi naman nalaman ko na may unawaan pala sila noon.

"Ito tigang na. Bakit kasi ang tagal mong nagbalik mahal ko?" Malungkot at may tampo na tanong ni Tyang kay Mang Kanor.

Nanlaki naman ang mga mata ko Diary. "Ano daw, mahal ko!" Tanong ko sa isip ko, para akong nabingi sa nadinig ko.

Diary ng tigang-sa pagmamahalWhere stories live. Discover now