Tigang 2

138 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina pagpasok ko sa trabaho, nakita ko ulit si Adonis. Nakatayo sya sa harapan ng ipinatayo nyang gym. 

Maichismis ko lang Diary ha.

Alam mo bang ang trabaho ni Adonis noon ay taga hukay ng libingan ng patay sa sementeryo. Pero ang sabi-sabi ng mga chismosa naming kapitbahay ay nakahukay daw ng kayamanan si Adonis sa sementeryo. Kaya daw biglang nakapundar ang ex-boyfriend ko na yun ng negosyo. Tapos meron na din syang sariling bahay at lupa tsaka tsekot. Di ba yayamanin ang peg ni ex.

At alam mo din ba na ang tawag ng Tyong at Tyang Pipita ko noon kay Adonis ay hampaslupa. May pagkamatapobre talaga yang kambal kong kamag-anak na yan. Wala ng ginawang matino para sa kanila ang mga nagiging jowa ko. 

Hindi naman kasi sa pagyayabang Diary, may kaya ang angkan nina mama at papa. Kaya nga napag-aral nila ako ng master degree in accounting sa Estados Unidos.

Alam mo bang ang trabaho ko ngayon ay manager ng grocery store ni Tyong at Tyang sa lugar namin. Ilang hakbang lang ang layo sa gym ni Adonis. Nasa kabilang kalsada lang ang Gym nya kaya natatanaw ko sya palagi na nakahubad sa labas ng gym nya at pawis na pawis.

Ang talap-talap talaga nya Diary. Ikaw ba Diary may abs ka rin ba? Patingin naman at pahipo na rin. Ayie! Kinikilig talaga ako kapag ninanakawan ko ng tingin si Adonis.

Yun na nga Diary, nakita ko nga sya kanina sa labas ng gym nya di ba? Aba alam mo bang may nakayakap sa kanyang hipon? Nagngingit-ngit talaga ako pagpasok ko sa grocery store ni Tyang at Tyong kanina. Inis na inis ako sa hipon na nakapulupot kay Adonis ko.

Dapat ako ang nakapulupot sa matigas na katawan nya hindi ang tapon ulo nyang girlfriend na yun. Naiiyak talaga ako Diary at nagseselos. Kaya hindi ako pinapansin ni Adonis simula ng magbalik ako ng Pilipinas dahil sa girlfriend nyang si Hilda Bruhilda!

Husto lang naman sa puti si Bruhilda Diary, maganda ang katawan nya pero ang mukha nya mukhang bangkay na version ni Zorayda. Mas maganda pa nga sa kanya si Zorayda jusko po kung makikita mo lang sya Diary baka sabihin mo naman ayaw mo na sa earth.

Ewan ko ba kay Adonis Diary kung bakit hindi nya ako pinapansin. Ang ganda ko kaya! Kilala mo ba si Jun Ji-hyun ng My Sassy girl na Korean movie? Kung hindi e di isearch mo na lang sa google. Wag kang tamad, palagi na lang ba ako ang magkukwento sayo ng mga itsura ng mga kinukwento ko?

Para kaming kambal ni Jun Ji-hyun Diary, promise! Di ba nga chinito si papa tapos artistahin si mama kaya perfect combination nila ako malamang!

Hindi ko nga alam kung bakit walang nanliligaw sa akin mula ng naghiwalay kami ni Romeo. Handa naman akong sumubok magmahal ng iba kaya lang pati yata mga lalaki na naaakit sa alindog ko natigang na rin sa paghanga sa akin.

So ayun na nga Diary, di ba nga si Bruhilda nakayakap kanina kay Adonis kaya bwisit na bwisit ako. Pero alam mo kapag naghiwalay ang dalawang yun ako na mismo ang hihila kay Adonis sa isang tabi para magpa-devirginized sa kanya, promise!

Oy joke lang Diary, nagselos ka naman agad dyan. Hahawakan ko yang itlog mo e para hindi ka na magselos. Alam mo namang dalagang Pilipina ako, yeah! Kahit nga sa tate, wala man lang nakahawak sa akin. Alam mo kung bakit? 

Kasi yung translator na kasa-kasama ko araw-araw, araw-araw ding nagrereport sa kambal. Kahit gusto kong makipagdate hindi ko magawa kasi nga ayaw nina Tyang. Ewan ko ba sa kambal na yun kung bakit ang higpit-higpit nila sa akin. Gusto talaga nila na pare-pareho kaming maging tigang na tatlo.

Pero alam mo hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan ni Adonis sa hipon na yun. Sya nga pala Diary muntik ko ng makalimutan sabihin sayo. Yung sando na suot ni Adonis sa lamay noong isang gabi yun pa rin ang suot nya kaninang umaga. Kulay gray na nga yung sando nyang puti na yun pero ang yummy yummy pa rin nya kahit na hindi sya nagbibihis.

Pagkakita ko nga sa kanya kanina parang tumibok si Kipay. Kaso biglang sumulpot ang hipon nyang girlfriend kaya nawalan ako ng gana buong maghapon.

Sya dyan ka na nga Diary. Pag may kwento ulit ako sayo pupuntahan agad kita.

PS. Sa Biyernas na ang libing ni Aling Pasing. Sasama daw kami sa patay sabi ni Tyang at Tyong. Sabi ko, sila na lang dalawa ang sumama sa patay. Hinampas ba naman ako ng plastic na tray sa ulo pagkasagot ko ng ganon. Kaya ayun nabutas ang tray sa tigas ng ulo ko, hay si Tyang at Tyong talaga kakainis.

Mahal ko pa kaya ang buhay ko kahit na tigang na tigang na ako sa pagmamahal, hinding-hindi ako sasama sa patay noh! Sila na lang dalawa.

Ang tigang—sa pagmamahal.

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalWhere stories live. Discover now