P.A 20

391 18 0
                                    

Third Person POV

Lahat nagulat sa pagsulpot ng mag-asawa sa harap ng mga Kim. Tila tigre ang babae na gustong gustong sugudin ang babaeng kaharap nito. A ng kambal nitong walang iba kundi si Flecia kasama ang asawa't anak niya.

"Nababaliw kana"masamang tingin ang pinukol ni Flecia kay Fiona ang kambal niya. "Saan ka ba lugar nagpunta ang bigla mung aangkinin ang bagay na hindi sayo"

Mapang-asar natawa ang kambal nito. "Sayo?!!!.. Haha hindi ako ang baliw dito Flecia. IKAW!! Magnanakaw na na nga. Mang-aagaw ka pa!!"

Hindi naman nagustuhan ni Flecia ang sinabi ng kambal niya. Mabilis naman na pigilan ng asawa niya ang tangkang pagsugod kay Fiona.

"Ano sabi mo??..Hoy!!! Sa ating dalawa ikaw ang mang-aagaw. Malandi inahas mo sakin ang asawa ko. Ang kapal ng mukha mo magpakita sakin. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo"naggagalaiti sa galit si Flecia at gustong gusto sugudin at sabunotan ang kaharap niya pero hindi niya magawa dahil pinipigilan siya ng asawa.

"Gosh Ate..wag mong ibahin yung usapan. Anak ko ang pinag-uusapan dito at hindi ang lalaking yan"sabay turo ni Fiona kay Edward.

"Wag na wag mo kung tatawaging Ate. Wala akung kapatid na malandi"

"Ibalik mo sakin ang anak ko"akmang lalapit si Fiona ng...

"Mommy/Hon"

Nagulat sila ng mabilis na lumapit si Flecia sa guard at kinuha ang baril nito para itutok sa kambal. Napaatras naman ang mag-asawa.

"Sige. Lumapit kayo. Hindi ako magdadalawang isip na iputok ito"

Napayukom ng kamao si Fiona sa inasta ng kambal niya.

"Sige lumapit kayo!!"

"Mommy"mahinang sambit ni Trisha. Tumingin siya sa mag-asawa. "Ano ba!! Umalis na kayo pwede. Wala kayong makukuha samin"sigaw ni Trisha.

Tumingin ang asawa ni Fiona sa kaniya. "Umuwi muna tayo Hun. Wala tayong laban jan"bulong niya.

"P-pero yung anak ko--"

"Kukunin natin siya. Hindi pa sa ngayon."

"P-pero---"

"Please makinig ka muna sakin. Wag matigas ang ulo"

"Ano?? Magbubulongan lang ba kayo jan"

Binalingan ulit ni Fiona si Flecia ng masamang tingin.

"Babalik ako. At babawiin ko sayo ang anak ko."


"Kung magagawa mo"

Tumalikod na ang mag-asawa at sabay ng pumasok ng sasakyan. Sinulyapan mona ni Fiona ang pamilyang Kim bago lumisan sa harap nila.

----
"Gosh!!! Ang daming nangyari. Pakiramdam ko buong araw ako na stress sa nangyari"

Hindi pinansin ni Flecia ang anak na si Trisha at tinuon ang pansin sa bintana.

"Mom. Why you didn't tell them truth. Ayaw mo nun? Mawawala na siya sa landas natin pati narin sa mga Shaw"sabat ni Fleo

Napailing ang Ina nila at uminom ng alak.

"Your wrong" humarap siya sa anak niya. "If we do that? Matatalo tayo"

"Ammm..w-what do you mean about that Mommy?"takang tanong ni Trisha sa Ina.

"My dear. Kilala niyo si Raulyn. Hahanap at hahanap siya ng kakampi. Kapag sinabi natin ang totoo. Ang Shaw at si Fiona ay magtutulongan laban satin"

Natahimik ang dalawa sa sinabi ng kanilang Ina. Tama siya. Mas mahihirapan sila kung dalawa ang kalaban nila.

"Ano ba plano mo Flecia?"sabat ng asawa niya na si Edward na kanina pa tahimik.

"Mag-iisip pa ako. Pero sa ngayon..Kailangan mo natin sulosyunan ang problema natin sa mga Shaw"

Sabay tumango ang mag-ama.

----
Lydia POV

"Good Morning Aling Norma"

"Good morning Dia. Oh kumain ka na"

"Sige po"

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Anong oras ka nakauwi Dia?"

"Ammm..mga 8 ata po"

Sinadya kung gabi ng umuwi. Nagbabakasali lang ako na wala akung maabutan ng kahit sino. Luckily pag-uwi ko. Wala nga..

Hindi nagsalita si Aling Norma kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Akmang susubo na ako ng magsalita siya ulit

"Dia?"

"Po?"tumingin ako sa kaniya.

"Iniiwasan mo ba si Jazz?"napatigil ako ng marinig ang pangalan niya. "Hindi parin ba kayo bati?"

Umiwas ako ng tingin at tila na walan ng gana. Napansin ata ni Aling Norma kasi napabuga siya ng hangin

"Dia... Pwede mo sabihin sakin ang problema..Ano bang problema?"

Hindi ako sumagot. Anong problem. Madami...sobrang dami.

"Iha..."napatingin ako sa kamay ko ng bigla niyang hawakan ito "nag-aalala na ako sayo. Kapag nalaman ito ng mommy mo. Hindi niya maguguatuhan ito. Kaya please mo na. Baka makatulong ako hmm"

Napapikit ako dahil nagsimulang mangilid ang mga mata ko.

"A-aling Norma"

"Ssshhh sige makikinig ako"

"Masama po bang kalimutan nakaraan? Masama bang mamuhay ulit?...kasi Aling Norma...ayoko na eh... Ayoko ng balikan ang sakit na dinanas ko noon. Ayoko ng balikan ang mga masasamang nangyari noon. Gusto ko ng kalimutan yun at makuntento na lang sa ano mang meron sakin ngayon. Mahirap ba yun ibigay?"

Sa tuwing maalala ko ang pagdududa nila pakiramdam ko hindi ako tanggap. Pakiramdam ko hindi parin ako masaya. Hindi parin ako malaya

"Aling Norma. Kung kaya ko lang umpugin ang ulo ko sa pader o di kaya magpasagasa sa daan gagawin ko. Para magka amnesia ako at makalimutan ko lahat..pero hindi eh...hindi ko kaya"

Lumipat ng pwesto si Aling Norma at lumapit sakin para yakapin ako.

"Ssshh tahan na ok"

Pretending AmnesiaWhere stories live. Discover now