Tigang 10

54 3 0
                                    

Dear Diary,

Kaninang umaga, dalawa ng lovers ang kasama ko sa pagkain. Para akong maiiyak sa inggit Diary, nagsusubuan pa sila. Kakainis talaga.

Pero si Tyong Pipito Diary hawak nya ang bewang nya pagkalabas ng kwarto. Baka nasobrahan kagabi. 

Yun nga naiinggit ako sa kanila. Buti pa ang kambal may lovelife na, samantalang ako tigang pa rin.

"Mag-asawa ka na Candida!" Sabay-sabay na sambit ng apat.

Nasaktan ako dun ha. Palibhasa mga inlove na sila. Kaya ako ngayon ang minamadali nilang mag-asawa. Tapos nagtawanan pa sila after akong sabihan na mag-asawa na. 

Para bang katawa-tawa sa kanila na mawawala na ako sa kalendaryo bukas. Pero ang iba namang buwan may 31 na petsa di ba? So, pasok pa rin ako sa ibang buwan hangga't hindi pa ako tumutuntong ng 32.

Naiinis talaga akong pumasok ng trabaho kanina Diary, tapos nakita ko pa si Adonis at Bruhilda na naghaharutan sa harapan ng gym. Hay, sirang sira talaga ang araw ko.

Buti na lang nang tanghali dumating ang bestfriend kong taga Maynila. Sya si Sweetania ang bestfriend ko simula elementary. Kulang sya sa buwan nung ipanganak, habang ako naman ay Menopause baby. Kaya perfect combo kami. Parehas kami ng ugali at trip.

Pero si Sweetania may pamilya na, noong college lumandi na agad sya at nagpabuntis kay Arturo. Pero ang yummy naman kasi ni Arturo. Kapag nga nabalo si Arturo ihahayin ko ang sarili ko doon, tutal mas maganda naman ako kesa kay Sweetania. Sexy lang si Sweetania, pero sa ganda e mas lamang ako sa kanya.

"Bestfriend!" Tili ni Sweetania pagkakita sa akin sa store. "Kumusta?"

"Ayos lang bestfriend tigang pa rin. Ikaw ba? Buti napadalaw ka?" Masaya kong bati sa kanya.

"Syempre naman birthday mo kaya bukas, kaya umuwi ako sa Lupaypay." Pagmamalaki pa ni bestfriend sa akin.

"Wow ang sweet mo talaga, teka kasama mo ba ang mga bata tsaka si Arturo?"

"Mga bata lang, iniwan ko sila kay mama. Si Arturo wala. Nasa Saudi sya, isang taon na."

"Talaga, paano yan hindi ka na nadidiligan nyan?" Biro ko kay bestfriend.

"Aba, kahit wala si Arturo bestfriend I have my ways noh!" Pagmamalaki naman ni Bestfriend. Pinatulan talaga ng hitad ang biro ko.

Pero nagtaka ako kung ano yung ways nya, Diary. 

"Tang inames, Sweetania baka nanlalalaki ka ha!" Bulyaw ko sa kanya.

"Sira, hindi noh! Si Arturo pinabili ako ng dildo, sabi nya gamitin ko daw kapag namimiss ko sya. Kesa daw manlalake ako!" 

"Dildo? Ano yun?"

"Hay naku bestfriend, inosente ka talaga at tigang! Basta, bukas ibibigay ko sayo yung extra ko. Isang beses ko pa lang nagagamit yun. Masyado kasing maliit at nakikiliti lang ako kaya sayo na lang. Don't worry hinugasan ko na yun."

Tang ina, nacurious ako kung ano ang dildo na sinasabi ni bestfriend. Nakakakiliti daw tapos hinuhugasan. Parang naexcite na talaga ako sa bukas.

Di ba birthday ko bukas Diary, sana makapunta ka. May kaunti kaming salo-salo dito. Invited ang mga taga Lupaypay. Sana nga may matisod ako bukas na boylet. Sana rin matupad na yung wish ko para sa sarili ko.

Sige na Diary bukas na ulit tayo magkwentuhan after ng birthday party ko. Mamimiss kita. Kailangan kong matulog ng maaga para maganda ako bukas sa kaarawan ko. Mag-beauty rest daw ako sabi ni bestfriend.

Goodnight Diary.

Tigang— sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalWhere stories live. Discover now