Tigang 12

50 3 0
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba paggising ko kanina nadatnan ko si Tyang Pipita na naghahanda ng almusal. Halata na nadiligan ang dating tigang. Kanta sya nang kanta at nakangiti pa. Obvious na nakakota kinabalu na naman ang thundercats kagabi.

Pipitin, pitin, pipitin! Pipitin, pitin, pipitin!

Yan ang kanta ni Tyang habang nagsasangag ng kanin kanina. Alam mo bang simula ng nadiligan yan ni Mang Kanor palagi na lang nya kinakanta nyang sountrack ng Virgin People na movie na yan.

Pag ako nadiligan siguro mapapakanta din ako nyan. Tapos binati ko si Tyang, aba ang tigang ang bait at ang ganda ng ngiti sa akin. Sabi pa nya sa akin. Magday off daw ako sa work at maghanap ako ng ka-date dahil nakabitin na raw ang edad ko sa kalendaryo.

Jusko po, agang-aga edad ko na naman ang napuna ni Tyang. Palibhasa naka score na naman kagabi ang dating tigang.

"Tyang sino naman pong ide-date ko e wala nga pong magkamali?"

"E di ba si Adonis ang crush mo at ex mo pa. Bakit hindi mo sya ayain?"

"Aba himala ngayon itinitulak na nya ako kay Adonis." Sa isip-isip ko.

"May nobya na po yung tao. Di ba po pinalayo nyo sya sa akin noon. Tapos ngayon itutulak nyo ako sa taong taken na."

"Pinahiwalay ka ba namin doon?" Tanong ni Tyang na parang walang ginawang kasalanan sa amin ni Adonis.

"Opo nakalimutan nyo na po ba? Noong high school po ako. Di ba pinuntahan nyo kami sa school ni Adonis. Pilit nyo kaming pinaghiwalay sa harap ng mga classmate ko at teacher."

"Paano naman kasi ang landi-landi mo e kay bata-bata mo pa. Aba'y akalain ko ba namang titigangin mo pala ang sarili mo simula noong naubusan ka ng kalandian sa katawan." Banat ni Tyang sa akin, parang ako pa ang sinisisi ngayon.

"Sobra din! Samantalang kayo ang dahilan kaya ngayon wala ng magkamali sa akin." Apila ko.

"Di bale, papaligawan ka namin kay Igme. Patay na patay yun sayo di ba?" Pangisi-ngisi at proud pa na sabihin ni Tyang sa mukha ko.

"Yuck, Tyang! What do you think of me thinking of you!" Inis kong sabi, nadiri talaga ako sa sinabi ni Tyang, nagtaasan agad ang balahibo ko, Diary.

"Gaga, anong pinagsasasabi mo dyan, naturingan ngang nag-aral ka sa Estados Unidos ang bobo mong mag-english!"

"Nanlait pa ang dating tigang!" Pabulong kong sabi.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Tyang, parang nagsalubong ang kilay nya bigla.

"Wala po, sabi ko ang blooming nyo po lagi. Iba talaga pag palaging nadidiligan." Agad kong pang-uuto para di na sya magalit.

"Ay sinabi mo pa, ang sherep sherep keye!" Parang sira lang na sagot ni Tyang sa akin. Kadiri!

"Puta ang arte ng matandang dating tigang na ito talaga!" Gigil kong bulong sa isip ko. "Hay naku Tyang, makapasok na nga lang sa work." Paalam ko na lang, kesa inggitin ako ni Tyang.

"Hoy, hoy hoy! Sabi ko wag kang pumasok di ba? Tatawagan ko si Igme mag-date kayo." Pigil at giit pa rin ni Tyang sa akin.

"Tyang kilabutan ka nga sa sinasabi mo? Senior citizen na yun tapos ang swanget pa, ewww!! Wala na bang iba!"

"Arte, arte mo tigang ka na naman." Nanlalaki ang mga mata na tila naiinis na sa akin na sabi ni Tyang.

"Di bale ng matigang Tyang wag lang kay Mang Igme mapunta na Chuckie Dreyfus ang fezticles!"

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon